<77> Nanay's Advice

45 7 0
                                    

Maira's POV

"Taray ng pa grand entrance mo kanina ah" hindi maawat ang bibig ni Jade sa kakadaldal. Kanina pa yan simula nang pumasok ako sa classroom. Tapos ngayon uwian na hindi padin maawat.

Ikwekwento ko pa lang sana sa kanila kaso mas nauna pang dumating ang tsismis kesa sa akin. May audience pala ako kanina na kaklase namin na tsismosa kaya kumalat na kagad. 

Totoo nga ang kasabihan na 'may tainga ang lupa, may pakpak ang balita'. 

"Jade tama na nga" saway sa kanya ni Scian.

"Ayoko nga" tanggi ni Jade.

"Titigil ka o titigil ka?" malamig na pananalita ni Scian.

"Demanding na nga nahawa pa sa ex nyang mas malamig pa sa ice pop" pang-aasar sa kanya ni Jade.

"Jade wag mo na nga asarin yan, itatanggi nya na naman yan" panggagatong ko sa asar ni Jade.

"Eme di ko alam. Nakalimutan ko. Blah blah blah" pang-uulit niya pang muli.

"Daming dahilan ano?" dagdag ko pa.

"Sige magtulungan lang kayo sa pang-aasar" naiinis na wika Scian kaya humagalpak kami ng tawa ni Jade.

"Ge tawa lang kayo. Asar pa more" pagpapatuloy nya at halatang napipikon na. 

"Speaking of asar, kayo ha! Kaya pala kayo asar ng asar kasi utos ni mommy sa inyo yun" kunwaring pagdadalamhati ko. 

"Kahit naman hindi iutos ni tita yun, gagawin padin namin" patawa tawang saad ni Jade.

"Bakit nga ba kasi kayo nang-aasar ha?" 

"Kasi trip lang namin, bakit ba?" tugon ni Scian at sila naman ang humagalpak ng tawa.

#FeelingDefeated

"At saka alam namin na mahal mo padin yung fake ex-boyfriend mo HAHAHAHAHAHA" dagdag pa ni Jade.

"No way! I hate him so damn much" pagtanggi ko sa sinabi ni Jade.

"Sus kunwari pa" pang-aasar sa'kin ni Jade.

"The more you hate, the more you love" gatong ni Scian at lalo pa silang tumawa. 

Inirapan ko na lamang sila kasi napipikon ako sa asar nila. Binaklitad ga naman ang sitwasyon. Kanina si Scian ang inaasar, ngayon naman ako. 

****

Mag-isa na'kong pumunta sa simbahan kung saan naninilbihan si nanay. Hindi ko na sinama sina Jade at Scian dahil baka masunog sila kapag pumasok sila rito. Masyado silang makasalanan at baka mamaya hindi mapigilan ang mga di karapat dapat na salita na lumabas sa mga bibig nila lalo na yung kay Jade . Mahal ko ang mga kaibigan ko at ayaw ko pa silang masunog at mawala na parang bula. 

Hinahanap ko si Nanay rito pero hindi ko siya mahalagilap. Kaya nagtanong na'ko sa isa sa mga bantay ng simbahan. Hindi naman ako nabigo dahil kilala nga nila si Nanay. Pinaupo muna ako at dito na lang din maghihintay. 

Hindi naman ganoon katagal ang paghihintay ko dahil maya-maya pa'y lumabas na ang isang madre, hindi katangkaran pero may taglay pading kagandahan.

Isa nang ganap na madre si nanay.

"Anak? Maira?" nagulat niyang wika noong makita niya ako. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagdating ko dito.

"Iwan nyo muna kami rito, ako na ang bahala sa kanya" bilin niya sa mga tagapagbantay kaya naiwan na lamang kaming dalawa. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon