Chapter Twelve

468 14 2
                                    

"Andy, ikaw na muna ang bahala sa station. Pati na rin sa bar. Sabihin mo kay Nica, kung kaya niya ay mag-overtime siya. Dadagdagan ko na lang ang bayad sa kanya," utos ni Gabby sa kapatid. Kausap niya ito sa cellphone ng mga oras na iyon.

"Ako na ang bahala dito, Ate. Ngayong weekend ka lang naman mawawala. Huwag mo na akong isipin," wika naman ni Andy.

"Pasabi nga pala sa sekretarya ni Dad, naayos ko na yung appointment sa advertising agency. Pati na rin yung catering na si Nica ang magma-manage. Patulong ka sa kanya kung may problema. Alam na niya ang gagawin diyan."

"Ate, ako na nga ang bahala dito," natatawang sabi ni Andy sa kabilang linya. "Hindi naman babagsak ang kumpanya natin kung mawawala kayo ni Kuya Sid ng dalawang araw. Mag-enjoy ka lang diyan."

"Andy, I trust you, okay? Huwag kang gagawa ng kung ano-ano habang wala ako," bilin niya sa kapatid.

Noong dumating si Andy may halos isang buwan na ang nakakaraan ay para itong naglalakad na bulkang Mayon na sasabog ano mang oras. Lahat ng balita tungkol kay Apollo ay hindi nito pinatawad. At ngayon na ikakasal na si Apollo ay nag-aalala si Gabby sa kapatid. Alam niya ang kayang gawin ni Andy basta may kinalaman kay Apollo.

"Ano bang iniisip mo? Na susugod ako basta-basta sa Ferwood Gardens para itigil ang kasal? The hell I care about that stupid guy!" ngitngit ni Andy.

Huminga si Gabby nang malalim. Sa kabila ng inis ni Andy ay alam niyang nasasaktan ang kapatid niya. At napu-frustrate siya dahil wala man lang siyang magawa para payapain ang nararamdaman nito. Not that she wanted Apollo for her only sister. Pero kung matigas ang ulo niya ay mas matigas ang ulo ni Andy. Kahit ilang beses nitong sabihin na wala na itong pakialam sa lalaking dumurog ng puso nito maraming taon na ang nakalipas ay alam nilang lahat na affected pa rin ito.

Kaya naman kahit may imbitasyon silang mag-anak ay gasino na nilang siputin ang kasal. Lalo ang ama nila na mas pinili pa na um-attend ng business conference sa Europe kaysa paunlakan ang kasal ng anak ng isa sa mga dating kaibigan nito at kasosyo sa negosyo. Ang sabi nito, hinding-hindi daw nito sasaksihan ang kasal ni Apollo sa kahit na kanino maliban kay Andy.

"Andy, you deserve someone better," malumanay na sabi niya.

"Talaga! Huwag sanang lumigaya kahit kailan ang hinayupak na 'yon," asar na saad pa ng kapatid. "Anyway, just enjoy your short vacation. I-enjoy mo na rin si Kuya Sid. Muy gwapo, Ate," sabay hagikhik

Sa sinabi ni Andy ay pumitlag ang puso niya. May alam ba ito?

Napalingon siya kay Sid na kasalukuyang nagmamaneho ng mga sandaling iyon. Kitang-kita ang matangos nitong ilong at ang magaganda nitong pilikmata. Naisip pa niya noon na baka may lahing banyaga si Sid. Nang mahuli siya ni Sid na tinititigan ito ay tumaas ang mga makakapal nitong kilay na wari ay nagtatanong.

Napaismid si Gabby. Ibinalik ang atensyon kay Andy. Gwapo nga ang herodes, sa loob-loob niya.

"Babalik din ako kaagad. So behave, Andy," bilin niya ulit dito.

"Oo na. Paulit-ulit. Sige na, kailangan ko nang pumunta sa bar. So long, Ate!"

Nahilot niya ang sentido nang ibalik ang cellphone sa bag.

"Ano'ng problema kay Andy?"

"The usual. Si Apollo pa rin," matabang na sabi niya.

Napangiti si Sid at tumingin sa unahan ng sasakyan. "Magkasing tigas kayo ni Andy ng ulo."

"Excuse me?!"

Pero tumawa lang si Sid. "Huwag kang mag-alala, Boss. Trust your sister. She'll be fine."

"Stop calling me 'boss' when we're outside the office," angil niya dito.

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Boss. Utos na rin ng daddy mo," pang-aasar pa nito. Pero nang oras na iyon ay naririnig niya ang kaaliwan sa tinig nito.

Ipinaikot niya ang mga mata sa harap nito.

"Pwede bang tigilan mo 'yan? Masyado ka talagang loyal kay daddy," puna niya dito.

"Perhaps it's not your father I'm loyal to," sagot nito.

Dahil doon ay mabilis siyang lumingon kay Sid. But Sid just smiled at her, perhaps a little too sadly. Itinigil nito sandali ang kotse sa tabing daan bago dumukwang sa kanya. Ibinaba nito ang recliner ng upuan. Sa ginawa ni Sid ay hindi niya maiwasang masinghot ang amoy ng buhok nito. Para iyong amoy ng mga puno sa gubat matapos nang isang buong gabing pag-ulan.

Pinigilan niya nang matindi ang hininga niya para hindi niya masamyo ang amoy ni Sid. 'Di bale nang malagutan ng hininga, huwag lang ma-addict kay Sid. Baka lalo na siyang mabaliw sa mga nangyayari sa buhay niya.

Pero parang narinig ni Sid ang dilemma niya dahil noon pa nito naisipang tumingin sa kanya. Mukha na siguro siyang tanga habang nahihintakutang sinalubong ang mga mata nito. Gadangkal na lang halos ang layo ng mukha nito sa kanya. Nagtagal ang mga mata nito sa mga labi niya. Naalala na naman niya ang pagkakataong hinalikan siya nito.

At sa kamalas-malasan, mukhang pareho sila ng iniisip nito. Naglamlam ang mga mata ni Sid habang nanatiling nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kanya.

Hahalikan ba siya ulit nito?

Nabuhay ang kaliit-liitang himaymay ng katawan niya sa kaisipang iyon. Sa lakas ng pintig ng puso niya ay mukhang rinig na ang pagbayo niyon sa maliit na espasyo ng kotse.

Pero naramdaman na lang niya nang hawakan ni Sid ang ulo niya para iayos ang pagkakahiga niya sa kotse. Hindi niya alam kung madi-disppoint ba siya o ano.

You're losing it, Gabby.

"Get some sleep. Hindi ka pa nakakatulog nang maayos dahil sunod-sunod ang inasikaso mong mga projects. Kapag nakarating tayo sa amin ay siguradong hindi ka papatulugin doon," utos nito sa kanya.

Pagkatapos ay tumuwid ulit ito ng upo at itinuloy ang naudlot na pagmamaneho. Akala ni Gabby ay papalampasin nito ang nangyari, pero pahiya siya. Narinig niya ang marahan nitong pagtawa.

"Don't look at me like that. Mahirap kang halikan habang nagmamaneho ako. Baka hindi na tayo makarating sa amin."

Lalo pa atang namula ang mukha niya sa implikasyon ng sinabi nito.

"For a secretary, you are so rude."

"Back at you, Boss. Now, get some rest. Malayo pa ang byahe natin."

Naiinis na humalukipkip na lang siya isang sulok at pumikit. Pero gising pa siya nang maramdaman nang halikan ni Sid ang tuktok ng ulo niya. Iyon ata ang dahilan kung bakit maganda pa rin ang panaginip niya kahit nag-cramps na ang paa niya sa pagkakahiga.

Seasons 3: The Fall of AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon