Hindi na halos malunok ni Gabby ang kinakain dahil nao-overwhelm siya sa pagaasikasong ginagawa sa kanya ng mga oras na iyon. Kasalukuyan siyang kumakain ng hapunan kasama ang pamilya ni Sid.
"Ito pa, anak. Damihan mo ang kain ng kare-kare," wika ni Nanay Nene, ang nanay ni Sid habang sumasandok ng pangatlong serving ng kare-kare sa mangkok niya.
"Tama na po, 'nay. Ang dami na ng inilagay niyo," pigil niya dito. Hindi ba nito nakikita na umaapaw na sa sabaw ang mangkok niya?
"Tama si Nanay, Boss. Ang payat-payat mo na. Para kang liliparin ano mang oras," wika ni Sid. Nilagyan pa nito ng gulay ang mangkok niya.
Pinanlisikan niya ito ng mata. Hindi porke't nasa pamamahay siya nito ay may karapatan na itong insultuhin siya ng ganoon. Kumindat lang ito sa kanya. Noon naman nagsalita ulit si Nanay Nene kaya natuon ulit doon ang atensyon niya.
"Buti at nakadalaw ka dito sa'min, hija," magiliw na sabi nito.
Napansin niya noong una siyang dumating na hindi siya nito tinatratong parang amo ni Sid. Parang may mainit na humaplos sa puso niya dahil sa pagtanggap nito. Mas gusto pa niya na ituring na pamilya kaysa ibang tao. Nami-miss niya kasi ang pakiramdam na magkaroon ng ina. May isip na kasi siya nang mamatay ang nanay nila kaya nahirapan din siya nang mamatay ito.
"Hindi po sinasadya. Napasubo lang po ako nang imbitahan ni Gelai," nakangiting sabi niya.
"Matagal ko na ngang sinasabi dito kay Sid na imbitahan ka. Tutal at panay naman ang kuwento niyan tungkol sa'yo nung nasa high school pa lang 'yan. Ikaw kasi ang kauna-unahang babae na bumasted diyan," dugtong ni Nanay Nene.
Sabay pa sila ni Sid na nasigok sa sinabi nito.
"'Nay tama na 'yan," ungot ni Sid kay Nanay Nene.
"Eh, bakit? Totoo naman ah? Isang linggo ka ngang nagkulong sa kwarto mo pagkatapos," sige pa rin nito.
Hindi alam ni Gabby ang sasabihin kung mapapahiya ba siya o magi-guilty. Hello? Wala naman akong kasalanan!
"Matagal na 'yon, 'Nay. Kinalimutan ko na 'yon," wika ni Sid. "Kumain na lang kayo diyan. Lumalamig ang ulam."
Tumingin si Sid sa kanya at nagpapaumanhin ang tingin. Iniwas niya ang mata. Hindi niya alam kung bakit parang may mga aspileng tumutusok-tusok sa puso niya.
Nagkibit balikat si Nanay Nene. Akala niya ay titigil na ito, pero mukhang wala itong balak palampasin ang pagkakataong ma-interview siya.
"Ikaw ba ay may boyfriend na, anak?"
Umiling-iling siya habang humihigop ng sabaw.
"Wala po, eh. Busy po kasi sa trabaho."
"Naku, sa ganda mo na 'yan? Sayang naman," palatak nito. "Hayaan mo. Bukas sa fiesta, maraming turista ang dadating. Baka makahanap ka doon," pagmamalaki pa nito.
Hindi niya mapigilang hindi matawa sa ginang. Gusto niyang mainggit kay Sid dahil may ina pa ito.
"Huwag niyong ibugaw 'yang boss ko, 'Nay," matabang na sabi ni Sid. Kumuha naman ito ng kalahating inihaw na isda at inilagay sa plato niya. "Kainin mo pa 'yan. Bawal ang mahinang kumain sa pamamahay ko."
Napapangiti na lang siya habang nakikinig sa kamustahan ng pamilya ni Sid.
*****
Hindi napansin ni Gabby nang lumapit si Sid sa kanya sa asotea. Inabutan siya nito ng baso ng gatas.
BINABASA MO ANG
Seasons 3: The Fall of Autumn
RomanceMula pa pagkabata ay mainit na ang dugo ni Gabby kay Sid. Lagi kasi siya nitong nauungusan sa academics. Pakiramdam pa niya ay mas pinapaboran ito ng ama niya. And to make matters worse, her father assigned him to be her secretary. "You need me, Gab...