Muntik pang mabilakuan si Gabby sa kinakain niyang pinya dahil sa sinabi ni Sid. Sunod-sunod na ubo ang pinakawalan niya. Si Sid ay hinimas-himas ang likod niya. Kakatapos lang nitong makipag-usap sa isa sa mga kaibigan nitong reporters na tumawag dito.
"Teka, easy ka lang," natatawang sabi nito.
Nang mahimasmasan siya ay tumaas ng maraming nota ang tinig niya.
"Seryoso? Hindi natuloy ang kasal ni Apollo dahil nakipagtanan siya kay Andy?" nahihindik na bulalas niya.
Sa lagay ay nagagawa pang tumawa ni Sid. Ito lang ang bukod-tanging kilala niya na kahit gaano kahirap ang sitwasyon ay nagagawa pang tumawa.
"Alam mo naman ang balita. I'm sure they're exagerrating. Parang hindi mo naman kilala si Andy. Kung may isang tao na mas galit pa kay Apollo kaysa sa'yo, si Andy 'yon."
"Ano ba talagang nangyari?"
"Ang sabi nila, tumakas daw kasi si Apollo sa kasal niya kahapon. Tapos, kumalat daw ang mga litrato nilang dalawa ni Andy na magkahawak-kamay na tumatakas sa press sa labas ng Seasons. Kanina, kinumpirmi daw ni Apollo na si Andy ang dahilan kung bakit hindi daw natuloy ang kasal nito. He insinuated, and I quote, that 'he just followed his heart'." Sa kabila ng lahat ay naririnig ni Gabby ang kaaliwan sa tinig ni Sid.
Pero hindi pa rin siya mapakali. Nag-aalala siya sa kapatid. Mukhang nakita ni Sid ang pagkabalisa niya dahil inabot nito sa kanya ang cellphone.
"I just dialed Andy's number. You can talk to her."
Kinuha niya ang cellphone dito. Ilang sandali pa ay may sumagot na ng tawag.
"Adriana! Would you explain what happened? Kailan pa naging kayo ni Apollo?" sunod-sunod na tanong niya.
"Ate, wala nga kaming relasyon ni Apollo! I'm just a second away from committing murder!" bulyaw nito sa kabilang linya. Nang marinig iyon ay nasiguro niyang mukhang nag-e-exagerrate nga ang press.
Medyo kumalma na rin ang pakiramdam niya. "Ano nang gagawin mo? Ang sabi ni Sid, kalat na kalat daw ang balita na nagtanan kayong dalawa. So now you'll be marrying him, huh?"
Ang tindi ng panggigilalas ni Andy sa kabilang linya. "I'll find a way somehow. No! I won't be marrying him." Ni hindi ito nagpaalam kahit nang ibaba nito bigla ang tawag.
Siya naman ay nawiwindang pa rin na nakatitig sa cellphone. "Tingnan mo si Andy! Kasasabi ko pa lang na huwag gagawa ng eskandalo!"
Napatingin siya kay Sid nang himasin nito ang likod niya. Sa ginawa nito ay bumuti ng kaunti ang pakiramdam niya. At times like this, naiintindihan niya kung bakit naging paborito ito ng ama niya. Sid was very reliable. Marami itong alam na paraan para gumaan ang pakiramdam ng mga tao sa paligid nito.
"I know you're worried about Andy. Pero naayos ko na. May kinausap ako'ng tao sa media at sinabi kong bilhin lahat ng mga litrato. Give it a few days at huhupa na rin ang balita," malumanay na sabi nito.
Napangiti siya doon. "Thank you, Sid."
Dinutdot nito ang noo niya at sapilitang hinawi ang kunot doon.
"It's my job, Gabby. Binabayaran niyo ako para protektahan ko kayo. You don't have to thank me," masuyong sabi nito.
Itinukod niya ang mga siko sa balustre at tumingin sa kawalan.
"You are doing what you do best, Sid. Minsan, naiisip ko, masyado na ata kaming nagiging dependent sa'yo. Ano kaya ang mangyayari kapag iniwan mo na ang kumpanya namin? Kapag—kapag nag-asawa ka na at nagtayo na rin ng pamilya."
BINABASA MO ANG
Seasons 3: The Fall of Autumn
RomanceMula pa pagkabata ay mainit na ang dugo ni Gabby kay Sid. Lagi kasi siya nitong nauungusan sa academics. Pakiramdam pa niya ay mas pinapaboran ito ng ama niya. And to make matters worse, her father assigned him to be her secretary. "You need me, Gab...