C4: Empathy and lovePaige
" Kiro."
I called his name while maintaining a safe distance. Nandito kami ngayon sa labas ng hospital. Sa hospital garden to be exact. Nang makita niya ang sariling katawan na nakaratay ay hindi ko maipalawanag ang kaniyang reaksyon, mas lalo na noong sinubukan niyang hawakan ang kamay ng nobya subalit wala siyang naramdaman. Nagtatakbo siya palabas kaya sinundan ko siya until he stopped at this place.
The sound of traffic filled the air. All the skyscrapers around us are lit up. The people rushing home are signs already that it is past six in the evening. Kiro was sitting in a bench looking at a distance with an expressionless face while I stood not too far away from him.
"So, you're telling me you are a ghost?" Kiro breaks the silence but when he asked the question, I heard a tone of disbelief na pilit niyang tinatago. Of course I understand him. Maging ako noong una kong nalaman ay ganun din ang naging reaksyon ko at wala ngang nagsabi sa akin noon, I just realized it on my own.
"Ako rin ba?" Mahina niyang tanong. Sapat lang para aking marinig.
"I did not say that you are. Hindi ko alam kung anong tawag sa'yo because we both know na buhay pa ang katawan mo at nakahiga dito sa hospital na ito."
"So anong nangyayari?" He asked dumbfoundedly.
I shrugged my shoulder. "I don't know. You were hit by a car then dinala ka dito sa hospital and then, the next moment here you are, talking to me." I applauded mentally for not stuttering in front of him.
Bahagya niya akong tinapunan ng tingin and in that few seconds he scanned me from head to toe.
"You look familiar." Muli niyang pinagmasdan ang aking mukha at naningkit pa ang kaniyang mata. Napaatras ako at napalunok ng laway. Napaiwas ako ng tingin.
" And why do you know me?"
Mas lalong nanuyo ang aking lalamunan dahil sa tanong niya. Sinulyapan ko siyang muli subalit nakatitig pa rin siya sa akin. Should I tell him na stalker niya ako? Should I tell him na ako iyong babaeng nanghiram ng eraser sa kaniya at naging seatmate niya noong entrance exam? Should I tell him that I have a crush on him for almost the whole semester that's why I know his name? Where should I start?
"Schoolmate." Tipid kong sagot at muling iniwas ang aking mga mata. Ayaw kong mautal sa harapan niya kaya mas pinili kong tipid na salita na lamang aking isasagot. Pinagmasdan ko ang dalawang pasyente na hindi kalayuan sa amin na tila naghaharutan to distract myself from him.
"Not convinced." Tumaas ang kaniyang kilay ng muli akong bumaling sa kaniya. I almost sigh in frustration in front of him. Bakit kasi ang dami niyang tanong? Tapos gusto niya pa akong mag-explain. Ayaw ko namang aminin na gusto ko siya. Ang awkward na nga ng sitwasyon ngayon dadagdagan ko pa ba?
"We are schoolmate.Sa parehong unibersidad tayo pumapasok." I replied simply at agad binawi ang tingin ko sa kaniya.
"I know the meaning of schoolmate, you ghost." sarkastiko niyang sagot sa akin. Tila frustrated din siya dahil hindi pa pamilyar para sa kaniya ang mga nangyayari.
I sighed in defeat and decided to tell a white lie. "Look, I just know you by your name. Narinig ko na kasi minsan ang pangalan mo. Sikat ka kaya sa school."
Sandaling umangat ang gilid ng kaniyang labi. He's quite popular in school but I doubt that he know it. Kilala kasi ang pinsan niya kaya pag naguusap ang ilang estudyante ay hindi ring mapigilang maisama sa usapan ang pangalan niya. But his not popular because of his cousin, it's because of his own charm.
Bigla ko tuloy naalala yung moment na nag impromptu siya sa gitna ng stage. May program ng time na iyon. Freshies night ang event at naghahanap ang emcee ng apat na volunteer sa iba't ibang college department at isa si Kiro sa mga napili. I still remember how his cousin pushed him and how he gracefully took the stage with just a guitar and a microphone. He sang his own rendition of Taylor Swift's Enchanted. Hinarana niya ang ang buong audience ng gabing iyon but for me, I was imagining that he was serenading me. Ganun ako kahulog sa kaniya noon at mas lalo naman ngayon. The first time I saw him I just like him because he is charming but when he sang that night, I just fall deep and hard into an unknown space. He looks so beautiful that I almost forgot to breathe.
"Hoy!" I snapped out of my reverie nang makita kong nasa harapan ko na pala si Kiro. Napaatras ako.
"I said I need to wake up," Pag uulit niya dahil hindi ko talaga siya narinig kanina dahil sa aking pagbabalik tanaw. I blink a few times trying to understand what he was saying.
"Gising ka naman ah," I said as a matter of fact.
"Yeah." Walang gana niyang sagot na tila nawalan na siya ng pag asa sa lahat ng bagay. Tumalikod siya at naglakad. Mabilis ko siyang sinundan.
"Kiro sandali," Pagtawag ko sa kaniya subalit hindi niya ako nilingon. Nalungkot ako ng makita ang papalayo niyang likuran. Unti unting bumagal ang aking paglakad habang pinagmamasdan lamang siya. Maya- maya pa ay huminto siya at lumingon sa akin.
" Naalala na kita!" Sigaw niya mula sa malayo. Nangunot ang aking noo dahil sa kung ano ang sinasabi niya. Tumakbo siya pabalik sa kung saan ako nanatiling nakatayo. Tinuro niya ako habang humihingal.
"Ikaw nga, 'yon." Tumatango pa niyang sambit.
"Ha?" Nagtataka 'kong tanong.
"Sabay ba tayong naaksidente? Ikaw iyong tumatawid noon sa daan di'ba kaya tumakbo ako para pigilan ka." Pagpapaliwanag niya.
Napayuko ako at kinagat ang aking pang ibabang labi. Kung hindi ko ba ginawa iyon, siguro hindi siya mapapahamak.
"Hindi.Nagkakamali ka."
"Ah." Mahinang sagot niya na tila nawalan na ng sasabihin. Hindi na rin siya nagtanong ulit. Nakita ko ang muling pag talikod ng kaniyang mga paa at paghakbang muli. Hindi ako gumalaw. Kinakain pa rin ako ng pagsisisi.
"Tara na. Hindi ka ba sasama?" Muli niyang lingon sa akin. Bumalik ang kulay ng aking mukha ng marinig ang kaniyang tinuran. Nahihiya akong lumapit at sumunod sa kaniya.
Umabot kami sa kwartong kaniyang kilalagyan. Nakahilig sa kama ang ulo ng kaniyang nobya. Natutulog yata. Pinagmasdan ko ang mukha ni Kiro pero hindi ko mabasa ang kaniyang reaksyon. Lumapit siya sa kama at tinitigan ang kaniyang sarili. Umakyat siya sa kama at humiga sa sariling katawan. Nahigit ko ang aking hininga sa nakita. I saw how his spirit and body became one. Naghintay ako while he didn't move.
Magigising na ba siya? tanong ko sa aking sarili. I count to ten pero nakita ko ang bigla niyang pagupo kaya napaatras ako. Nakakatakot pa rin na makita ang ganong pangyayari kahit pa sabihing multo na rin naman ako.
"Wala. Ayaw gumana." Nahimigan ko ang pagkabigo sa kaniyang boses. Tumayo na siya at hinawakan ang sariling kamay at pumikit. Ilang beses niyang ginawa iyon at paulit ulit. Tila nag eeksperimento siya kung paano makakabalik sa sariling katawan. Ang kaso halos mag- iisang oras na kami ay walang nagbago.
Malungkot siyang napasalampak sa gilid ng pinto at tinanaw ang sariling katawan na nakaratay sa kama. Mabagal akong lumapit dahil nagdadalawang isip pa ako kung ano ang dapat kong gawin. Gusto ko na ring magising si Kiro para mawala na ang bigat na nararamdaman sa aking kalooban.
"Magigising pa kaya ako?" Malungkot niyang tanong na tila ang kausap ay ang sarili at hindi ako.
Umupo ako sa sahig hindi kalayuan sa kaniya at ginaya ang kaniyang pagkakaupo. Bakas sa mata niya na tila nawawalan na siya ng pag-asa. Yumuko siya at nilagay ang mukha sa gitna ng nakaangat niyang tuhod. Maya- maya pa ay nakita ko ang mahinang pagtaas baba ng kaniyang mga balikat. Narinig ko rin ang mahina niyang paminsang minsang pagsinghot. Napaiiwas ako ng tingin dahil alam ko ang kaniyang nararamdaman. Tila kinukurot rin ang aking puso pero pinigilan kong umiyak. Kapag umiyak ako sa harapan ni Kiro ngayon ay mas lalong mawawalan siya ng pag-asa na mabubuhay at magigising pa nga siya.
BINABASA MO ANG
After your Slumber
Short StoryTwo people met an accident and when their souls met how do they live? " They said when your heart gets broken, sometimes sleep is the medicine but I want us to wake up"