Andami naming plinano puntahan dito ng asawa ko kaso inabutan na kami ng lockdown dahil ng COVID19.
Gabi kasi ngayon pero pwede naman ako lumabas kase 26 nanaman ako ang bawal lang lumabas ay mga 18 pababa at senior tsaka dapat may face mask. Naka facemask naman ako. Nakasuot ako ngayon ng pink na pantulog na partneran. Ang design ay si Mang ng bt21. Tsaka light purple ang buhok ko.
Pinakyaw ko na lahat ng chichirya dito sa 7/11 tsaka chocolates at beverage sa dami kong binili ay magkabila ang aking bitbit na bag. Pagkalabas ko ay nadanan ko ang barangay hall. Aba nagbago nadin maganda na sya.
Mayamaya pa ay hinarangan ako ng dalawang barangay tanod. "Bakit po?" Tanong ko.