Zofia's PoV
"Sis, ano na? Tagal mo d'yan." Sabi ni Klaire habang kinakatok ang pinto ng CR.
As usual, I'm having morning sickness. Hay na 'ko pinahihirapan ako nitong batang 'to jusko.
Pag labas ko ng CR, dumiretso agad ako sa sofa para umupo.
"Ano sis, kaya mo ba today? Sabihin mo lang ako na proxy mo. Charot." She joked.
"Wag ka muna mag-joke, please?" Saad ko habang naka-pikit ang mata.
"Hay ang attitide ni buntis!" sabi ni Klaire bago pumunta sa dining table.
Ganun lang ang ginawa ko buong maghapon. Grabe talaga lagi akong nasusuka. 'Di na siya morning sickness, e. All day sickness na ata 'to, e.
"Gusto mo ba tawagan ko si Ethan?" Klaire said as she rested his head on my shoulder beside me.
"Wag na. Baka ma-stress lang lalo 'yun. Andito ka naman." I answered.
"Ano na ba feeling mo?"
"Wala feeling ko, drain na drain katawan ko. Pero sabi naman ng doktor, feeling lang daw. Kailangan ko pa din kumain ng marami." I explained.
"Marami ka namang nakain kanina. Nakailang sandok ka nga ng kanin. Halatang 'di nalang ikaw ang kumakain. Halatang dalawa na kayong nakain, e." She said as she rubs my stomach, "Hi baby! Ako 'to si Tita ninang yiee! Wag kang makulit d'yan naiistress sayo nanay at tatay mo."
I laughed at her, "Wag. Baka matakot sayo sis."
Lumayo naman bigla si Klaire sakin, "Ang kapal ng mukha ng nanay mo, oh. Sana wag kang ganyan jusko." Sabi ni Klaire at tinuro pa ang mukha ko.
Maya-maya'y nakarinig kami ng tunog galing sa cellphone ko.
"Oh, my loves mo." Sabi ni Klaire at inabot ang cellphone ko sa 'kin.
"Yes?"
[How are you?]
"Okay lang naman. Bakit?"
[Sabi ni Klaire kanina ka pa daw nagsusuka. We can go to the doctor. Let's just move the wedding.]
Nanlaki naman ang mata ko, "Love! Wag na ano ka ba! Okay lang ako. Klaire was really taking good care of me. And besides, bukas na 'yon. And we also sent invitations already."
[Whatever you say so. Sige na. Nagyaya sila Xyruz uminom, e.]
"Please don't drink too much, Love." I said while massaging my temple.
He chuckled, [Of course, I won't. Alam ko namang maglalasing 'tong mga 'to. Walang magbabantay sa kanila.]
"Okay. Enjoy and take care. Love you."
[Love you too.]
"So, ano ganap?" Sabi ni Klaire habang kumakain ng ice cream sa tabi ko.
I sighed, "Mag-iinom daw sila nila Xyruz mamaya."
"You mean silang lahat?"
"I think so. By the way, 'di ba dito magi-stay si Millicent?" I asked while I drink water.
"Ewan ko dun. Feeling ko magkaaway sila ni Primo laging nagkakasalalungat. Pag andito siya, wala si Primo. Pag wala siya, si Primo naman andito." Klaire answered.
"Klaire, I'm craving something."
"Oh, eto gusto mo?" Sabi niya at inabot niya yung ice cream niya.
"Ih, ayoko n'yan."
YOU ARE READING
PHOBIA SERIES #1 : Philophobia
Romance#1 : All I want is to be loved by the one I'm willing to spend my whole life with. Turns out, I'll just keep on suffering from this freaking heartache. • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • BOOK 1 OF PHOBIA SERIES (Playlist on Prolo...