Chapter 1 - Who Are You?

15 2 1
                                    

***

"MAUNA na po ako!" paalam ko kay mommy dahil papasok na ko sa school at hindi ako pwedeng ma-late dahil pano nalang kung ma-late ako? Baka ma-expelled na ko ah? Kase dati may student na na-expelled dahil matalino nga kaso late siya palagi at minsan nga hindi na pumapasok dahil binu-bully.

Nang makarating ako sa school ay nakita ko si kuya Badong, ang security guard ng school namin na naging ka-close ko na din. "Oh Alina bilisan mo nasa loob na si Ms. Reyes." aniya kaya tumango ako at nag madaling pumasok sa loob ng school at umakyat sa classroom namin.

Hinihingal pa kong naka-rating sa loob ng classroom namin at buti nalang dahil kapit sa 'kin ang suwerte dahil wala pa si ma'am Reyes dito sa room. Umupo ako agad sa upuan ko at uminom ng tubig. Habang yung seatmate ko naman ay nag-lalaro ng XOX. "Nasan si ma'am?" tanong ko sa kanya at dahil nga pilosopo 'to...

"Malay ko. Tanungan ba ko ng nawawalang ma'am?" sagot niya na hindi manlang ako nililingon dahil busy siya sa pag-e-XOX niya. Wala siyang kwenta kausap! Nang biglang bumukas ang pinto ay agad ko yun nilingon at naka-hinga naman ako nang maluwag dahil hindi si Ma'am Reyes ang pumasok. Si Shasha lang pala yung pumasok.

"UGH! Ang init." parang pawis na pawis pa siya. Never siyang na-late at never niyang hinayaang pumasok siya nang pawis. Kaya bakit siya pumasok nang pawis at hinihingal pa? San kaya galing 'tong babaitang 'to? Nakiramdam ako sa paligid.

"Galing ka ba sa SM?" tanong ko kay Shasha. Nanglaki naman ang mata niya at parang lalo pa siyang pinag-pawisan. "So galing ka nga?"

"H-Hindi ah!" pag-tanggi niya. "W-Wala kang ebidensya!"

"Wews." sipol ko pa. "Sinungaling! Gusto mo ba ng ebidensya?" lumapit ako sa kanya at ini-scan ang buong katawan niya at nang may makita akong kulay ng lipstick sa blouse niya. "See? Lipstick shade but she's not wearing a lipstick." tinuro ko pa iyon.

"Wah wah sinungaling si Shasha." banat ni Ryan, ang kaklase naming loko-loko. I smiled sarcastic then I went back to my seat.

Nagsi-sungaling pa kase e matalas ang mata ko at malakas ang pakiramdam ko. Naramdaman ko talagang galing siya sa SM eh. Nung pakiramdaman ko palang siya ay nag register na agad sa utak ko na 'don siya nag-punta kaya siya na-late. Tatayo pa sana ako para mag CR kaso dumating na si Ms. Reyes kaya nag-paalam na ko sa kanya, nilapitan ko siya. "Ma'am may I go out po?"

"Sure--uhh wait Ms. Collins." tawag niya sa 'kin kaya napahinto ako sa paglalakad. "Pag-tapos mong mag CR, samahan mo ko sa Principal's Office."

"P-Po--y-yes po ma'am." nasabi ko nalang at lumabas na saka dumiretso sa CR. Wala na kong mukhang maihaharap kay mommy dahil mae-expelled na ko dito sa school. Ano nalang ang sasabihin niya? Hindi ako nag-aaral nang mabuti? Ugh!

Ako nga pala si Alina Collins, 15 years old at mahilig mag basa ng mga libro at manood. Gusto ko yung mga fantasy novels, yung mga romance-fantasy novels at kahit hindi sa novels ay gusto ko ang mga ganung genre. Gusto ko din yung mga mystery-romance. Pero ayaw ni mommy na magbabasa ako ng fantasy at mysteries. Ewan ko ba! Pero ayaw niya. Ayaw niya din na nanonood ako 'non.

Nang makarating ako sa CR ay bigla kong naramdaman ang malamig na ihip ng hangin sa paligid ko, parang dumaan yun sa likod ko kaya nag-taasan ang balahibo ko sa batok kaya agad akong napalingon 'don. Wala namang tao. Pero pakiramdam ko ay may naka-masid sa 'kin dito. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Alina gamitin mo ang talas ng mga mata mo please! Kinagat ko ang labi ko at napalingon sa gilid ko, sa gawi ng garden dito sa school namin, at sa may gate ay may nakita akong lalaki, naka-red masquerade eye mask at diretsong naka-tingin sa 'kin.

'Calm down.'

Halos himatayin ako dahil sa gulat nang may marinig akong may nag salita sa ulo ko.

Aithne High: The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon