01

8 0 0
                                    



SANDALING ALAALA

Sa mundong walang kasiguraduhan

Kung saan tayo'y pinagtagpo ngunit hindi tinakda ng tadhana

Kung saan nagkaroon ng ikaw at ako

Ikaw at ako na akala ko'y hanggang dulo.


Ikaw na nagparamdam sakin ng saya,

At nagparamdam din ng lungkot.

Ako, ako na umasa

Umaasa sa mga pangako mo

Na napako sa paglipas ng panahon


Sandaling panahon lamang ng ikay aking nahawakan

Sandaling panahon ng ikay aking nakasama

Mga ngiti mong kay tamis,

Mata mo na punong puno ng saya

Ay saglit lang ng aking nasilayan

Boses mong kay lambing,

Ay sandaling panahon lamang ng aking narinig

Sandaling panahon lang ng iparamdam mo sa akin ang saya,

Saya na ni minsa'y hindi ko naramdaman sa iba.


Sandali, sandaling balikan natin ang mga alaala na kay saya,

Mga alaala na ikaw ang kasama .

Balikan natin ang panahon kung paano tayo pinagtagpo ng mapaglarong tadhana,


Sandaling panahon lang ng ikay aking pagmasdan

Kay kisig mong tingnan

Tila makalaglag panty ang iyong tayuan

Perpektong pangangatawan na kay sarap yakapin

Kay sarap titigan mga mata mong nangungusap

Labi mo na kay lambot at kay sarap halikan.


Sandaling panahon ng tayo'y nagkakilala

Bata kong puso kay bilis mong nabihag

Ikaw at ikaw lang ang sinisigaw nito.

Umaga,tanghali, gabi at sa bawat oras na lumipas

Tanging ikaw ang laman ng isip at puso ko.


Naalala mo pa ba kumg paanong nagkaroon ng tayo?

Nagsimula sa kung paano mo pinaramdam sa akin

Na ako ay iyong prinsesa

At ikay aking prinsipe

Sa mga matatamis mong salita at mga pangako

Sa kung paano mo ako ipagtanggol sa mga matang mapanghusga

Ikaw ang aking pahingahan sa tuwing akoy pagod na

Isa kang makisig na ginoo sa aking mga mata.


Kay bilis ng paglipas ng panahon

Ang dating masaya nating pagsasama ay nagkalamat na

Dating ikaw at ako ay naglaho na

Simula ng dumating siya

Mga pangako na unti unting nalimot mo na

Mga ngiting dati ay ako ang dahilan

Ngunit , ngayon ay siya na


Sandaling panahon lang ng tayo ay pinagtagpo

ng mapaglarong tadhana

kay bilis mong dumating, at kay bilis mo ring umalis

At sa iyong biglaang paglisan

Sanay huwag ka ng magbalik pa

Dahil ang sakit at sugat na idinulot mo

Ay unti unting naghihilom na,

At sandaling panahon na lamang ay malilimot na kita.









* next time ko na lang ipopost yung isa ko pang ginawa di pa tapos eh hehe 

pleasee comment kung di niyo nagustuhan at KUNG nagustuhan niyo hehe loveyou*


P.S hindi po talaga ko manunulat nagtatry lang po talaga ako at paalala sarili ko pong gawa yan baka sabihin niyo ginaya ko lang yan ay............

Sana sipagin pa ako gumawa hehehehehe


Mga tula ni DudatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon