33

35 7 2
                                    

'Di ko naman alam kung ano ang dapat na i-reak ko. Ang pinunta ko rito ay si lola at para matingnan nang maayos ang lagay niya, pero iba 'ata ang plano ng tadhana sa 'kin ngayon.

"Suot mo pa rin," bulong niya. Bagaman mahina ang boses niya ay rinig na rinig pa rin 'to ng puso ko. Seryoso siyang nakatingin sa tuktok ng ulo ko ngayon, kung saan kapansin-pansin ang isang ribbon na talagang bumagay sa buhok ko.

Balak ko sanang 'di na lang 'to suotin, pero sa tuwing tinatangka kong alisin ang bagay na 'to ay mas lalo akong 'di nagiging komportable.

Spencer's stares made me want to just run off. Pero hindi, kailangan pa ako ni lola ngayon. I needed to have a proper conversation with her. She wasn't on her proper conscious earlier, thus she needed to talk with me. Miss na miss ko na ang lola ko.

"Frency," pagtatawag ng kaharap ko sa 'kin.

Kaagad akong natauhan at mahinang kinurot ang sarili.

"Ano... Bagay kasi sa 'kin 'to," ani ko sa mababang boses. Nakatanggap naman ako ng isang simpleng tango sa kaniya kaya muli akong nag-isip ng sasabihin. Ayaw kong mahalata niya na may kakaiba sa 'kin. Ayaw kong mahalata niya na bagaman ayaw ko siyang kausap ay gusto ko pa rin siyang kausap.

See? Ang gulo. 'Di ko na rin maintindihan ang sarili ko.

"Indeed," patango-tango niyang sabi. Narinig ko sa boses niya ang halu-halong lungkot at pagkagalak. 'Di ko mawari kung papaano niya 'yan nagawa. Pero marahil ay ganiyan talaga siya. Lahat ng mga kilos niya ay paminsan-minsa'y nakakamangha at nakakalito.

Kaagad akong napaupo nang makita ko si ate na papalapit sa 'kin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Spencer, at napaawang naman ang bibig niya nang mapansin ako. Sa tingin ko'y inakala niyang nag-hahallucinate lang siya kasi medyo inalog niya ang sarili.

"Ano'ng meron?" tanong niya habang nakatingin sa 'kin. "Nasaan si lola?" Nang umiling ako ay kumunot ang noo niya. Mayamaya ay parang na-realize na niya ang kung ano'ng nangyayari kasi dali-dali siyang umalis at tumungo sa kuwarto ni lola.

Naiwan akong hindi nagsasalita at paminsan-minsan ay tumitingin sa katabi ko. He also seemed... out of words. We were both sharing the same shoes. Gustuhin ko man siyang kausapin ay 'di naman nakikipag-cooperate ang bibig ko.

Minutes had passed, and he bid his goodbye. Kaagad kong kinagat ang pang-ibabang labi. Before his feet could reach the exit, I called him using my shy voice. Gusto ko na tuloy pukpukin ang sarili ko.

I called him even though I didn't have valid words to say. Para tuloy akong sumakay ng sasakyan nang walang pamasahe. Nakakainis.

"Hmm?" Nilingon niya 'ko. "Bakit?"

Mas lumubo pa ang magkabila kong pisngi. Kailangan kong mag-isip ng sasabihin! 'Di puwedeng ngingiti lang ako at sasabihing umalis na lang siya.

"Business Major ka pala?" I gauged him. Walang pag-aalinlangan niya akong tinanguan. "Bakit? Ang ibig kong sabihin ay... sa dinami-rami ng course ay ba't 'yan pa? I mean? Ba't hindi architecture?"

Ang mga salita ko ay tila naghatid sa kaniya ng kalituhan kasi hindi siya nakapagsalita kaagad. 'Di nagtagal ay nakakita ako ng isang ekspresyon na 'di ko aakaling mapagmamasdan ko sa kaniya. "Kailangan, Frency. For my parents' happiness."

"At ikaw...? Papaano ang kaligayahan mo?"

Talagang nagulat lang ako noong nakita ko siya sa mismong University nila. Bagaman binalot ng kaba at pagkataranta ang buong sistema ko noong time na 'yun ay nakita ko siyang nakamasid sa mga archi students. Hindi ko nga lang napagtuunan ng pansin kasi nga iba ang mas lumamang na emosyon sa 'kin no'n.

Hopelessly Smitten ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon