This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
UNEDITED, ERRORS AHEAD.
46k. 46K lang naman ang kailangan kong bayaran. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Nung nakaraan nga, 57,000 ang kailangan ko pero tinulungan ako ni kuya 'nun. Ayoko na ng tulong nila.
Napamasahe nalang ako sa sintido ko. Nakaka-stress pala. Pero ngayon pa ba ako susuko? Grade 11 na ako at halos tatlong taon na akong nagtitiis sa ganito. Napahinto sa Niña sa pagbabasa ng libro at tiningnan ako
"Pera na naman ba?"
Tumango ako sa sinabi niya. May bakas ng pag-alala ang kanyang mukha at akmang may kukuhanin sa bag niya. Naku! Alam ko na anong mangyayari.
"Wag mo na ituloy kaya ko naman."
Binalik niya ang nilabas na wallet sa bag niya. Kilala ko to si Niña, tumutulong talaga siya pag nagigipit ako. Since elementary magkakilala na kami. Taga Davao din naman siya pero lumipat siya sa Assumpta last year. Kaya share kami ng tinitirahan ngayon.
Yun din ang dahilan kung bakit crush na crush niya kuya ko! Minsan kasi dumadalaw siya dito para kamustahin ako. Pero wala, ang taas ng age gap nila. 4th year Med-Tech student na si kuya samantalang Gradee 11 pa lang kami.
"Cha! Kailangan mo ng pera diba?"
Napatigil ako sa pag-kwenta ng pera sa harap ko. May nakita na naman ata siyang raket. Tiningnan ko ang phone screen niya. Kailangan daw nila ng crew bukas tapos 1K ang offer nila. Yun nga lang, Davao! Ang layo halos 3 hours yun!
"Layo naman! Tsaka bukas na?"
"Gaga, kailangan mo naman ng pera. Inaya naman ako nila Vi dun, ako na bahala sa commute fee nating dalawa. Ano, G?"
Nagdadalawang isip ako. May 4 na dues pa kasi ako sa Monday pero di bale na nga, Sabado pa naman bukas.Pero sige na nga, sayang ang pera!
" Sige na nga! "
Parang nanalo sa lotto ang saya ni Niña. Ilang weeks na din kasi mula nung makabalik kami kina Vi. Mga kaibigan namin. No choice nga lang kasi ang lalayo ng schools namin. Kami ni Niña at Tristan dito sa Tagum, isama pa natin na Saint Mary's ako at sila Assumpta. Tapos si Violet, tsaka Calun, sa Ateneo. Si Phoebe at Lawrence naman, San Pedro College.
Pagkatapos ng walang katapusang pagkukwenta ko sa pera ko na mas maliit pa sa dibdib ko, dumiretso na kami sa hapag-kainan namin. Maliit lang naman yun, sakto para sa aming dalawa. Pinagluto na pala ako ni Niña at tanging ako nalang ang hinihintay niya sa para kumain.
"Cha," Panimula niya, napabitaw siya sa kutsara at inayos ang glasses niya, mukhang kinakabahan. "Pasundo nalang kaya tayo sa kuya mo?"
Napa-iling nalang ako sa sinabi niya. Kawawa naman siya, walang time si kuya sa mga babae at focus na focus yun sa pre-med. Umaasa pa rin ba siya?
"Naku, gusto mo lang siya makita eh!"
Natatawa ako ng sinabi ko yun. Ang obvious kasi!
"Hindi naman sa ganun pero yung pera ko kasi bigla nalang nawala. Yung 50k ko sa ATM biglang naging 1k. Si Ate kasi. Kailangan niya daw ng pera."
BINABASA MO ANG
Images of a Pessimist [CMB #1]
Mystery / Thriller"Di ibig-sabihin na hindi ako kumikilos para sa ating dalawa, wala na akong pakealam sayo." Images of a Pessimist [Camibiolavirina #1] Mischa a 16 year-old hardworking girl in this era is rare to find. Thus, she discovers something that might unfold...