"Problema? Oo! Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng pwede kong maging partner para sa lecheng project na to eh ikaw pa. Ang bobobo mo naman. Masyado kang head-over-heels sa akin at wala ka ng nagawang matino!!!"
Wow naman! Paulit-ulit ko tong naririnig. Paulit-ulit tuloy akong nasasaktan. Hindi ako makatulog. Pinilit kong takpan ang tenga ko ng unan ko. Baka sakaling lang na hindi ko na marinig. Gusto ko ng matulog. Pagod na pagod na ako kakaiyak.
"Problema? Oo! Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng pwede kong maging partner para sa lecheng project na to eh ikaw pa. Ang bobobo mo naman. Masyado kang head-over-heels sa akin at wala ka ng nagawang matino!!!"
Bastos! Bakit ayaw umepekto ang unan na to T_T
Kinabukasan...
"Bessy?! Ikaw ba yan? Bakit mukha kang zombie eh ang aga aga pa ah" sabi niya habang nakatingin sa akin at sinusundan ako sa paglalakad. Hindi ko siya sinagot. Tuloy pa rin ako sa paglalakad.
"Tsk! Ang bad mo! Monta ko. Parang wala akong kausap ngayon" then tumigil na siya kakalapit ng mukha niya sa mukha ko para tingnan ako.
Tumigil naman ako sa paglalakad ko at dahan-dahang tumingin sa kanya. "Hi" malamyang bati ko. Nakita kong mukhang gulat siya.
Sinundan pa rin niya ako hanggang sa locker namin. Kumukuha na ako ng libro ko para makapasok na agad sa klase at makaupo. Kahit di ako tumitingin eh nararamdaman kong nakatingin si Juli pa rin sa akin. Bakit ba ayaw akong tigilan neto?
"Kamusta nga pala kayo ni Gab? Na--"
"Ayy" sabi ko nung nahulog yung mga libro ko. Langya! Biglang kumirot puso ko nung narinig ko pangalan niya. Pinulot ko ulit yung mga yun.
"Ui. Okay ka lang Bessy? Ang lampa lampa mo talada asdfdksflsa" hindi ko narinig yung mga sinasabi niya.
"Problema? Oo! Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng pwede kong maging partner para sa lecheng project na to eh ikaw pa. Ang bobobo mo naman. Masyado kang head-over-heels sa akin at wala ka ng nagawang matino!!!"
Yan na lang naririnig ko. Nabalik ako sa kamalayan nung biglang may humila sa kamay ko. Napatayo ako at hinila niya ako palayo. Naramdaman kong basa ang mukha ko. Umiiyak na pala ako. Naiyak na naman ako. Masyadong masakit ang mga salitang yun.
Tumigil na ako sa pagtakbo. Tiningnan ko kung sino ba yung humila sa akin.
"Jason?" yun lang nasabi ko tapos humagulgol na ako. Sabi na nga ba eh. Bakit ba ang hirap pigilang umiyak.
Pinigil ko ng umiyak. "S-Sorry" sabi ko habang pinupunasan ko yung mga luha ko. "Anong kailangan mo?" tanong ko.
"Anong pangalan mo?"
"Huh?!" nagulat ako sa tanong niya. Ano daw?! Ang tahi-tahimik niya kanina. Pinanood akong umiyak at yun lang pala ang kailangan niya. Teka! Di niya alam pangalan ko?
Napakamot siya ng ulo niya at hindi nakatingin sa akin. "Ang sabi ko. Anong pangalan mo?"
"Uhmm... Vera" ano ba to? Parang first encounter namin to ah.
"Pagbutihan mo sa pag-aaral mo Vera. Baka nakakalimutan mong topnotcher ka. At hindi basta bastang topnotcher lang. Top 2 ka ng klase niyo at overall top 4 ng buong senior. Graduating na tayo" sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya ng gulat. Pero na gets ko naman agad.
"Thank you" ngiti ko. Ewan ko pero mukhang gulat siya sabay tingin sa iba ulit.
"Yun lang. Geh. Mauna na ako" sabi niya then umalis na siya. Tiningnan ko na lang siya.
Oo nga pala. This project is a requirement. I'm taking it for granted. Thinking nothing but Gab. I almost forgot to be better.Time to be better.
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?