PROLOGUE
naglalakad ako sa isang lugar..
madilim na lugar..
asan mga tao dito?
kanina lang kasama ko mga kaibigan ko..
nakakatakot naman dito..
"hello, may tao po ba dito?"
nakakapagtaka naman
"donna? jen? asan kayo?"
lakad parin ako ng lakad, hanggang sa natapat ako sa isang bahay..
teka..
pamilyar ang lugar na to..
eto yung..
"Shai, nagbalik ka, tinupad mo ang pangako mo.."
huh??napalingon ako sa nagsalita
nagulat naman ako sa biglang nagsalita
"kuya papatayin mo ba ako, aatakihin ako sa puso sayo eh" pero teka "kilala niyo po ako?"
lumapit siya saken, at dahil mabilis ang reflexes ko pag di ko siya kilala ano pa nga ba, eh di lumalayo ako, baka mamaya kidnapper pala to o kaya mamamatay tao.
"sabi ko na nga ba babalikan mo ako eh.."
huh? ano daw?
"teka po kuya, baka nagkakamali kayo.." hindi ko natuloy yung sinasabi ko kasi bigla niya akong niyakap..
"T-teka, k-kuya, s-sino po ba kayo" nanginginig ako sa takot.
"natatakot kaba saken?" sabi niya tapos umalis sa pagkakayakap saken, pero hindi parin siya lumalayo. Napayuko nalang ako.
"ano po ba kelangan niyo saken?"
hindi siya nagsalita, ngumiti lang siya, niyakap ulit ako at bago umalis may binulong siya saken na sobrang ikinagulat ko...
totoo ba yun, bakit kinakabahan ako. Sino ba siya. Ano bang kelangan niya saken?
BINABASA MO ANG
Vendetta (JoshBie)
Short StoryA/N: vendetta, it is my 5th first story. Mahilig kasi ako sa mga mystery saka suspense. Pero ayoko ng mga brutal na patayan, light lang talaga. Nung sinusulat ko to madami na din pumasok sa isip ko kung paano iikot ang istorya pero nag stick parin a...