@ElenaBukod sa pagiging food delivery driver ay paminsan minsan din akong rumaraket sa mga event at kung ano anong mga pang mayayamang parties.At hindi na ko nagugulat kung papano itrato ng mga anak mayayamang narito sa event ang mga kagaya kong taga silbi lang.
"Look at her guys,Hindi yata bagay sa kanya yung unipormeng suot nya.
Parang bagay lang sa kanya yung basahang hawak nya.hahahaha
__Girl na naka boots."Oh my gosssh! Naaamoy ko yung pabango nya.Parang amoy nung pabango na nilalagay sa cr. Yucccck!__Girl na makapal ang make up.
"Excuse me lang,Lalabas na muna ako.Babalik na lang ako after nyong gumamit ng cr.__Janitress.
"Hep! San ka pupunta? Hindi kapa namin pinapa alis diba?
May gagawin kapa bago ka makalabas dito. Nakikita mo tong sapatos ko...Gusto kong punasan mo sya gamit yang unipormeng suot mo. Kundi kaba naman kasi shunga,Alam mong may tao dito sa loob,papasok pasok ka!__Isa pang girl na naka contact lense"Pero Miss,Hindi ko naman sinadyang madaitan ng basahan ko yang sapatos mo.Nilagyan ko naman ng no entry yung labas ng pinto pero nagpilit pa din kayong pumasok kahit na hindi kayo dapat dito mag cr.__Janitress.
"At nangangatwiran kapa! Anong karapatan mong wag kami papasukin dito,Sayo ba tong CR ha?__Babaeng naka boots. Agad nyang hinila ang buhok ng Janitress at saka nila pinatulungang saktan yung babaeng walang kalaban laban.
"Misss,Excuse me lang naman.Maawa naman kayo dun sa babae. Walang kalaban laban sa inyo.Wag nyo namang pagtulungan.__AKO.
"Who the hell are you? Bakit ka ba nakikialam dito.Gusto mo din bang masaktan ha? Get out of here bago kapa madamay sa galit ko.Aliiiisssss!__ Naka boots.
"Sinabi ko namang tama na eh! Maawa naman kayo dun sa tao.
Ayaw nyong tumigil,Sige bahala kayo.Nakuhanan ko ng video ang lahat ng ginawa nyo sa kanya at ipakakalat ko ito para mag viral at malaman ng lahat ng tao.__AKO. Ipinakita ko sa kanila yung fone na hawak ko at saka sila biglang tumigil sa pananakit dun sa Janitress at mabilis na pinakawalan yung babae"How dare you! Akina yang cellphone mo. Burahin mo ngayon din yan kung ayaw mong ikaw naman ang saktan namin!__Naka contact lense na girl
"Oppppsss! Wag kayong lalapit. Isang pindot ko lang dito at siguradong sisikat kayong tatlo. Sige lang,Subukan nyo kong kantiin,Tapos ang maliligayang araw nyo sa mundo!__AKO.
Agad kong itinayo si Ate mula sa pagkaka sadlak nya sa isang sulok at saka ko sya tinulungan papalabas ng cr.Pero imbes na magsumbong sya sa manager nila ay nagpahatid na lang sya sa akin sa quarter nila at saka nagpasalamat.
"Ellen,Manuod muna tayo ng karera.Mamaya na tayo ulit mag serve sa mga table nila.Busy pa naman ang mga yan sa panunuod eh.Dun tayo sa harapan para mas exciting!__VIA
"Ano kaba,Baka mapagalitan tayo.Saka ano namang nakaka excite sa pagmomotor eh araw araw ko ng ginagawa yan.
Baka nga mas mabilis pa kong magpatakbo sa mga yan noh!__AKO."Hindi,Iba to.Kasi ang gaganda at ang ga gwapo kaya ng mga kasali sa race na yan. Puro mga anak mayayaman at saka mga sikat lang ang mga afford makasali sa event na to.Mahal kasi ang membership nila,Isang Milyon ang bawat isa.__VIA
"Ano? Isang milyon para lang maging myembro ng guild nila. Grabe talaga mag aksaya ng pera yang mga mayayamang yan no.
Para lang sa membership,Gagastos ka ng isang milyon.__AKO"Hahahahha. Barya lang sa kanila yun ano kaba.Puro anak ng mayayamang negosyante at mga celebrity lang kasi ang mga su masali dito. Tapos yung mga nanunuod na yan,Mga trying hard na mapansin ng mga mayayaman.__VIA.
Napansin ko nga na panay ang cheer at pagpapa cute nung tatlong bruha na naka encounter ko kanina sa CR dun sa racer na nakapwesto sa ikalawang linya. Panay din naman ang kaway nya sa tatlo kaya lalo pang lumakas ang pagtili nila. Nakasuot na kasi ng helmet yung mga mangangarera kaya hindi ko makita ang mga itsura nila
"Kilala mo ba yung naka pwesto dun sa lane number 2? Mukhang sikat yun ah.Lakas mag cheer nung tatlong babae sa likod nya eh.__AKO.
"That was SUNNY V.Sya yung nag champion last year. Yan pa din yung motor na ginamit nya sa last competetion race nya kaya for sure sya yan.__Katabi naming Lesbian na nanunuod din gaya namin
"Wow naman,Champion pala sya kaya madaming fans. Pati ba yung mga may mga dalang banner dun sa gilid na nagchi cheer mga fans nya din yun?__VIA
" Ay oo sila nga yan.Mayroon talagang solid FC yang si SUNNY nuon pa. Pero naglielow kasi sya sa pagkakarera after nyang mag champion kaya now na lang sya ulit naging active.__Isa pang girl na katabi din namin.
Saglit kaming natigil sa pagkukwentuhan ng magsimula na sa paghudyat yung announcer at saka mabilis ding nagsipag karera ang mga contestant.Halos mabura sa usok ang buong kalsada sa bilis ng pagpapatakbo ng mga motorcycle racer.
"Halika na Via,Bumalik na tayo sa pwesto natin at baka masita pa tayo ng manager.Siguradong mas busy na tayo nyan mamaya pagtapos ng karera kaya humanda kana at mapapalaban na naman tayo.__AKO.
"Okey,Balik na tayo sa tent. Sayang lang at di na natin malalaman kung sino sino yung mga kasali sa race.Haaaaay, Sana naging mga anak mayaman na lang din tayo gaya nila para hindi na tayo magtrabaho ng ganito._VIA.
"Aysus,Hindi naman porke mayaman hindi na magta trabaho. For sure,Mas mahirap at mas mabigat na responsibilidad pa ang naka atang sa mga yan dahil malalaking kumpanya ang nag aantay sa kanila in the near future.Sabi nga nung nakausap natin kanina diba,Mga anak ng mayayamang businessman ang karamihang member nung guild.Kaya for sure sa kanila nakasalalay ang paglago ng mga business nila.__AKO
"Sabagay.Pero iba pa din kapag mayaman ka.Lahat ng taong nakapalibot sayo,sinasamba ka.Kapag mayaman ka,Hindi ka aapihin.Hindi ka iinsultuhin kapag nagkamali ka.At higit sa lahat,Pwede mong gawin lahat ng gusto mo at walang magbabawal sayo.__VIA
Gaya ko ay mahirap lang din ang pamilya ni VIA.Kaya naman naiintindihan ko ang nararamdaman nya.Alam ko na kahit ano pang sipag at pagtityaga ang gawin namin sa trabaho,Hindi pa din kami magiging mayaman gaya nila.Pero hindi naman ibig sabihin nun hindi na kami pwedeng maging masaya kahit kakaunti ang pera.Iba pa din yung nagmula sa pinagpapawisan mo galing yung pinambili mo ng pagkaing ihahain mo sa mesa.
*otors note: (PARA SA MGA BIKTIMA NG BULLYING)
Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang.Ano mang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya.May mga lengwahe/karahasan na mababanggit sa bawat episode na maaaring di angkop sa mga batang mambabasa. Hiling ko ang malawak nyong pang unawa.
BINABASA MO ANG
(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)
RomanceTHE 4TH GENERATION OF VILLAREAL GD AND SALLY |_____________ | | | | | ...