Para sa ASSUMING

1.6K 21 10
                                    

"Maybe if we expected for the worst, we wouldn't get hurt."

_____________________________________________________

Ikaw ba yung tipong, napatingin lang siya sayo, feeling mo, type ka na agad niya?

Nginitian ka lang, akala mo, crush ka na din niya?

Pinansin ka lang, pakiramdam mo, gusto ka na din niya?

Or nagpakasweet lang sayo ng konti, inassume mo na mahal ka na din niya?

Pwes, mag scroll down ka lang te dahil may pag ka ASSUMING ka! 

Alam mo, di naman masama ang mag-assume eh. Di naman yan kasalanan.

yun nga lang. TORTURE yan.

Kasi masakit. Kapag nagising ka na sa katotohanan at napatunayan mo na nag-assume ka lang pala.

Ganto kasi yan. Pay attention girls ha.

Hindi naman kasi all the time, kapag sweet at mabait sainyo yung isang lalaking ay ibig sabihin nun, may gusto na siya sayo. HINDI. HINDI. HINDI.

Meron kasing time na, namimisinterpret mo yung mga bagay na ginagawa niya para sayo.

- Pwede naman kasing, BESTFRIEND lang ang turing niya sayo. -

Kasi komportable siya sayo, masaya siya kapag kasam ka niya at madami kayong pareho ng hilig. Tapos ikaw naman tong si assuming, akala mo more than a bestfriend na ang tingin niya sayo.

Hindi naman kasi malabo magkagusto sa isang kaibigan e. Syempre nga dahil close kayo, you can't help but accidentally fall for him. Pero kung kaibigan lang talaga ang tingin niya sayo, wag ka ng mag-expect. 

MALIBAN SA SPACING, KNOW THE DIFFERENCE BETWEEN A GIRLFRIEND AND A GIRL FRIEND.

Sa tagalog, KA-IBIGAN AT BABAENG KAIBIGAN.

- Pwede naman din kasing, PANAKIP BUTAS ka lang niya. -

Kasi broken hearted siya, tapos kaibigan ka niya. Kaya ikaw yung tinatakbuhan niya pag may problema sila ng jowa niya. Tapos ikaw naman, dahil gusto mo siya, HALA, SIGE, COMFORT MO! Tapos eto namang si boy, nilalandi landi ka minsan at nagpapakasweet sayo.

bakit?

Kasi namimiss niya yung presence ng jowa niya. Kaya bale, ikaw muna yung DOBOL ng girlfriend niya. Syempre ikaw, MAGFEEFEELING KA NAMAN AT EXPECTED MO NA NAKAMOVE-ON NA SIYA AT MAGIGING IYO NA SIYA.

pero biglang bumalik si Girlie at iniwan ka na ni Boy dahil di naman talaga ikaw yung mahal niya at panakip butas ka lang.

ano ka na ngayon? NGA-NGA ka dahil nag-assume ka lang.

Saklap </3

Kaya nga hangga't di niya sinasabi sayo na gusto ka niya, wag kang assuming. 

at kung alam mo na may iba naman talaga siyang gusto, hayaan mo na siya. IKAW LANG ANG KAWAWA.

at kung feeling mo, panakip butas ka lang niya, iwanan mo na siya te! ANO KA? SUBSTITUTE? kailangan lang kapag nawawala ang original?

NO WAY. WAG MO SAYANGIN ANG BEAUTY MO.

- Pwede din naman kasing NALAMAN NIYA NA CRUSH MO SIYA. -

Yan ang wag na wag niyong gagawin girls. Ang umamin na crush niyo siya.

Besides the fact na pwede siyang ma-ilang sayo, pwede ka din niyang PAASAHIN.

 Kasi syempre, mafaflatter yun na nagkagusto ka sakanya, so lalandiin ka niya para manatili yung pagkagusto mo sakanya at  ayun na nga, NAG-ASSUME KA NA.

- Pwede din naman kasing PPP siya. -

PAASA, PAEXPECT, PAFALL.

Ewan ko ba! Pero may mga lalaki talagang sadyang pinanganak na ganyan. Feeling ata nila gumwagwapo sila kapag madaming nafafall sakanila. Which is true.

Syempre iisipin nating mga girls na pogi nga yun dahil maraming nagkakandarapa sakanya.

Kaya ang sinasabi ko, tayong mga girls wag tayong maging assuming at tanga.

HALLERRRR! Those guys are JERKS. Hindi sila worth it okay?

HINDI KA PINANGANAK PARA PAASAHIN LANG. 

Kaya nga kasabay ng puso, binigyan din tayo ni LORD ng UTAK, para gamitin.

 Kung feeling mo pinapaasa ka lang niya, pwes, wag ka ng umasa.

Kasi kung kilig na kilig ka ng sobra ngayon, ikaw din ang masasaktan ng sobra sa huli.

Iwan mo na yang kupal na yan at humanap ka ng taong hindi mo kailangan pang mag-assume para lang malaman na MAHAL ka niya. :)

at sa mga babae jan na hindi naniniwala na may lalaki pang ganoon, pwes NAGKAKAMALI KAYO. 

sinasabi niyo lang yan, kasi HINDI NIYO PA SIYA NAKIKITA. 

Hintay hintay ka lang. HINDI NAMAN NAGMAMADALI ANG PAG-IBIG.

"True love is worth the wait."

___________________________________________________________

Thankyou for reading! Please comment below. =)

Para sa Love Sick (Love Advices)Where stories live. Discover now