CHAPTER 1
"Aken ka lang Shai..aken lang"
"Ano ba...."
"SHAI.." huh? may tumatapik saken, pagdilat ko...
"kanina ka pa namin ginigising.." nakatulog pala ako..
"napasarap ata tulog mo girl"
Ibig sabihin panaginip lang yun..ang weird..yung lalakeng yun..palage siyang nasa panaginip ko, sino ba talaga siya..
"Shylie sino ba yung nasa panaginip mo at parang takot na takot ka girl, look oh pinagpapawisan ka pa, hindi ka na fresh."
tiningnan nilang lahat ng masama si KC.
"hmm, on the other hand pretty ka parin talaga hehe ^_^v"
"binabangunot ka ata shai.."
napatingin ako sa kanila.. lahat sila nakatingin saken at mukhang nag aalala..
ngumiti ako, "ok lang ako, asan na ba tayo?"
"andito na tayo sa may bayan Shai, ituro mo nalang saken yung daan, hindi na ko masyado familiar dito."
"sige"
malapit na pala kami..
sakto lang pala gising ko, "miko pagkalagpas ng tulay kanan ka sa unang kanto, deretso lang andun na bahay nina lolo, nag iisa lang naman yun na bahay dun eh"
"Im soooo excited na mga friendship, tabing dagat yun shai hindi ba??"
"Ah oo" :)
bumalik na sila sa mga ginagawa nila, ako nakatingin lang sa bintana..
"Ok ka lang ba?"
napatingin ako sa kanya, tahimik lang siya nakatingin saken, tumango lang ako sa kanya at ngumiti, siya si Ran, ang bestfriend ko, magkaibigan na kami simula 1st year, siya na tagapagtanggol ko, alam niya lahat ng tungkol saken, pag may problema ako siya pinupuntahan ko..
"oo ok lang ako..."
ngumiti din siya at hinawakan ang kamay ko, ganyan na yan dati palang, lagi nga kami napagkakamalaan na mag gf/bf, sweet kasi siya saken at lage nya akong pinoprotektahan, pag siya kasama ko, alam ko safe ako palage. napangiti nalang ulit ako. Pero nawala ang ngiting yun nung napatingin ako sa may waiting shed malapit sa tulay na paglilikuan namin..
ang lalake sa panaginip ko...
anong ginagawa niya dito? namamalikmata lang ba ako? pero sigurado ako..
Sino ba talaga siya? Naaalala ko na naman yung panaginip ko, hindi ito isang beses na nangyari. Madaming beses na. Hindi ko parin maintindihan kung anong kinalaman ko sa kanya, pati na rin sa bahay na yun.
Ako nga pala si Shaira Elise Ramos, 15y/o, junior student.. only child.. yung mga magulang ko hiwalay na sila. Hindi ko alam pero mas mabuti na din yun. Kesa naman magpatayan sila sa harap ko kasi hindi sila nagkakasundo.. Simple lang ako. Hindi naman ako rebelde kahit ganon yung magulang ko, may mga kaibigan kasi ako na laging andiyan para saken. lage nila ako sinosoportahan. Tulad ngayon, kasama ko sila sa bahay bakasyunan namin dito sa batangas.. Sa totoo lang hindi lang talaga bakasyon ang pinunta ko dito.. Madaming tanong sa isip ko.. gusto ko malaman ang lahat.. at alam ko dun ko mahahanap ang kasagutan sa mga tanong ko..
"Shai, eto na ba yung kanto na sinasabi mo?"
"Oo, kanan kana pagdating diyan.."
nakatingin ako sa daan, nakikita ko na ang bahay na yun.. malapit na.. malapit ko na malaman ang totoo..
BINABASA MO ANG
Vendetta (JoshBie)
Short StoryA/N: vendetta, it is my 5th first story. Mahilig kasi ako sa mga mystery saka suspense. Pero ayoko ng mga brutal na patayan, light lang talaga. Nung sinusulat ko to madami na din pumasok sa isip ko kung paano iikot ang istorya pero nag stick parin a...