CHAPTER 3
"Shai, anak.." -nanay lupe
"po??"
tapos na kami kumaen. Ang mga kaibigan ko nagkukulitan sa may sala at ako naman ay nagpaiwan dito sa kusina para tulungan mag linis ng pinagkainan si nanay lupe..
"Shai.. alam ba ng mama at papa mo na pupunta ka dito??"
napatingin ako sa kanya, kung ganon alam niya na ayaw nila ako pumunta dito.. oo.. tama.. ayaw nila ako pumunta dito.. 10 taon na ang nakakalipas ng huli akong pumunta sa bahay na to.. pag tinatanong ko mama at papa ko lagi nila sinasabi na "shai.. ipangako mo samen na hindi ka na babalik sa bahay na yun".. na sobrang ikinapagtataka ko.. bahay to ng lolo ko.. bakit ayaw na nila ako papuntahin dito.. ni hindi nila ako binigyan ng rason..
"hindi po.."
"iha.. natutuwa ako at bumisita ka dito.. pero sa tingin ko dapat sinunod mo mga magulang mo.." sabay iwas ng tingin saken
"hindi ko po maintindihan.. bakit po ba nila ginagawa un.. may hindi po ba ako alam..??"
napabuntong hininga siya.. kung ganon may dapat nga akong malaman..
"wala naman iha.. pero.. sana ipinaalam mo din sa kanila..." sabi niya tapos pumunta siya sa may lababo
napaisip ako.. tama siya.. dapat nagpaalam parin ako.. kahit naman di sila pumayag wala na din sila magagawa.. andito na ako eh.. unless pupuntahan nila ako dito at kakaladkarin pabalik ng maynila.. pero malabo yun..
"sige po nay.. tatawagan ko po sila..."
*silence
"nay, may tanong po ako.. bakit po ba ayaw na bumalik dito nina mama? dati naman po kada bakasyon walang palya yung pagpunta namin dito.."
napatingin siya saken yung tingin na parang nag aalala...
"anak.. wala ka ba natatandaan??"
"po??natatandaan na ano??" nagtataka kong sabi sa kanya
"nanay andito na po ako.."
napatingin ako sa dumating.. parang kilala ko siya.. pero hindi ko maalala.. nagkatitigan kami pareho..
"siya nga pala shai.. eto yung kababata mo si rina.. naaalala mo pa ba siya iha.. madalas kayong maglaro dati nung mga bata pa kayo.." masayang sabi ni nanay lupe
rina???
"rina?? oo tama naaalala ko na.. diba ikaw yung lagi kong kasama pag tumatakas ako dito :D kamusta kana?? teka halika papakilala kita sa mga kaibigan ko.." sabay hila ko sa kanya kung nasan yung mga kaibigan ko.. "guys tigil muna yang harutan.. may papakilala ako sa inyo.." humarap ako sa kanila "siya nga pala si rina, kababata ko siya dito sa probinsya" tapos bumaling naman ako kay rina "sila yung mga kaibigan ko sa maynila"
"hi rina.. ako nga pala si mike..." sabay abot ng kamay niya.. nginitian lang siya ni rina..
"ano ka ba mike.. pwede ba wag mo nga siyang isama sa koleksiyon mo.." nangingiting sabi ko sa kanya
"shai naman para naman sinabi mo na chickboy ako.. eh wala pa nga akong nagiging gf eh" napapahiyang sagot sakin ni mike
"wala pa o wala na ulit??" -arvin
"dre laglagan ba??" -mike
"hindi dre sabi lang saken ng nanay ko wag na wag daw ako magsisinungaling..." -arvin
"talaga arvin?? eh bakit di ka parin umaamin sa feelings mo para kay jennica?" -jayson
"eh ikaw jayson.. bakit natotorpe ka parin kay donna??" -kc
nagtawanan kaming lahat.. bumalik na silang lahat sa mga ginagawa nila. Tapos napatingin ako kay rina.. seryoso yung mukha niyang nakatingin sa mga kaibigan ko lalo na kay RAN, tapos napatingin siya saken.. hindi ko maintindihan yung mga tingin niya saken parang magkahalong lungkot, sakit at GALIT.. lumapit siya saken...
"tama siya..babalik ka nga.." ngumiti siya.. yung ngiting nakakatakot.. yung parang may ibig sabihin.. pero ang mas iniisip ko ay yung sinabi niya... "tama siya..babalik ka nga.."
BINABASA MO ANG
Vendetta (JoshBie)
Short StoryA/N: vendetta, it is my 5th first story. Mahilig kasi ako sa mga mystery saka suspense. Pero ayoko ng mga brutal na patayan, light lang talaga. Nung sinusulat ko to madami na din pumasok sa isip ko kung paano iikot ang istorya pero nag stick parin a...