karaniwan na sa lahat ng tao ang magkaroon ng CRUSH. lalo na sa mga babae..
*********************
"Haaayyyy ! nako Chancy wag mong sabihing dadaan na naman tayo sa Bar at sisilipin mo na naman ang Prince Charming mo !" naiiritang sabi ni Sasa.
kauuwi lang namin ni Sasa, bestfriend ko galing sa department store, at ngayon kasalukuyan ko siyang pinipilit na dumaan muna kahit saglit lang sa Bar..gusto ko lang kasing makita yung Prince Charming ko ! Asa naman ako. feelingera ko talaga..nagbabanda kasi siya dun,Lead vocalist siya at nakaka-inlove talaga ang boses niya :)
"Sige na Sasa ! please ?? gusto ko lang naman siyang silipin eh, kahit 5 minutes lang ! please please !!!" with mattching puppy eyes pa..
"Hay nako talaga! kung hindi lang talaga kita bestfriend.. Sige na nga !"
"yess! thank you !Bestfriend talaga kita."
Ako si Chancy Castillo, CC ang karaniwang tawag sakin. 3rd year college Business Administration ang course ko..at may crush ako, si Jake Castro.OMG talaga.. ! matagal na akong patay na patay dun ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon di pa din ako nakakaamin sa kanya.Ang lakas kasi talaga ng appeal ng taong yun,Gwapo,mabait,gentleman,at sobrang galing sa pagkanta.kaso naman di niya ako kilala, kaya ang tanging nagagawa ko na lang ay ang silipin siya sa tuwing may tugtog sila sa Bar.
"Oh ! andito na tayo, baka naman gusto mong pumasok sa loob at ilibre man lang ako ng kahit isang juice, para naman hindi tayo magmukhang tanga dito sa labas kakasilip sa kanya diba ?" dire-diretsong sagot ni Sasa..
"Ano? ayoko ngang pumasok jan! nakakahiya.mamaya makita niya ako baka sabihin niya sinusundan ko siya"
"Wow! ngayon mo lang talaga naisip yan ha? nako halos ilang taon na din tayong ganito ha?Sige na kasi bez, pasok na tayo"
"S-sige na nga!" no choice eh,baka sa susunod hindi na niya ako samahan..
Pagpasok namin sa loob, ang kagwapuhan ng mukha niya ang una kong nakita,Imba talaga ang mukha ng lalake na to nakakapang-gigil..
"Salamat sa lahat ng nasiyahan sa pagkanta ko..pero bago matapos ang gabi na ito gusto ko sanang umawit ulit"
nagsigawan naman ang lahat, syempre sino ba naman ang hindi matutuwa at kikiligin sa boses niya.
"at ang awit na ito ay inaalay ko sa kaisa-isang babaeng nagpatibok ng puso ko"
"Ouch''yun na lang ang nasabi ko.
WHAT ! may Girlfriend na siya? OMG.OMG O_________O bakit ganun?ARAY naman..
"Sana malaman at maramdaman mo ang tunay na pagmamahal ko sayo" pagpapatuloy niya, sige lang ha! ituloy mo pa, lapit na akong sumabog dito oh:(
''And who's that lucky girl Mr. Castro" tanong nung isang babae. eto na ! malalaman ko na kung sinong girlfriend niya :(((( ang sakit na talaga..
''andito ba siya''
''Wow ang sweet naman!''
''Maaari ba namin siyang makita or makilala''
sabay sabay na tanong nung mga costumer..
''Mailap siya eh'' sagot niya.ano ba naman to pa-suspense.. -_____-
Maya-maya lang ay may pumasok na isang napakagandang babae..
"Hi Jake !" sabi niya.sino naman to ?
"Oh ! Hello there, tamang tama kakanta na ako. come! have a sit" sagot naman niya
"Is she the lucky girl??" tanong na naman nung isang babae..
Pero hindi sumagot si Jake, ngumiti lang siya, maya-maya ay nagsimula na siyang kumanta..