Kabanata 19

297 38 1
                                    

Kabanata 19

Kulay Tamod

"Nag-enjoy ka ba?"

Nakangising tugon ni Thiago habang nililiko ang kotse nito papasok ng aming village. Mabilis ko rin siyang nginisian kahit na hindi sa akin nakapako ang titig niya.

"Sobra," ang tanging lumabas sa bibig ko bago pa mabilis na nag-iwas ng tingin, "Salamat, Thiago."

Rinig ko ang sinseridad sa sarili kong tono sa huling naging linya ko. Sa pasasalamat kong 'yon ay nakapaloob na do'n lahat, tulad ng ginawa nitong pag-alis sa katauhan niya sa Thiago na kasupladuhan lang ang ipinupukol sa akin. Bonus pa na mas lalo akong naging kumportable dahil nagawa niya pang makipag-usap sa akin tungkol sa buhay-buhay.

Dapat lang na ipagpasalamat 'yon dahil lahat ng 'yon ay minsan kong inakalang magiging pag-aasam nalang habang-buhay.

Muli kong nilingon si Thiago. Nahuli ko itong deretso ring nakatitig sa akin.

"Ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo, eh. Thank you for this night, Zaicho. Hindi mo alam kung gaano nakagaan sa akin ang presensya mo kanina." nakangising tugon nito.

Muli akong nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang pag init ng buong mukha ko. Masyado niyang alam kung paano ako kilitiin at igisa sa sarili nitong mantika.

Kaya't hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi parin matanggal sa mga labi ko ang isang malaking ngisi. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang malumanay nitong pagtitig sa akin.

Mabilis na nailipat kay Thiago ang titig ko nang mabilis niyang inilapit sa akin ang mukha niya.

No'ng una, akala ko ay may kukunin siya sa gilid ko kung nasaan ang ilan sa mga gamit niya. Pero halos manindig ang buong balahibo ko nang maramdaman ko ang malambot nitong labi sa aking pisngi.

Parang ipinatong niya lang ang labi niya sa aking pisngi saka mabilis ring umayos upo. Habang ako naman itong masamang napabaling sa kabuuan niya.

Ramdam ko ang pag-init sa aking kaselanan.

Masyadong mabilis ang nangyari. Parang ilang segundo lang ang tinagal ng tagpong 'yun.

"Goodnight, Zaicho." tugon nito bago pa mabilis na kinuha ang bag niya sa back seat at mabilis niya itong ikinandong sakaniya, dahilan ng pagkakatakip sa gitna ng kaniyang hita.

Tumawa lang ito ng malakas. Iiling-iling akong nag-iwas ng tingin dito sa kumag na'to. Pasimple akong tumitig sa kalangitan at malumanay ko itong kinindatan.

'Bawing bawi ka sa akin ngayong gabi, Universe!'

Kahit na wala na sa pisngi ko ang labi niya ay patuloy parin itong tumatatas sa aking utak. Ngayon ko lang naramdaman ang saya na kanina'y tinabunan ng pagkagulat.

Mabilis na akong nagpaalam sakaniya at dali daling bumaba ng kaniyang kotse. Bahagya ko pang itinaas ang kanang kamay ko nang bumusina ito. Pinanood ko na muna ang kaniyang kotseng lumayo bago ako tuluyang pumasok ng gate.

Hindi magkandamayaw ang puso ko ngayon sa saya. Hindi ko alam pero sobrang sariwa sa utak ko ang lahat ng naging tagpo namin ni Thiago. Lalo na ang marahan nitong pag halik sa aking pisngi.

Ako naman itong mukhang timang na nakangisi ngayon habang papasok ng bahay. Kahit na wala na si Thiago sa tabi ko ay tila ba ramdam na ramdam ko parin ang presensya nito. Maging ang malalambot nitong labi na patago ko lang tinitingnan noon ay dumampi na rin sa pisngi ko.

"Fuck!" malutong na mura ang namutawi sa akin nang marinig ko ang malakas na pag sara ng main door na siyang lumikha ng malakas na ingay sa buong paligid.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now