Chapter 4
Nasa harapan ko lang si Koen. Nagtatakang nakatitig siya sa akin pati sa mga unan na nakalagay sa halos lahat ng sulok ng higaan.
"B-bakit?" I spoke.
Napakurap-kurap siya at ngumiwi. "Bakit ang daming unan?" tanong niya.
Tumikhim ako. "Doon ka sa sahig," napalunok ako, "Ayoko ng may katabi."
Okay, why am I reacting like this?! I mean it's normal naman 'di ba?! I'm kinda nervous and shit. Well, he's still a complete stranger to me, duh! Normal lang ma-feel na uneasy and nervous at parang may butterfly sa stomach ko—
What the hell.
That is wrong.
Tumagilid na ako ng higa at niyakap 'yung unan sa tabi ko. "Sa sahig ka na," I said while my red-hot face was buried on the pillow. Hindi na ako nagsalita pa.
Naramdaman ko namang may humila sa kumot na nakabalot sa akin. Napatingin kaagad ako sa paanan ko at nandon si Koen na naglalatag na ng kumot.
"Hindi ka man lang hihingi ng kutson o ano?" nakangiwing tanong ko.
"Ayoko na distorbohin si Manong baka tulog na 'yon, and kung ayaw mo akong katabi, I understand. Pahiram na lang ako ng kumot." Kumuha na rin siya ng unan.
I feel bad. Ilang oras nagmaneho si Koen at for sure 'di sapat tulog niya. Saka siya 'yung nag-aya, nilibre niya pa ako ng bucket meal.
I grunted. Medyo labag sa kalooban na pinagtatanggal ko 'yung unan sa gilid ko. Bago pa man makahiga si Koen, nagsalita na ako.
"Dito ka na sa tabi ko..." I said in a soft voice.
Medyo malaki naman 'yung space ng higaan.
Napatingin kaagad si Koen sa 'kin. "No, it's okay, dito na ako sa sahig."
"Let's not start an argument at humiga ka na dito sa tabi ko, 'di mo sure, mamaya may daga at ipis diyan." Salubong ang kilay na sabi ko, para hindi na siya kumontra pa.
Napakurap-kurap si Koen at parang batang sumunod sa 'kin. Nilagay na niya lahat ng unan sa tabi ko at sa katabi ng unan siya humiga.
I frowned. "Koen, 'di mo ba narealize na masikip?"
Okay, binabawi ko na, masikip 'yung kama! Gusto ko rin naman magpagulong-gulong 'no.
"Okay lang na masikip sa 'kin."
"Nasisikipan din ako, tanggalin mo 'yung harang at tumalikod ka na lang sa 'kin."
Sumunod na lang si Koen, tinanggal niya lahat ng unan. Tumagilid ako ng higa at niyakap 'yung unan na kanina ko pa yakap-yakap. Humiga na rin si Koen papatalikod sa 'kin.
Damn it! Bakit parang naghahanap ng kayakap 'tong katawan ko, potchi naman oh! Epekto ba 'to ng ilang taong experience ng walang jowa?! Hindi ako tigang, ha! Gusto ko lang ma-feel 'yung may ka-hug.
Okay, stop, Paulina.
Tumalikod na rin ako ng higa mula kay Koen, baka kung ano pa magawa ko.
Gapangin mo,Paulina, 'wag ka na mahiya.
Gosh, stop!
I squeezed my eyes shut.
Antok, sumanib ka na.
Hindi ko na namalayan pa 'yung oras, basta ang alam ko, ang tagal bago pa ako nakatulog.
***
Nagising na lang ako dahil sa pang-umagang huni ng ibon at sa isang mabigat na bagay na nakadantay sa baywang ko. I groaned in response when a warm breath touched my nape.
BINABASA MO ANG
Taking The Risk (Risk Series #1) (UNDER MAJOR REVISION)
Romance(Risk Series #1) Paulina Louisette Bautista just wants to finish med school and satisfy her parents' expectations of her. Med school wasn't really her first choice, she wanted to become a lawyer but her parents wouldn't let her. Frustrated and stres...