1

11 0 0
                                    

I'm just simple...

May-kaya, makulit, katamtaman ang height, maputi, half-pretty ,half average and has an average intelligence lalo na kapag math.

Sabi nila bulag raw ako sa pagmamahal..

Bakit kaya?

Kasi na-inlove daw ako sa isang taong hindi kailanman magkakagusto sa akin.

Curious ba kayo kung bakit hinding-hindi siya maiinlove sa akin?



He likes men.

Namja - Man



Well, wala naman akong magagawa kung sa kanya ako nahulog, hindi ko kasi makontrol si hypothalamus.

Charing.

Si heart na lang, kasi ang pangit raw kung hypothalamus yung gagamitin ko.

Kaya eto namang mga classmates namin todo kantyaw sa amin.

Hindi naman siya snob but sometimes siya na ang umiiwas.

But one time nung nagpractice kami para sa darating na prelimary para sa sayaw by section, may sinabi siya nung time na nagtruth and dare sila.

Pero hindi ko naman narinig dahil nasa kwarto ako ng classmate ko that time at nagbibihis, pagbalik ko bigla silang tumakbo pabalik sa pwesto sa sayaw nila.

Anong nangyari sa mga iyon? Tanong ko sa sarili ko.

"Why did you change your clothes?" Nakataas ang isang kilay niyang tanong. Tinarayan talaga ako.

"Stop englishing ka nga, nakaka-nose bleed ka!" Tinarayan ko din pabalik. But deep inside, kinikilig ako. Luh ka teh.

"Englishing ka diyan. Psh." I feel like blushing pero mas mapula pa ata yung lips niya kesa sa pisngi ko. Kaloka. Alagang liptint.

Bigla lumapit yung VP namin sa classroom tsaka inayos yung pagkakahawak ng kamay ni Liam sa bewang ko. "Hold her tight.."

Ito talaga si VP noh sinusuportahan talaga ako. Straight to guys, tapos gwapo din tsaka matalino. Crush ko dati kaso nawala kasi feelings ko he's too good for me. Yung parang pang high-standard siya.

Ba't di pa umaalis si VP?

"Baka maagaw..." I felt Liam's hand tightened on my waist. Anong problema nito?

Asus, kinikilig ka lang te. Medyo confident lang kasi may kurba naman ako. Pinaka favorite na part ko sa katawan.

"VP--este Cy, yung partner mo tumatawag na." Actually, hindi ko talaga siya tinatawa na VP kasi para naman siyang Vice Presidente ng Pilipinas niyan.

"Okay. Babantayan ko kayong dalawa." He said habang nakatingin sa kay Liam.

Kanina pa ito si VP ah? Tingin ng tingin kay Liam. Don't tell me--- NO! That can't be, I'll lose for sure.

"You two are the center of this dance, galingan niyo." Pahabol niya tsaka he patted my shoulder. Napaiktad naman ako kasi his hands were on my bare shoulder.

Napansin niya naman iyon kaya inalis niya yung kamay niya pero before niya itong maialis ng tuluyan ay inayos niya ang damit ko.

Yung strap...

lumabas....

Wahhhhhh! Nakakahiyaaaa.

What have I done to deserve this?!!!

Naman ehhhh!

Pucha! Hot pink pa naman yung color ng strap, kadiri. Ito yung bra na binili ni madir ko last month, sinuot ko ngayon kasi tinatanong niya ako kung bakit ko di sinusuot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

4% of SomethingWhere stories live. Discover now