Chapter 22
Jennie's P.O.V
(insert: background music 'Letting Go' by Mohombi)
~FLASHBACK~
Mama: Anak bakit mo ba iniiwasan si Lisa? Naawa na ako sa kaniya!
Jennie: Ma! Mahirap mahalin ang gaya niya!
Mama: dahil ba gangster siya?
Jennie: *hindi ako kumibo*
Mama: Anak! Nung ako nasa kalagayan mo si Rocky ang sumuko sa amin!
Mama: Sana anak ikaw naman ang lumaban para sa inyo! *iniyak ko na lamang*
Jennie: Mahal ko si Lisa, Mama! Pero baka kapahamakan lamang ang maidulot niya sa akin sa atin! Ma! Magulo ang mundo ni Lisa gusto ko yung normal na buhay walang iniisip na pangamba paglalabas ako kasama ang mahal ko!
Mama: Anak! Dun nasusukat kung mahal mo talaga ang isang tao ano pa man o sino man siya!
Jennie: Ma! Buo na desisyon ko dun muna ako sa province nila Papa! Dun ko muna pagpapatuloy pag-aaral ko!
Mama: Sigurado ba dyan Anak!?
Jennie: Opo Ma! Kayo muna bahala kay Chae ah!
~END OF FLASHBACK~Alam na ni Chae ang aking plano noon pa man simula iwasan ko si Lisa.
Kahit maging mga kaibigan ko ay sinabihan ko na tungkol dito, hahatid na ako ngayon ni Papa sa province nila kina Lola huling punta ko don ay nung 5 years old pa ako.
Ilang oras din ang byahe sa Calatagan, Batangas nang makarating kami ni Papa ay agad kami sinalubong ni Lola niyakap ko lamang si Lola at pagkatapos non ay umalis na rin si Papa pabalik ng Manila.
Umalis na rin kami ni Lola, sumakay kami ng tricycle pero naalala ko na naman si Lisa namimiss ko siya kamusta na kaya siya? Alam ko namang di siya ok! Patawarin mo sana ako Lisa pero mahal na mahal kita sana wag mong kakalimutan yun.
Patawad kung naging mahina ako.
Nang makarating kami sa bahay nila Lola ay agad ako sinalubong ng pinsan kong si Hanbin.
Niyakap niya ako ganon din ang ginawa ko.
Hanbin: ate? *sabay yakap*
Jennie: Bin! Laki mo na ah! Mas matangkad ka pa sa akin oh!
Hanbin: siyempre ate binata na ako noh!
Jennie: 'kaw talaga! Oh baka may gf ka na?
Hanbin: wala ah!
Lola: hay naku apo! May crush yan si Tzuyu!
Jennie: Ha talaga Lola? Si Tzuyu?
Hanbin: Lola naman eh! *nahihiya*
Jennie: Aba! Mas matanda konti sayo yun ah!
Hanbin: ate ok lang age doesn't matter naman eh!
Lola: oh hanbin nakahanda ka na ba ng kakainin natin ng ate mo?
Hanbin: opo Lola!
Lola: Jennie ,apo! Punta ka muna sa kwarto mo ilagay mo mga gamit mo muna dun!
Jennie: La! Ok pa ba kwarto ko?
Lola: oo naman! Di ko pinapagalaw kahit kanino yun!
Jennie: *ngumiti lamang ako* Salamat La!Pumasok na ako sa kwarto ko, may maliit lamang na lupa si Lola tinataniman niya ng iba't ibang gulay para rin kaniyang ibenta.
Si Hanbin nasa ibang bansa ang Mama niya kapatid ni Papa bunsong kapatid dalawa lang ang Anak ni Lola si Papa at si Tita.
Lumabas na ako ng kwarto ko para pumanik sa kusina nakahain na ang masasarap na pagkain, nakapansin sa akin ang adobong manok na favorite kainin ni Lisa nang minsang ipagluto ko siya.
Kumain na kaya siya? Lalo na yun hindi kakain kapag hindi ko ginawan ng pagkain haaay.
Dapat hindi ko na siya iniisip tama na Jennie, iniwan mo na siya wala ka na sa buhay niya lumayo ka para sa sarili at kaligtasan mo hindi para isipin pa siya.
Kumakain na kami nila Lola at Hanbin ,nakausap na rin ni Lola ang school ni Hanbin na dun na ako mag-aaral hindi nalalayo ang age namen ni Hanbin kaya pareho kaming first year college.
Matapos kami kumain nang maghuhugas na sana ako ng pinggan nang pigilan ako ni Lola at si Hanbin ang pinaghugas.
Lola: Hanbin ikaw na maghugas, pagod ate mo mahaba ang binyahe niyan! *nakasimangot*
Hanbin: Lola naman eh! Mas love mo si Ate kesa sa akin!
Jennie: aysus! Nagtampo!
Hanbin: eh pano ate mas love ka talaga ni Lola eh!
Lola: Hoy kayo ni ate Jennie mo lang ang apo ko kaya pareho ko kayong mahal! Nagtampo ang apo kong bakla!
Hanbin: ano? Lola naman eh!
Jennie: Bin! Alam na namen yun noon pa!
Hanbin: Ate lalaki ako noh!! *nakapout*
Lola: Hindi naman talaga si Tzuyu ang gusto mo si Jimin di ba? *nagulat si Hanbin*
Hanbin: Lola naman eh! San mo naman nalaman yan?
Jennie: Hanbin, kababata mo si Jimin di ba? Alam namen na crush mo yun hahahaha!! *tawang nangaasar*
Hanbin: Ate! Lola! *nanlalambot dahil sa hiya*
Jennie: Bakla ka talaga girl! Aminin mo na nga! Wag ka mag-alala tanggap ka naman namen nila Papa at Tita pati si Lola! Kasi ako baliko na rin eh haha!
Hanbin: Talaga ate? *may ngiti sa mukha*
Lola: oo nga mga apo kahit ano pa kayo mahal namen kayo! At tanggap!
Jennie and Hanbin: talaga po Lola?!!! *sabay yakap namen*