<79> To the Rescue

43 8 0
                                    

Maira's POV

Pagkamulat ng mga mata ko ay nakagapos na ang mga kamay at ang paa ko. Ramdam ko din ang malagkit kong katawan dala na siguro ng pawis at nararamdaman ko na hindi na nakaayos ang buhok ko. Balak ko na sanang sumigaw ng tulong ngunit may nakatakip pala sa bibig ko.  At ang tanging ang pagtingin na lamang sa paligid ang magagawa ko. 

Nasan ba'ko? Bakit ba ako napadpad rito? 

"Aba gising na pala ang prinsesa" saad nung lalaking papalapit na sa pwesto ko. Na hindi ko naman kaano-ano, ni hindi ko nga kilala kung sino ito. 

Gusto ko sanang tarayan ito ngunit hindi ko magawa dahil may nakatakip sa bibig ko. Kaya tanging pag-irap at samaan siya ng tinggin lang ang magagawa ko. 

"Pasensya ka na kung nadamay ka pa sa gulong ito ah, ang mga magagandang katulad mo ay pinapaligaya. Lalo na pagdating sa kama" wika niya at tumawa pa ng nakakaasar. 

Manyak!

Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko pagdating sa mga ganyang patalastasan ng mga salita. Ngunit paano ko magagawa iyon kung may nakatakip sa bibig ko? 

"Itext ang Kevin na yon para maisagawa na natin ang ating pinag-ensayo" utos niya sa isa sa mga tauhang malapit sa pwesto niya. 

Bakit nadawit si Kevin rito?

Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita na yung inutusan niya.

"Boss, ayaw maniwala" agad namang sumama ang timpla nung tinatawag niyang boss. At sa di inaasahan ay lumapit siya sa'kin at laking gulat ko ng amoy-amuyin niya ako. Pilit kong iniiwas ang katawan ko sa kanya. Hindi kaaya-aya ang nararamdaman ko sa ginagawa niya, parang binabastos niya na ang katauhan ko.

Pilit akong nagpupumiglas ng kusang tumigil ito.

"Kuhanan mo ang ginagawa ko sa babae nya, ngunit wag mo munang ipakita ang mukha ko para manatiling sorpresa ang kakalabanin niya" muling utos nito sa tauhan. Hindi naman nagdalwang isip iyon at agad ng pumwesto para kumuha ng video.

Sinimulan niyang hawakan ang mga braso ko papunta sa kamay ko at maging ang mukha ko ay hinawakhawakan din. Pilit kong  inilalayo ang sarili ngunit hindi ko magawa ng maayos sapagkat nakatali nga ako. Sa pagkakataong ito parang diring-diri na ako sa sarili ko. Hinayaan ko na lang hawakan ako ng kung sino at ang masklap pa doon ay hindi ko kayang lumaban dahil itinali nila ako. 

Ganito din ba ang nararamdaman ni mommy noon?

Kusa ng pumatak ang mga luha ko sapagkat pumasok sa'king isipan ang pwedeng mangyari sa'kin. Ang kaganapang nangyari noon ay mangyayari din ba sa'kin.

Ayoko, natatakot ako.

Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko nang alisin ng manyak na ito ang takip sa bibig ko. Agad akong sumigaw ng tulong pero sinampal naman ako ng manyak na ito. 

Masakit, mahapdi.

"Huwag kang magsisigaw diyan at nakakabingi, at isa pa ay walang tutulong sa'yo sapagkat ang lugar na ito ay ang pinakakatakutan ng mga tao rito" suway niya sa'kin kaya tuluyan ng bumigat ang pakiramdam ko, tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. 

Muli niyang ipinagpatuloy ang paghawak sa'king braso at mukha hanggang sa inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Automatic na itinikom ko ang aking bibig at tumingin sa ibang direksyon. 

Dahil sa ginawa ko nagalit sa'kin itong lalaking mayak muli niya akong inambahan ng sampal ngunit kusa niya ding itinigil. Sa halip na sampalin ay muli niya na lang ibinalik ang nakatakip sa bibig ko kanina.

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon