Chapter 7 Defy

289 6 0
                                    

Chapter 7

Defy

We went to a nearby mall, nakangiti lang naman ako the whole time. Feeling ko, close na kami kahit hindi pa naman talaga because he's so sungit pa rin sa akin. Pero infairness, natatagalan naman niya ako.

Nang makapasok sa mall ay marami na din kaming nakitang students, karamihan ay college, probably lurking around to spend their free time.

"Doon nalang tayo?" I asked him as I point the restaurant.

Tumingin lang naman siya sa akin at tumango. I walked there happily, I'm almost jumping every step, parang bata.

Nang makapasok sa restaurant ay mabilis akong naghanap ng upuan at niyaya na siya doon. I sat down and looked at the menu, ganoon din naman ang ginawa niya. He's the one who called the waitress. Nang matapos niyang sabihin ang kaniyang order ay sinabi kona rin ang sa akin.

I looked at him and lean on the table to be closer as I stare at his face.

"May I ask a question?"

He nodded, "Bakit nag papaalam ka pa? Lagi ka naman may tanong."

I chuckled, "Gusto ko lang. Anyway, chemical engineering can make perfumes, right? Aside from drugs?"

"Yes. We can do a lot of things in our field. Why?"

"Wala lang. I find it super galing ng mga nag c'create ng perfumes."

"You like perfumes that much?"

I nodded multiple times, "Yes!"

"Bakit hindi ka mag chemical engineer?"

I shook my head multiple times also, "I find chemistry and physics so complicated!"

His side lips rose and I tilted my head to watch him more. Nang dumating ang pagkain ay natahimik na ako. Napalingon naman ako ng may mga college students na pumasok sa restaurant but because the food is good, hindi ko nalang pinansin.

Napaangat lang ulit ako ng tingin ng mapasin na lumapit sila sa amin.

"Giovanni?" I heard the girl said.

Nang maayos silang matingnan ay napansin kong pamilyar sila. They're the one who's with him last time, iyong hinintay ko siyang umuwi. Napasimangot ako ng maalala na naman iyon.

"Why?" Giovan asked her sternly.

"Ngayon lang kita nakita dito, lumalabas ka pala?" napalingon naman ito sa akin, "Oh, hi. Close pala kayo ng kapatid ni Jared?"

"Hindi mo man lang kami pinakilala noon!" sabi noong lalaki na kasama nila. Nagpakilala na ito sa akin noon e. Hindi ko lang matandaan ang pangalan.

Dave? Dane?

"Can we join you?" masayang tanong noong isang babae.

I bit my inner lip as I looked at Giovan who I found staring at me. Hindi naman ako nag salita at nag iwas lang ng tingin. Ayaw ko silang kasabay but their Giovan's friends, I guess.

"Giovan?" tanong noong babae kanina.

"Nag d'date ata sila! Huwag na natin guluhin." Sabi noong isang lalaki na hindi ko talaga alam ang pangalan.

"Huh? Sabi ni Giovan noon kapatid lang siya ni Jared e."

Napahinga na ako ng malalim at nagpipigil ng inis. My food is cold na! I licked my lips and remain silent.

"We want to be alone." Giovanni said clearly.

Napansin ko naman na natahimik sila. Hindi naman ako gumalaw doon at nakiramdam lang.

Love and Trigger (Macimilian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon