ENDLESS LOVE
This is work of fiction. Names,characters, Businesses, Places, events and incidents are either products of the author's Imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person's, leaving or dead, or actual events in purely coincidental.
PROLOGUE
Kahit nanghihina ay pinili niyang tumakbo upang mailigtas ang sarili.
'Hindi ako pwedeng mahuli, hindi ako pwedeng mamatay." iyan ang laman ng isip nya habang mabilis na tumatakbo na halos hindi na makita sa bilis, pero dahil sa natamo niyang sugat sa tagiliran ay unti unti na siyang nanghihina.
Mahigpit syang napakapit sa puno at umigik sa sakit. Hindi pambirang palaso ang sumaksak sa kanya, alam nya iyon dahil ramdam nya ang hindi maipaliwanag na sakit sa kalamnan nya. Mayroon itong lason, lason na kayang kumitil ng kanyang buhay.
Kahit naliliyo na siya sa sakit ay pinilit nyang tumayo. Kailangan niyang makatakas sa mga kalaban. Kailangan nilang maghanda dahil tiyak siyang susugod ito sa kaharian.
Mabilis na pagtalon ang ginawa niya at tumuntong sa mga puno at ginamit ang natitirang lakas upang itumba ang mga iyon at maging harang sa mga sumusunod sa kanya.
Nang makalayo ay bahagya siyang nakahinga ng maluwag.
'Sana naman ay hindi ako nasundan ' Nasa isip niya.
"Ahhh!" Muli siyang dumaing nang muling maramdaman ang sakit na tinamaan ng palaso.
"Kailangan kong makaalis, patuloy na kumakalat ang lason at papunta na ito sa puso ko." Nanghihinang aniya.
Akmang aalis na siya nang bigla syang palibutan ng mga itim na bampira. Nakalabas ang mga pangil nito at handa syang patayin ano mang oras.
"At saan ka pupunta? Tatakas ka? Hindi kana makakaalis dito! Mamatay kana!" Dumagundong ang boses na iyon.
Halos hindi sya makagalaw dahil sa pamilyar na tinig, unti unti nya itong nilingon.
"Ikaw?" Pabulong na anas nya na hindi makapaniwala sa nakita at nalaman.
"Ako nga kamahalan." Ngumisi ito sa kanya .
"Taksil ka!" Puno ng paghihinagpis niyang saad dito.
Mabilis ang naging pagsugod nya sa kalaban bawat atake ay naiilagan nya. Kailangan nyang ingatan ang mga natitira nyang lakas at ilabas iyon ng tama, hindi sya pwedeng mamatay lalo na at alam nyang may nakapasok na traydor sa palasyo.
"Ahhh!" Hiyaw nya nang muli siyang matamaan sa tagiliran. Mabilis ang naging kilos nya at binalian ng ulo ang dalawa sa kaniyang harapan at mabilis na tumalon at sinipa ang dalawa sa likuran niya.
Inilabas nya ang matutulis na kuko at pangil. Ito na lang ang huling alas nya para maligtas ang nanganganib na sarili.
Mahigit kinse pa ang kalaban kaya ginawa nya ang lahat ng makakaya. Ginamit nya ang bilis at itinaas ang matutulis na kuko at tinakbo ang hanay ng kalaban. Pinagpuputol nya ang mga ulo nito gamit ang mahaba at matalas nyang mga kuko ngunit bago matapos at maubos ang mga bampirang kalaban nya ay isang mainit at malaking bagay ang pumuno sa dibdib nya dahilan para tumigil sya.
Nagbaba siya nang tingin habang may umaagos na dugo mula sa kanyang bibig. Hindi niya magawang magsalita habang nililingon ang taong may gawa nito. Isang palaso ngayon ang nakatarak sa puso niya na alam nyang ikakamatay niya.
"Ngayon, sigurado akong mamatay kana. Makukuha kona ang lahat. Magiging akin na lahat ng iyo, lalong lalo na siya, Ang lalaking mahal ko na inagaw mo." Masaya ngunit may bahid na galit sa boses nito.
Gusto nyang isigaw na hindi niya ito inagaw dahil sa una palang sya na ang mahal nito at mahal niya rin ito.
Naramdaman niya nalang ang sarili na muling tinamaan ng ilang palaso bago tuluyang bumagsak sa lupa.
"Ako na ang magiging reyna, at ikaw, mamatay kana." Saad nito bago siya tuluyang saksaking muli.
Mabilis na nagdilim ang paningin ko.
"Paalam mahal ko, paalam Kaleb," Huling katagang lumabas sa bibig niya bago siya tuluyang bawian ng buhay.
__
"Hindi! Hindi siya pwedeng mamatay, Kailangan gamutin mo siya Granida." Napahawak sya sa ulo bago pigilan ang emosyon niya sa subrang galit at sakit.
Pagkagaling niya sa labanan, nalaman niyang nawawala ang kanyang asawa kaya agad niya itong pinahanap ngunit hindi nya inaasahan na madadatnan itong walang buhay na nakahiga sa lupa at naliligo sa sariling dugo.
"Patawad kamahalan pero kanina pa siya walang pulso at wala na akong magagawa, ikinalulungkot ko po." Malungkot nitong saad habang nakayuko.
Mahigpit na hinawakan nya ang kamay ng babaeng mahal nya. Gusto nya itong mabuhay kahit pa sa anong paraan.
"Buhayin mo sya Granida, gawin mo ang ritwal na matagal nang kinalimutan ng lahat, buhayin mo ang asawa ko," Disididong aniya sa matandang babae.
Nagdala siya ang labinglimang bampira na kakailanganin sa ritwal at gagawing alay. Walang nakakaalam nito kundi siya lang at ang babaylang si Granida.
"Kamahalan, ang ritwal na ito ang hindi ganoong kadali. Muli siyang mabubuhay ngunit iyon ay sa loob pa ng dalawampung taon at isa na siyang tao at hindi nya na maaalala ang lahat." saad ng matandang babaylan ngunit buo na ang kanyang pasya.
"Handa akong maghintay bumalik lamang siya, kahit ilang taon pa yan."
Nilapitan niya ang walang buhay nitong katawan at sa huling sandali ay hinagkan niya ang mga labi nito.
"Hihintayin kita mahal kong Maraya, hihintayin kita hanggang sa matapos ang dalawampungtaon, mahal na mahal kita." muling pumatak ang kanyang luha sa kanyang mga mata.
END OF PROLOGUE
AuthorsNote: Pavote po guys and pashare. Thanks for Reading
BINABASA MO ANG
Endless Love
FantezieENDLESS LOVE SYNOPSIS Nakangiti si Kaleb habang pinagmamasdan ang batang babae na naglalaro sa isang bakuran . "Ilang taon munang ginagawa ang pagbabantay sa kanya Kaleb." Ani ng kaibigan nyang si Fausto na alam lahat ng gawa nya. "Naiinip lang ako...