CHAPTER 13

5.4K 285 254
                                    

Ako si Fatima

"Fatima pinapatawag ka ni sir sa office" sambit ni Trina sa akin habang pinupulot ko ang gamit ko at pilit pinagkakasya sa maliit na bag.

"Deretso uwi kana ba?" Tanong ko dito ng mapagtanto na alas dyes na ng gabi, nag overtime pala kami ngayon muntik ko ng malimutan.

"Oo, may family dinner kami ngayon e kadarating lang ng lolo't lola ko galing probinsya" anito at pinaliguan ang sarili ng mamahalin niyong pabango.

"Pano ba yan mauna na'ko Fatima, bukas nalang natin i-print yan" Tumawa ito ng bahagya  pagkatapos ay pakembot na umalis tila ay nang-aasar pa na pinaiwan ako nang boss namin.

Napailing nalang ako at pinagpatuloy na ang pag aayos ng mga gamit, nang maayos ay itinabi ko ito sa isang gilid at dumiretso na sa opisina ng aming boss.

Tunog ng aking di kataasang sandals ang lumalagitik sa sahig, sinulyapan ko ang bawat silyang bakante dahil marahil sa nag uwian na ang mga trabahador na siyang nakaupo dito.

Medyo madilim na ang tinatahak kong daan patay narin ang ibang aircon na kanina lamang ay bukas na bukas dahil sa init.

Di kalakasang katok ang ginawa ko ng matapat ako sa pinto ng aming boss bago pumasok.

Patay na ang ibang ilaw ng pumasok ako, naabutan  kong nakaupo ang taong nag mamay-ari ng silid na ito sa kanyang lamesa.

"Sir, pinatawag niyo raw po ako?" unang sambit ko dito nang makalapit sa kanyang lamesa kung saan siya naroroon.

Matagal ito bago sumagot, pinaglalaruan ang  bollpen sa kanyang kamay pagkatapos ay tamad na  dinampot at tinabi ang mga papeles sa kanyang harapan.

"Maupo ka muna" Agad akong naupo sa katabing upuan ng lamesa.

"Miss Fatima Gregorio..."

"Sir?"

"Ilang beses ko pang sasabihin sayo na mahigpit na ipinagbabawal ng kompanyang ito ang paglalandian lalo na't oras ng trabaho?"

Hindi na ako nagulat sa sasabihin nito sa akin marahil ay may mga empleyado na namang nakakita sa'kin kanina kasama si Marvin.

Alam ko ang patakarang ito sa kompanya at wala kaming ugnayan ni Marvin kundi purong pagkakaibigan lamang, hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita kaming magkasama ay palaging ganito ang senaryo na kesyo "naglalandian" daww kami sa oras ng trabaho.

"Walang kami ni Marvin, matagal ko na itong nilinaw sa inyo sir" Medyo may pagkairita kung sambit dito marahil hindi ko nagusto ang sinabi niyang "naglalandi"

Ayoko ng tinatawag akong malandi.

Padarag niyang binaba sa lamesa ang pinaglalaruang bollpen.

"Hindi ito ang unang beses na makarating sa akin ito Fatima, satingin mo ba maniniwala ako sayo?"

Sa tono ng boses nito ay parang nakikipag biruan lang ako at tila nahuli niya talaga akong nagsisunungaling sa kanya.

"Hindi ko sinabing paniwalaan niyo ako, basta ay sinabi ko ang totoo at kung ano man yang nasagap niyong balita galing sa mga chismosa niyong empleyado ay labas na ako dun!"

Madilim na pagod ako sa maghapong trabaho hindi ko kailangan ng isang pangaral na purong galing sa kasinungalingan.

Tumayo ako sa kinauupuan ko pagkatapos ay hinarap ang boss namin nang puno ng pagkadismaya ang mukha.

"Sir Dome, ikaw ang nakakataas dito dapat alam mo na kung sino ang nagsasabi ng totoo at sa hindi" Iling iling kong sambit pagkatapos ay nilisan na ang lugar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sex Lang Ang Habol Niya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon