Ken's
Isang linggo na ang lumipas. January 1 na bukas, pero parang hindi kumpleto bagong taon ko—namin dahil wala na naman siya. Iniwan na naman niya kami
Minsan gusto ko siyang sumbatan, sapakin hanggang sa magdugo na yung mukha niya pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil siya pa din yung tatay ko. Na kahit anong gawin niyang pagiwan samin, nananatili pa din yun dugo niyang dumadaloy sa dugo ko
"Dude bat ka nandito? salubong na mamaya ha?" tanong ni Aiden
Diko sinagot yung tanong niya. Alam na niya yun kung bakit ayokong sagutin "Tara basketball tayo"
"Game"
Nag one on one lang kami. Magtithree point shot na sana ako ng biglang nakita ko si Patchot kasama si Jhared
"Ano nangyari sayo dude?" tanong ni aiden. Tinignan naman niya yung tinitignan ko "Oh"
"Tss" diko nalang sila pinansin at shinoot yung bola pero sablay kaya kinuha ko ito at shinoot ulit
"Aiden!" diko na sila pinansin at naglaro na lang ako pero nagulat ako ng tawagin din ako ni Patchot "Ken"
Tinignan ko lang siya pero nanlaki mata ko ng akbayan siya ni Jhared "Kamusta kana pre?" tanong sakin ni Jhared
"Okay lang" sagot ko at tumalikod na ulit
"Status niyo pre?" tanong ni Aiden kay Jhared. Nakatalikod ako sa kanila kaya hindi ko makita itsura nila
Bakit naiinis ako? Ugh dapat hindi ko mafeel to. Nireject niya ako at magkaibigan na kami ngayon. Pero bakit ganto? ugh!
"Hmm. Friends" natatawang sagot ni Jhared. Tss bangasan ko mukha niya eh
"Are you sure? hahahaha sa tingin ko hindi lang FRIENDS yan"
"Hahaha. Joke MU" nabato ko nalang yung bola sa ring buti nashoot. Umupo muna ko sa bench. Mapansin ko namang nakatingin sila—siya sakin
"Good luck sa inyo" out of nowhere yun ang lumabas sa bibig ko
"Thanks pre"
Kinuha ko yung phone ko para tawagan si Katrina. Almost 1 week ko na din siyang hindi nakikita. Kamusta na kaya yun?
"Kat?"
"Oh? napatawag ka?"
"Kamustahin ka lang sana. Di kana nagparamdam this whole week eh"
"Sorry. May inayos kasi ako eh. Balak na kasi naming bumalik sa states for good"
"Ah kailan alis niyo?"
"By next week. Bakit?"
"Are you free tonight?"
"Sorry nandito ako sa province namin eh. Dito kasi kami magcecelebrate ng new year"
"Ah okay, By the way. Ingat ka dun ha? Wag moko kakalimutan loko. Baka naman pagpalit moko dun?" natatawa kong tanong
"Baliw! Syempre hindi. Ikaw lang ang boy bestfriend ko"
"Good hahaha"
"Ang bossy mo talaga contreras tsk" natawa nalang ako sa sinabi niya "Oh tinatawag nako ken. Kamusta mo na lang ako kila Tita at ate cheska. Ingat ka din! Happy new year"
"Sige ikamusta mo din ako kila Tita't tito. Happy new year din" pinatay kona yung call. Napatingin naman ako kila Patchot—sa kamay nila
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Boyish
Novela Juvenilonce upon a time... the badboy fell in love with a boyish girl, impossible right? but now a days its possible