Chapter 01

235 5 0
                                    


Nakasakay ako ngayon sa tren papunta sa bago kong lilipatang apartment, malapit sa papasukan kong university. Php 4,000 lang kada buwan ang upa kaya hindi na ako nag-alangang kunin lalo na karaniwang mahal dito sa Manila.

Mura, may sarili pang kwarto at CR sa loob, 'yun nga lang may mga kahati raw ako. Masuwerte na rin kahit pa hindi ako komportable na may kasamang iba, dahil ang nabalitaan ko, limang libong piso o higit pa ang upa sa sobrang liit na kwarto tapos buong floor pa ang maghahati sa isang CR.

My head automatically turned when I felt something on my behind that was covered by the jeans I'm wearing. Hindi naman lingid sa aking kaalaman kung ano ang maaaring nangyari. I'm aware of how dangerous Manila can be. Marami na akong narinig, nabalitaan.

Nabungaran ko ang isang may katabaang lalaki na nasa tantya ko ay nasa 40's na ang edad. Busy itong nakatutok sa cellphone.

Napatikom ako ng bibig nang maisip kong baka aksidente lang ang nangyari at itanggi lang ng lalaki kung kokomprontahin ko sya. Baka sa huli, ako pa ang mapahiya. Isa pa, I don't want to attract the attention of many. That would be more uncomfortable. Actually, I just really can't find my voice to speak. That's just who I am, a non-sociable person.

Kinalma ko na lang ang sarili at lumipat sa isa pang handle palayo sa lalaki. And to make sure, hinarang ko ang dalang baggage na may lamang mga gamit ko sa pagitan namin. Pero ng makita sa peripheral view na pasimple ring umusad ang lalaki palapit sa akin, humarap ako dito upang maging alert ako kung may gawin man sya nang biglang may bumunggo sa balikat ko.

"I'm sorry, I got out of balance." paumanhin ng isang lalaki na bumangga sa amin ng matabang lalaki. Sa tantya ko ay halos kaedaran ko lang s'ya. Yumuko pa ito para humingi ng paumanhin sa lalaki na halatang naiinis.

"Sa susunod, mag-ingat ka bata para wala kang naiistorbo." inis na tugon ng matabang lalaki bago lumayo. Dahil sa nangyari ay may pailan-ilang pasahero ang napatingin sa gawi namin.

Humarap naman sakin ang lalaking na bumunggo kanina habang nakahawak sa handle. Gwapo. Iyon ang unang pumasok sa isip ko ng makita ang mukha nya.

Bahagya s'yang nakayuko dahil mas matangkad sya kumpara sa'kin.

"Pasensya rin sayo, Miss. Are you okay?" tanong niya, marahil ay dahil sa pagbunggo nya.

"I-Im alright." may kahinaan at nauutal kong sabi, sapat lang para marinig nya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa hiya. Marahil dahil na rin sa mga pasahero na nakatingin pa rin sa amin.

Ilang minuto na ang nakakalipas, may pa-ilan ilan pa ring nakatingin, kadalasan ay babae at mukhang dahil iyon sa katabi ko.

Muling nagawi sa gwapong lalaki ang tingin ko. Nakaharap parin sya sa'kin pero ang tingin ay nasa nakasarang pinto ng tren.

I'm hesitant to broke the silence between us and say thank you. Dahil sa kanya, hindi nangyari ang inaalala ko kanina.

My thoughts were interrupted when I heard a sound, followed by the opening of the train's door. Kasunod din no'n ang pagpasok ng maraming pasahero.

Muntikan na kong matumba nang matulak sa daloy ng tao kung hindi lang sa braso na umalalay sa bewang ko. Patuloy ang pagpasok ng mga tao hanggang maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa kabilang pinto na nakasara.

Sinulyapan ko ang lalaki na umalalay sakin. He's the guy from earlier and his eyes is also on me. Nakatukod ang kanang kamay nya sa pader na nasa likuran ko para hindi n'ya ako maipit. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mapagtanto ang pwesto namin.

"Are you okay?" he asked worriedly.

"O-o" sagot ko pero mukhang hindi sya kumbinsido.

"Gives some space! Sh-t! Stop pushing!" Reklamo nya sa nakapaligid sa'min pero walang sumagot at nangyari. Siksikan pa rin. Mukhang walang nakarinig sa kanya dahil sa kanya kanya ring reklamo ang mga ibang pasahero sa sobrang siksikan.

LIVING WITH HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon