Chapter Soundtrack: You & I by: Kim Jong Wan
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 34
Akala ko noon, ang weirdo at ang oa lang nung mga magboyfriend at girlfriend na lagi kong nakikita sa mga mall. I would never imagine that the things that makes me cringe before, would make me feel happy and warm today.
Sinulyapan ko ang kamay namin ni Jasper na magkahawak habang naglalakad kami sa mataong mall. May mga nadadaanan kami mga tao na naguusap-usap tungkol samin ngunit hindi nalang namin iyon pinapansin. Ayoko masira ng mga ganoong bagay ang masaya naming araw ni Jasper.
"Where do you want to eat?" Tanong niya nang matapos kaming magikot-ikot.
Wala naman kaming binibili actually, nagiikot lamang kami sa mga boutique.
"Uh, pwede ba sa fast food nalang?" Tanong ko sa kaniya. Baka kasi sa mamahling resto na naman kami kumain nito.
Tumango siya. "Wherever you want." Sagot niya.
Sa isang fast food chain kami nagpunta. Dahil lunch na rin, ay marami na ang tao sa mga kaninan at halos punuan na rin.
"Find a seat, ako na ang oorder." Sabi niya sa akin na kaagad ko namang sinunod.
Naghanap ako ng upuan sa punuang fast food chain. Luckily, may nakita ako isang table na mababakante ng isang grupo ng kabataang kakatapos lamang, malapit sa glass wall ng restaurant. Duon ako kaagad naupo, at hinintay si Jasper na makabili.
Pinagmasdan ko lamang siya habang nakapila roon. May mga teenager na babaeng nakasunod sa kaniya sa pila na halatang kinikilig dahil sa kaniya at panay ang panakaw nilang tingin sa kaniya.
"Excuse me?"
Mula kay Jasper ay napatingin ako sa taong nasa harap ko.
"Yes?" Sagot ko dun sa lalaking nasa harapan ko. He looks foreign, maykatangkaran siya, maputi ang balat niya, matangos ang ilong at kulay brown ang mga mata niyang napapalibutan ng dalang ngunit mahaang mga pilikmata.
"Uh, p-pwede ba kaming maki-share ng mesa ng kasama ko? D-dalawa lang kami." He shyly said.
"Ah sure, sige ayos lang." Sagot ko. Pang apatan naman ng table kaya kung dalawa lamang sila ay kakasya kami.
"I'm E-eli." Nahihiya niyang pakilala sa akin nang makaupo siya sa katabi kong upuan.
Mukha siyang matangkad sa akin, ngunit pakiramdam ko ay mas matanda ako sa kaniya.
"Ryu." Pakilala ko naman sa kaniya. Tipid siyang ngumiti at tumango.
"I know. I-I mean kilala kita. Writer ka University 'di ba?" Sagot niya.
Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Kung gayon ay school mate pala kami.
Nahihiya akong ngumiti sa kaniya. "A-ah, ganun ba?"
Magsasalita pa sana siya para sumagot nang may sabay na naglapag ng tray ng pagkain sa mesa namin.
"Jasper/Keanno" Sabay naming sabi.
BINABASA MO ANG
The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)
RomanceVARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love) theme, which includes romantic relationships between male characters. If this genre is not to your preference or you find it uncomfo...