Chapter 18.

10 1 0
                                    

Napahawak ako sa noo ko ng matapos kong basahin ang weird na text galing kay kuya. Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto niyang sabihin dahil magulo ang pinadala niyang mensahe sa akin.

Gulat akong napatingin sa likod ko ng may biglang mag salita.

"I can solve that." Saad niya habang nakatingin sa hawak kong cellphone, nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya.

"What are you saying? It's just a text from my brother, and wait bakit ka nandito?"

Itinaas niya lang ang kilay niya sa akin, pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko at bigla akong hinila. Tulad kanina ay naramdaman ko na naman ang kakaibang kiliti or kuryente ng hawakan niya ang kamay ko, another weird thing to me, ano bang nang-yayari sa akin. Babawiin ko na sana ang kamay kong hawak niya, ng mas lalo niya itong hinigpitan.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko

"Rooftop." Tipid niyang sagot

Rooftop? Pinapaalis niya ako doon kanina, tapos ngayon ay basta niya nalang akong hihilain para bumalik doon, ang gulo din ng lalaking ito.

Sa sobrang laki ng hakbang at bilis niyang lumakad ay agad kaming naka balik sa rooftop. Pagdating namin doon ay agad niya ng binitawan ang kamay ko.

Dumiretso siya sa isang lumang pinto na ngayon ko lang napansin, binuksan niya ito at pumasok doon. Pag labas niya ay may buhat na siyang isang kahoy na lamesa at isang kahoy na upuan. Iniayos niya ang mga ito sa gitna ng rooftop at ng matapos ay umupo siya isa sa mga upuan at tumingin sa akin.

"Come here." Tawag niya sa akin

Lumapit naman ako agad sa kaniya at umupo din sa kahoy na upuan na katapat niya.

"Give me your cellphone." Utos niya sa akin

Nag-tataka man, bukal sa loob na iniabot ko ito sa kaniya. Pag-kakuha sa akin ay agad niyang binasa ang text sa akin ni kuya.

"Kung titignan isa itong weird na text, pero kung iintindihin at susuriin mo siya, may mahalagang message na nakapaloob dito."

"How sure are you?"

Hindi naman niya ako sinagot sa tanong ko, ngunit naglabas ito ng isang malinis na papel at isang ballpen. Pinapanood ko lang siya habang isinusulat niya sa papel ang mensahe ni kuya. Nang matapos siya ay pinakita niya sa akin ito.

'Erin someone buy a pesticides because want to kill rats. I know your sulk to me so please don't. I want to leave but Mom will be mad to me. Where is your conscience you just leave me here in the dark. Are you angry or not? Can you stay in your room in one hour and don't leave there.2.7.8.9.13.17.19.23.31.35.43.50.60'

"Read it carefully and examine."

Tulad ng sinabi niya ay binasa ko ito ng mabuti, ngunit tulad kanina ay hindi ko ito maintindihan. Lalo na ang mga numbers na nakalagay, para saan ang mga iyon? Hindi naman iyon cellphone number dahil may tuldok sa bawat pagitan.

Umiiling na tumingin ako sa kanya, at tulad ng lagi niyang ginagawa ay tinaas niya lamang ang kilay niya sa akin.

"Listen carefully to me Bella, this message forwarded to you has a important message that contained. This is not just a weird message. Look on numbers. These numbers are connected to this message, it can help us on how we obtained the real message of your brother."

Tinignan ko naman ang mga numbers na itinuturo niya, sa totoo lang ay hindi ko ma-gets kung anong gusto niyang iparating sa akin.

"Paano naging connected ang mga numbers na ito sa message?" Naguguluhang tanong ko

JAIL ACADEMY (On-going)Where stories live. Discover now