Therra P.O.V.
Nang makarating sa dalampasigan ay umupo ako sa buhangin na parang nawawalang bata
" I been trying all my life, to seperate the time, From having it all and giving it up🎶 " Mahinang kanta ang pinagplay ko sa aking telepono
Yumuko ako at ipanatong ang aking ulo sa aking tuhod at doon lumabas ang mumunting hikbi galing saakin
At unti unting bumalik saakin ang konting ala-ala ng nakaraan ko
Flashback
Habang nakaupo kaming dalawa sa harap ng dalampasigan ay nakangiti akong pinapanood ang mga kaedaran naming maglaro sa alon ng tubig
" Kapag lumaki na tayong tatlo gusto kong bumalik dito " Pahayag ni Haze kaya nakangiti akong tumango upang sumang ayon sa kanya
" Oo nga dapat sabay tayong tatlong bumalik dito Magiging malungkot kung hindi di ba heon?" pahayag ko sabay tanong kay heon kaya napatingin kami ni haze sa kanya kaya lumingon ito saamin
" Oo naman we shouldn't come here without each other ang bumalik dito magisa panget" Nakangising tawa nito kaya bilang normal na bata ay napatawa kami ni haze
" Pag lumaki ako dapat dito ako magpapatayo ng bahay titira kaming dalawa ni Therra" Natutuwang saad nito pero umungot naman si heon
" Hindi pede haze bawal magkasama ang babae at lalake sa iisang bahay bad daw yon sabi ni mommy" Saad nito kaya napaisip si haze
" Ganon ba? Edi tayong tatlo na lang gagawa tayo ng playground para may mapaglalaruan tayo paglaki" Saad pa nito kaya pumalakpak ako tumango tango
" Haze san ka pupunta?" Tanong ko ng bila itong tumayo
" Malalaro lang ako doon kila mommy " Paalam niya kaya tumango ako tahimik naman kaming nakaupo ni heon sa buhangin
" Heon Hindi ka maglalaro ng tubig?" Tanong ko umiling lang ito saka tinignan ako
" I'll be back before the summer is over" Saad niya kaya napatingin ako sa kanya
" Baket? San ka pupunta?" Tanong ko
" Aalis kami nila mommy pupunta kaming abroad bibilhan kita ng maraming tsokolate pagbalik ko" Pagmamayabang niya kaya napangiti ako
" talaga? Marami? Sige basta bilisan mong bumalik ha para may kalaro kami ni haze" Saad ko kaya tumango tango ito
" Wag mo kong kakalimutan ha! Dapat ako lang ang gusto mo hanggang bumalik ako promise mo?" Dagdag saad ko pa kaya ngumiti ito at tumango at ilinapit ang hintuturo niya sa aking hintuturo at pinagdikit ang aming noo
" Pinky swear, Forehead promise" Nakangiting saad niya
" Wag mo kong ipagpapalit kay panget na haze ha!" Saad niya kaya tumawa na lang ako at nagtatakbo papalapit kay haze para isumbong si heon dahil tinawag niya itong panget
" Mga Bata sumakay na kayo uuwi na tayo" Saad nila tita kaya sumakay kami nila haze at heon kasama ang tito ni heon
" Tito sasama ka rin ba kay heon sa abroad?" Inosenteng tanong kaya napangiti ito
" Oo kailangan sumama ni butler tito kase walang magsasaway kay heon " Malungkot ring saad nito kaya napanguso ako
" Paano si Dada? Ayaw niya kong kalaro pag wala kayo butler tito" Saad ko pero ngiti lang ang sinagot nito
Pagkatapos ng usapang iyon ay nagkakanta kami nila heon tska ako kumaway kila mommy sa bintana
" Mommy" Tawag ko ng nakangiti ng bilang may sumalpok sa sasakyan namin nila heon at bumaligtad ng paulit ulit ang sasakyan
BINABASA MO ANG
Trapped into Bad Girl's Love [Completed]
JugendliteraturCién University isang prestigous school kung saan mga matatalino at mapeperang istudyate ang mga nakakapasok sa paaralang ito Anong mangyayari sa paaralang ito kung makapasok ang pinaka walang galang at masungit na babae sa loob ng paaralan? Hindi...