PROLOGUE

95 4 1
                                    


" CHEERS!!! "



Sabay na sigaw ng iilang mga tao sa kabilang table. Napalingon ako dito. Halos karamihan sa grupong yon ay mga lalaki





" isa, dalawa, tatlo... " bulong ko sa sarili nang maisipan kong bilangin ang mga lalaki sa kabilang table, nang may bumasag sa pananahimik ko





" hoy! Celine, okay ka lang? " kasabay ng pagtatanong nya ang pag-upo nya sa tabi ko.





" I'm doing fine, before ka dumating " pagtataray kong sagot. Muli kong ibinalik ang tingin sa kabilang table





The girl who sat beside me was Carly. One of my Bestfriend here in Manila, we're both studying tourism in the same School and pareho kaming varsity player sa isa sa pinakasikat na Univeristy. From the word SIKAT, not to boast it but yes! We're famous in the field of sports industry which is Volleyball. Grabe naman kasi ang wave ng mga fans at supporters nationwide, when it comes to sports and dahil na rin siguro sa galing at husay ng mga unang manlalaro





" grabe ka! Pinapatanong kasi ni Sydney if mag-e-enjoy ka daw ba or iuuwi ka nalang namin? " napataas ang kilay ko sa sinabi nya, but not because of her. someone's caught my attention sa kabilang table





" ano ba kasing tinitingnan mo? " I heard her asking





" look at that person, familiar sya... hmmm? Saan ko nga ba sya nakita? " I blurted. iniisip kung saan ko nga ba nakita or nakilala ang taong yun





" sa daming tao jan sa table na yan, sino ba jan ang tinutukoy mo? " she asked. Halos magdikit na ang mukha naming dalawa sa kaka-usisa nya sa taong tinitingnan ko. Napaisa ang nguso ko at napatingin sa kanya





" alam mo ikaw? Pang-gulo ka eh! " tinabig ko ng slight ang ulo nya papalayo sa mukha ko.






" hay! Ewan! Take this shot nalang tapos d'on na tayo sa dance floor, everyone is waiting for us na " iniabot nya ang nag-uumapaw na shot glass sa'kin. Tinaasan ko pa sya ng kilay, but in the end wala rin akong nagawa kundi ang tanggapin at inumin ang alak na inaalok nya






" nice one celine!! woooahhh!! let's go baby girl, let's enjoy the night " she said. Sabay kaming tumayo at pasayaw na naglakad papunta sa kinaroroonan nila Sydney.






Halos grupo rin kaming nandito ngayon. We're celebrating, because isa ang team namin sa mga Volleyball team na nanalo sa UAAP (University Atheletic Association of the Philippines. One of famous Atheletic Association na nagpapaliga sa bansa) hindi man kami naging champion, but atleast we've got the Silver Medal. Nagbunga ang pinaghirapan namin ng halos isang taon.






" Finally you're here " a guy approached me. Ramdam ko ang paghapit ng kamay nya sa bewang ko, ganun din ang pagkapit ng pabango nyang nakaka-babae





" kailan ba ako nawala? " I smirked. I looked at him seductively and he answered me with the same hotness, when he bit his lips infront of my face






As one of the famous girl in the campus. Of course! I was used to it, hindi sa pag mamalaki pero    marami-rami rin ang pumipila para makuha ang matamis kong YES! Araw-araw akong nakakakuha ng attention sa iba't-ibang tao, mapalalaki man yan or girl. And I rejected alot of them already, not because of " I'm maarte " or " I'm picky ", pero hindi ko pa talaga FEELS! Alam nyo yun? Ayoko naman na magpaasa ng damdamin ng iba, so ekis! Agad. Hindi rin syempre mawawala ang mga naiinggit sa paligid, jusko! sa dami ng flowers, chocolates and love letters na natatanggap ko everyday, ganun din karami ang masasakit na salita na ipinapaabot ng mga haters ko all over the campus. Kahit nga taga ibang campus      nakiki-hate din.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY PRETTY KATIPUNEROWhere stories live. Discover now