YEHHEEESSS! Natupad din ang pinapangarap kong pagpunta sa beach! Mga two weeks din yun after nang mabuhusan ako ng malamig na shake. Nabibwisit talaga ako kapag naaalala ko yung pagmumukha ng bwisit na lalaki na yun. Pasalamat siya at gwapo siya kaya sigaw lang ang aabutin niya sa akin kapag nagkita kami.
Well, reunion kasi ng mga friends ni Mama nung college. Nag-upgrade na. Kasama pa rin sila Tito Andrew kasi syempre friend yan ni Mama at ng mga kaibigan niya nung college. Bestfriends nga sila di ba? Yung may-ari daw ng resort ay boss ni Tita Cathy. Wow. Sosy.
Sinama ko si Jasmine kasi si Cyrus sinama si Nadine. Ewan ko nga ba. Buong summer ata kaming hindi nag-uusap. Dahil kaya yun sa nangyari nung basta. Basta matagal na yun. Baka naiilang siya sa akin? Woah!? Baka naman napagtanto niya na ako talaga ang mahal niya. Whatever to me. Nangangarap na naman ako ng wala sa lugar.
"Bespren! Kanina pa kita hinahanap. May nakita akong Fafa kanina." Hay naku. Boy hunting na naman ang modus operandi niya. Hindi siya nagdalawang isip nung nalaman niya na isasama ko siya. Maganda daw kasing lugar ang beach para maghanap ng mga Papa. Infairness, ang dami nga.
"Hindi ka ba titigil diyan. Oo na, hindi naman ako bulag di ba?"
"Hay naku. Hindi lang naman ako sumama dito para maghanap ng lalaki. Syempre gusto din kitang aliwin kasi tingnan mo yun. May dalawang lovers doon na nilalamok na sa sobrang sweet. Gusto ko na talagang masuka."
Haha. Langgam=lamok. Imbes na langgam ang sinasabi namin ginawa namin lamok. Tapos kapag may sweet sa classroom namin may sisigaw ng mag-spray tayo ng baygon! Ang daming lamok. Hindi yun alam ni Cyrus kasi isa siyang lalaki. It's a girl and gay thing you know? Haha! Alam din siguro yun ni Nadine kaya ang sama ng tingin niya sa akin dati.
Napabuntong hininga na lang ako nung nakita ko si Nadine at Cyrus. Mukhang ang saya-saya nila doon. Bwisit naman kasi na puso yan. Hindi ko naman sinasadya na mainlove sa kanya. Napabuntong hininga na lang ulit ako.
"Haaaayyy"
"Ano ba yan. Para ka namang namatayan. Pero napansin ko din na parang mas lalong naging sweet si Cyrus kay Nadine" Tapos tiningnan niya ako.
"Selos ka naman?" Psh.
"WHATEVER!!!!"
"Hahaha. Hindi mo naman kailangang sumigaw. Okay. Tutulungan kitang maghanap ng pag-ibig." Tumanggi ako kaya lang nagpumilit siya "Tumigil ka nga! SIge hindi ako makikialam kung sasabihin mo kay Cyrus yung feelings mo" Napayuko na lang ako. "Kitams. Kaya hayaan mo akong makialam. Wag ka ng umayaw. Saka nararamdaman ko na nandyan lang sa tabi-tabi ang prince charming mo."
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Подростковая литератураNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?