Chapter 6
Hailey's bursting into tears while laughing and Cain was just sitting there beside her, nakasimangot.
"Sinasabi mo ba talaga na itong ganito kagwapong lalake makikipagkompitensya ka?", she laughed again and shoved my phone to Cain's face.
Iniwas ni Cain ang mukha niya roon at inirapan si Hailey.
"I'm not competing against that old guy, okay? Ilang taon lang ba itong si Adi? She's turning 14 on Feb at ako naman ay turning 15 na. Kami ang magkamatch ng age at ang lalake na 'yan... ilang taon na ba 'yan, Adi?"
"He's turning 20 on December"
"Oh matanda na nga! Hindi 'yon pwede dahil masyado 'yong matanda para kay Adi", Cain said and Hailey rolled her eyes at her cousin.
"Bakit, wala naman akong sinabing ngayon sila magiging magjowa ah? Bata pa naman talaga si Adi pero tingnan mo naman ang mukhang 'yan, Cain! Hindi pa siya talagang ganap na dalaga pero mas maganda pa sa seniors natin! Paano na kapag naging 18 na 'to?"
"When that time comes, I'll be her boyfriend"
"Sa tingin mo naman ay papayag ako? Maghanap ka na lang ng iba", Hailey said and I sighed. Why are they fighting over this?
"Wala naman talagang competition. Rafael is like a brother to me"
"Kita mo na? 'E ako ano ako?"
"You're my friend, Cain", I said and Hailey laughed again.
"My dear cousin! Maghanap ka na lang ng iba dahil ngayon pa lang ay friendzoned ka na! Aalis na kami ni Adi dahil siksikan na naman sa elevator mamaya paakyat. Bye na! Salamat sa libre!"
Hinatak na ako ni Hailey papuntang classroom tapos ay nagtanong pa siya sa akin tungkol sa kay Kuya Ashton.
"Wala bang girlfriend ang Kuya Ashton mo?"
"Wala. He's busy with his studies"
We continued talking about my Kuya Ashton. Hindi naman palatanong si Hailey about kay Kuya Ashton dati pero simula noong nakita niya ang story ko at naging friends sila sa Facebook, she became curious about him.
"Hailey, do you have a crush on my cousin?", I asked.
"Sinong pinsan ba?", she giggled. I knew it!
"Si Kuya Ash"
"Hmm... napopogian ako. Hindi ko pa sure kung crush 'no! At tsaka marami akong crush, Adi", she winked at me.
Ganoon pala 'yon? Akala ko dapat isa lang din ang crush katulad ng boyfriend or girlfriend. Pwede rin pala na marami?
"Kapag crush ba... iba ba 'yun sa napopogian? Iba rin ba 'yun from someone you like?"
"Oo naman! Pwede namang na-appreciate mo lang 'yung hitsura ng tao kaya napopogian or nagagandahan ka 'di ba? Pero 'di ibig sabihin 'non na crush mo na! Pwede rin namang crush mo 'yung tao kaya may kilig kang nafifeel kapag nakikita mo siya or nakakausap. At iba ang like! Medyo mas malalim 'yon sa crush. Basta... magkakaiba sila"
I didn't ask further because I kinda get what Hailey is saying. I am surrounded by handsome men: Xythos, Theo, Rafael, Naxus, and Pierson. I also find David extremely handsome! Pero kahit ganoon, wala naman akong crush sa kahit sino sa kanila.
I've never really had a crush on someone. Tama naman si Hailey na it's normal to appreciate a person's beauty and I often do that pero hanggang doon lang naman 'yon. From what I learned from Ate Sam's stories, Hailey's experiences, and even from the books I've read and series I've watched, one's heart starts to pound and race like crazy when they have feelings for someone.
BINABASA MO ANG
The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)
RomanceAdi, a child from a family of politicians in Batangas, grows fond of Rafael, her late cousin's closest friend. As their lives intertwine, Adi realizes that her life will always be chaotic. But she found serenity in her new found friend, Rafael. Adr...