Chapter 11

28 1 0
                                    



"Hi My One" -Miko. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Hinaplos ko ang mukha niya. Natulala siya at lumapad ang ngiti nito. Tsaka ko pinisil ng sobrang lakas.


"My One your face.. may kasalan ka pa sakin Miko!" Pakunwari inis ako pero sa totoo lang masaya ako kase kasama ko siya ngayon.


"Ouch..ano nagawa ko?" Pagtataka niya. Hindi ko siya pinansin. Napahimas himas ito sa pisngi niya. Nanlaki mata ko nung nakita ko nagmarka ang daliri ko sa gwapo niyang mukha.


"Gosh..Miko!" Autumatic na hinaplos ko ang pisngi niya. Para naman akong sira. Ako itong pumisil pero mukhang ako pa ang nasaktan nung makita ko ang pula marka.


"Sorry"- Miko.


"Eh?" sasabihin ko pa lang sana ang Sorry na word pero na una na siya.


"Sorry kung may nagawa man akong kasalan, my One" malungkot na wika niya. Hinaplos naman nito ang mukha ko habang hinahawi ng isa niyang kamay ang buhok ko.


Napahiga ang mukha ko sa palad ni Miko at wari pinapakiramdaman ang napakalambot niyang palad. I just smile. Napaka swerte ko naman to have Miko. Hindi ko pa sinasabe kung ano kasalan niya. Agad agad na siya humihingi ng tawad.


Hay sa totoo lang naman wala naman nagawa kasalanan si Miko. Gusto ko lang naman sabihin na.


"Isa lang naman kasalanan mo sakin Miko." Tinuro ko ang mga eyebags ko.


"Eh?"-Miko.  Di niya ma gets ang point ko.


"Wala ka ba napapansin sa mukha ko?" Umiling iling siya. Napataas ang isa kong kilay. Seryoso siya? 


"Tignan mo kase Miko. Seryoso ka wala kang napapansin?" Inilapit ko pa ng todo ang mukha ko sa mukha niya. Hanggang sa natahimik ako dahil umiwas ng tingin si Miko. Nakita ko pa ang adam's apple nito na gumalaw,napalunok ito. Umiwas siya ng tingin nung napatingin siya sa mga labi ko. I saw his ears na namumula. 

Bahagya ko nilayo ang mukha ko sa mukha niya. Naramdaman ko namumula ang mukha ko ngayon. Gosh Nichole, ang awkward naman nito. Lakas ng kabog ng dibidb ko. Kaya tumalikod ako sa kanya. Ilang segundo lamang. Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Miko sa likuran.


"Di mo lang alam how grateful I am na mahalin mo,Nichole" wika ni Miko.  Shete, mas lalo ata ako namula ang buong pagmumukha ko dahil sa mga sinabe niya.  Hinawakan ko ang mga kamay niya.


"Ganun din ako Miko"- mas lalo humigpit ang takap niya sakin. Ilang minuto kami naka ganon position. 


"By the way my One, ano pala kasalanan ko?" muntik ko na makalimutan iyon. Humarap ako sa kanya.


"Nakikita mo ba yan eyebags ko?" tinignan ng maigi ni Miko ang mga mata ko. Ang ganda ng mga mata ni Miko at ang haba ng pilik mata nito.


"Bakit? ano ba ang nangyare?" patuloy niya tinitignan ang mata ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

May AIDS ako?! [ONGOING STORY] by JwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon