He kissed me!
Zathrian Blaz Orozco kissed me for the second time around but this time... without me asking it! Without the dare! Without the alcohol! Without the revelry!
He kissed me... for whatever reason! And here I am smiling while thinking of it. Bakit 'yon nanghalik? Type ako? Sabi niya never siya magseselos, ah? Sabi niya 'di niya ako gusto! Ba't nanghalik?
Hmm... duda na ako sa'yo, Orozco.
Nakaayos na ang bag ko ngunit hindi pa rin ako tumatayo sa pwesto. Paniguradong naghihintay na si Zathrian sa labas pero hinayaan ko muna. Iniisip ko pa kasi ang halik niya! At ang galing din no'n, ah? Matapos akong halikan, biglang lumayas?!
Tama ba 'yon, ah? Tama bang ginagawa niya sa 'kin 'to? Hindi 'yon tama kaya tumayo ako, natatawa na sa kagagahang naiisip ko.
Lumapit ako sa counter at umorder ulit ng cinnamon roll. Dalawa 'yon at pinatake out ko. Isa para sa 'kin at isa para kay Mama. Habang hinihintay na mabalalot 'yon, nakatanggap na naman ako ng text kay Zathrian. Mayroon din galing kay Chalmer.
Zathrian:
Cahira, labas na.
Chalmer:
Nasundo ka na ba ni Zath? Nasiraan ako, eh. Saya mo ngayon, 'no? Pasalamat ka sa akin.
I let out a chuckle and typed in my reply. Bahagya ko pang kinagat ang labi at naalala na namang nakalapat ang labi ni Zathrian sa 'kin kanina! Damn, I'm never a sucker for kisses but... take two, please?
Many takes, please?
Una kong nireplyan si Zathrian.
Ako:
Wait lang, babe.
At oo, sinadya kong tawagin siyang ganoon kasi why not? Doon din naman kami papunta, sus! Hinalikan na nga ako, oh!
Sunod ko namang nireplayan si Chalmer.
Ako:
Sana lagi kang nasisiraan. 'Yan pinakamagandang nagawa mo sa buhay mo.
Chalmer:
Wala ka talagang kwentang kausap.
Natawa na lang ako at binaba na ang phone. Saktong inabot na 'yong order ko kaya nagpasalamat na lang ako at naglakad na papalabas. Ngiting ngiti ako samantalang kunot noong Zathrian ang sumalubong sa 'kin. Maangas siyang nakasandal sa kotse niya at nakahalukipkip. I saw some girls looking and drooling over him. Napailing ako at mas natawa bago tuluyang lumapit sakaniya.
He stood up straight and faced me. Bahagya akong nakatingala dahil 'di hamak na mas matangkad siya sa 'kin. Pinakita niya ang phone niyang nakabukas at ang text ko kanina. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
"What did you just call me?" He asked.
Tumaas ang kilay ko at bahagyang ngumuso. "Hindi ka ba marunong magbasa? Bakit tinatanong mo pa?"
"Cahira..." Nagbabanta niyang aniya.
I rolled my eyes. "Babe! I called you babe! So what?"
He scoffed and opened the door for me. "Corny."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya! Umalis na siya sa pwesto at umikot papasok sa driver's seat. Wala akong nagawa kundi pumasok na rin. Agad kong sinuot ang seatbelt at pinatong ang paperbag na dala sa kandungan. D'yan ka muna, cinnamon! Malaki ang maitutulong mo sa 'kin mamaya.
"Ano bang gusto mong tawagan? Baby? Love? Honey bunch? Sugar pie?" Natatawa kong saad ng mga options na pagpipilian niya.
Sinuot na rin niya ang seatbelt at nagsimula nang magdrive. Napapailing siya sa mga sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
Bottoms Up, Forget Tonight (Revelry Series #2)
RomanceCahira Balviera refused to let the wounds of her past extinguish the flame of hope in her heart. Even after everything, she knew that love still existed. And on that fateful night at the revelry, as she was about to bottoms up her drink and forget a...