Ang pagkamatay ni Hylia, bow.
Nahimatay si Hylia at inihiga na siya ni Chronos sa lugar na alam niyang pinakasafe para sa natutulog na kaluluwa. Habang wala sa consciousness ang dalaga ay nakatitig lamang si Chronos sa kaluluwa at hinihintay na magising ito.
He caressed her face at hinawi ang buhok nito sa mukha niya at inayos ang damit para hindi maexpossed ang katawan nito. Binalot niya rin ito sa kumot dahil alam niyang mamaya ay lalamigin nang sobra ito.
Habang walang malay si Hylia ay 'yon ang pagkakataon para maalala niya ang lahat ng nangyari sa buhay niya pagkatapos makalimutan ito sa haba ng panahong nagtrabaho siya sa lugar kung saan walang oras.
Dapat hindi nagquit si Hylia sa trabaho niya. Alam niyo ba ang trabaho niya? Intel siya sa kalabang kompanya nila Ylac. She was personally picked by Ylac dahil una niyang napatunayan na si Hylia yung tipo ng babaeng gagawin ang lahat para mapasaya siya. Hylia was clueless since she was blinded by her love for him.
Kapag nagquit na siya sa kalabang kompanya ni Ylac ay hindi na siya kakailanganin ni nito kasi ginagamit lang siya nito. The thing is alam ni Hylia na nangunguha siya ng impormasyon sa kalabang kompanyang iyon pero sa isip niya ay normal lang ito. Hylia was naive. She doesn't know the evil in every people in this world. She was pure minded, akala niya ginagawa niya iyon para lang tulungan si Ylac at hindi naman masama ang ginagawa niya.
That explains why Hylia was easy going at halos lahat ng thoughts niya ay kung saan-saan napupunta.
Dapat pinagpatuloy niya lang hanggang sa siya ang pakasalanan ni Ylac kasi isang araw matapos no'n ay sasabihin ng lola ni Ylac na kailangan nito ng tagapagmana. Kaya si Hylia ang pipiliin ni Ylac at ng lola niya kasi, noon niya lang din nalaman na anak pala si Hylia ng may-ari ng kalaban niyang kompanya so gagamitin niya lang din ito.
Namulat si Hylia sa mga mali niyang ginagawa kay nagquit siya sa trabaho. Bakit? Chronos disguised as a human at pumasok sa Meroha Enterprises at doon siya unang nakilala ni Hylia.
As Hylia's junior, si Hylia rin ang in charged na tulungan si Chronos noon sa bagong trabaho niya. Gano'n ang get up nila, Chronos knew how pure Hylia was, how naive she was, her intentions and her thoughts are clouded with whatever comes in her mind at that moment.
Chronos was there because Hylia was his mate. Every low form of every high ranking god has a human mate. He was there to get her away from that era since the Ministry of Human Lives decided that would be the best, their ministry couldn't do anything about it since the soul catchers can only gather souls with human blood. Kaya nakipagcoordinate na sila sa Ministry of Time na mas mapadadali kung idedevour nalang ng blackhole ang era'ng 'yon.
Ayaw naman kasi makialam ng Ministry of Demigods since anak ni Plutus ang demigod na nanggugulo. Baka macut ang budget nila. Matagal na kasing pagala-gala at nanggugulo ng time of death ang isang demigod na kasalukuyang nandito sa era na ito.
Natauhan si Hylia na mali ang ginagawa niyang pagnanakaw ng files at si Chronos din ang nagpaalam sa kanya na siya ang tagapagmana ng kompanyang ninakawan niya at ang kalaban niya talaga ay si Ylac.
Nagquit si Hylia kasi nalaman niyang anak siya ng may-ari ng kompanyang tinatraydor niya. Nagquit siya para ipaalam kay Ylac na gising na siya sa katotohanan.
After kasi magquit ni Hylia sa trabaho ay doon din siningil ni Ylac ang tinuturing na ina ni Hyla na sinasabing kapag hindi bumalik si Hylia sa trabaho nito doon sa Meroha Enterprises ay kailangan niyang bayaran ang inutang nito sa kanila na kalahating milyon. Walang ilaw no'n kasi naputulan sila kaya naibagsak nito ang kandilang hawak at inatake ito sa puso.
Kaya namatay ito.
Ito ang sinasabing sanhi ng mga untimely deaths, ang existence ni Ylac around sa mga tao sa paligid niya ang nagiging sanhi ng pagkamatay nang mas maaga sa itinakdang panahon ng mga iyon.
Ylac was the demigod but he doesn't know that he is. Since wala naman itong kapangyarihan at hindi rin ito aware na ang existence niya ang nagiging cause ng untimely death sa mga tao sa paligid niya.
Si Hylia naman ay namatay dahil nagmamadali siyang tumawid no'n sa daanan para makauwi dahil tumawag na ang pulis at nadatnan nilang patay na ang tinuturing na ina dahil sa atake sa puso at sunog. Kaso may nag-utos na patayin siya. Si Ylac ang nag-utos na patayin siya kasi nga nalaman ni Ylac na namatay ang nanay-nanayan nito dahil sa kanya. At alam niyang hindi siya mapapatawad nito. Gaganti at gaganti si Hylia lalo na at nalaman ni Ylac na galing pala sa malakas na pamilya si Hylia at kaya siya nitong patumbahin.
To avoid that, he killed her first.
Chronos wasn't able to prevent his mate's death since kinailangan niyang bumalik sa lugar kung saan walang oras para umattend sa final decision ng god's council about sa paghawak ng Ministry of Time sa kasa ni Demigod Ylac.
Nanlata si Chronos nang mabalitaan na nakapila si Hylia sa Ministry of Judgement.
+++++
raw
BINABASA MO ANG
Chaos with the Gods
FantasyShe's dead. She was just a wandering soul who can not accept the fact that she is already dead. That is why she started working for the God of Time, para ma-redeem ang oras na nawala dahil sa unexpected death niya. She is defying the laws of time. ...