Hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan. Simula palang ng first sem ko ng college nung nakita ko siya. Bale, ang bait niyang tao, palatawa, palaging naka smile at parang walang pinoproblema.
Minsan kinausap niya ko. Nagulat nga ako kasi bigla bigla nalang siyang lumapit saakin.
"Hai Ten !" Bungad niya.
"Umm.. Hello Paul !"
At ayun, Yun na ata ang pinaka magandang nangyari sa tanang buhay ko. Andami niyang tinanong tungkol saakin. Kung anong paborito ko, kung anong hilig kong gawin, at kung ano ano pa! Haha..
Marami rin akong nalaman tungkol sakanya.
Mahilig siyang kumain ng grapes, gaya ko. Favorite color niya Blue, gaya ko. Tapos tatlo silang mag kakapatid, bale siya yung panganay sakanila, gaya ko. Hahaha . Andami ata naming similarities e !
"San ka pala nakatira ?" Sabi niya.
"Ah. Dun sa subdivision, Malapit lang dito sa school."
Tapos biglang pumasok yung mga iba kong kaklase, sign na nandyan na yung prof namin.
"Sige sabay nalang tayong umuwi mamaya ah ? Dun din kasi daanan ko pauwi." Sabi niya.
Tumango nalang ako bilang sagot. Nginitian niya lang ako. Naramdaman kong biglang nag init yung pisngi ko.
WAAAAHHH !!!
Hanggang sa ganito na araw araw tuwing uuwi kami. Magkasabay. Tapos minsan namamasyal din sa ibang lugar. Naging malapit narin kami sa isat isa. Sabay kaming tumatawa, para bang naging hobby niya ng patawanin ako. Hay !
Isang araw nalang nag iba na yung trato niya saakin.
Palagi niyang dinadala yung bag ko tuwing uuwi kami, inihahatid niya ako sa bahay bago siya umuwi e hindi naman siya ganun dati, tuwing nag memeryenda kami sa canteen siya bumibili ng pagkain ko. Hindi ko alam pero parang napaka special ako kung siya na yung kasama ko.
Hindi ko alam.. Hindi ako sigurado. Siguro nag aasume lang ako.
Isang araw nag kayayaan ang barkada. Sa isang resort bago kami mag bakasyon.
Masaya. Kwentuhan, tawanan. At ayun, siya nanaman ang nag sisilbing Joker namin. Kumain narin kami nung nagutom na kami. Yung iba nag vi'videoke, yung iba naman nag iinuman.
Tapos yung mga kaklase kong babae nag yaya na mag laro raw kami ng spin the bottle kaya ayun, itinigil nila yung kanilang ginagawa at nag form kami sa isang malaking circle.
Sinimulang pinaikot ni Kat yung bottle.
"Gm. Ikaw. Truth or Dare" Sabi ni Kat
"Umm.. Dare" Sabay ngiti.
"Sige, Hug mo yung like mo. Tapos kiss mo sa cheeck yung love mo" -Kat
Hinug ni Gm si Renz at dahil nga may boyfriend na si Gm. Yung boy friend niya yung ki'niss niya. Si Marvin..
Nagpatuloy yung game hanggang sa tumapat saakin.
"Truth or Dare!" Sabi nila agad.
"Truth…" Sabi ko
"May nagugustuhan kaba sa grupo natin?"-Regina
"Ummm.. Hehe.. E-eh ? Meron. Haha." Sabi ko sabay kamot
"Sino????!!!!" Sabay sabay ulit sila.
"Eh ? Diba dapat isang tanong lang ! Madaya ah !!"
"Cge na nga!!"-Angel
Oh yeah !! Haha :D Bakit naman ako aamin ?!
Tapos pinaikot ni Angel yung bottle at tumapat naman kay Paul.
"Truth or Dare!"-Kat
"Truth…" Sabi niya
"May nagugustuhan kaba sa grupo natin?"-Kat
"Ah. Meron. Si Ten" Sabi niya. Tumingin siya saakin at ngumiti ng nakakaloko !!!
WHAAAAAATTT ??!!
SA SPIN THE BOTTLE LANG PALA SIYA AAMIN ?!!!!
-End