He's POV

2 0 0
                                    

"Nag sisi ka ba?"

Bigla akong napatingin at natigilan sa sinabi nya. Tiningnan ko lang sya tila nag hihintay na iangat ang tingin nya at gawin yung palagi nyang ginagawa kapag magkasama kami, ang ngumiti. Nakakalungkot lang dahil yung dating mata na palaging masaya kapag nag kwekwentuhan kami ngayon ay wala na.

Ang lamig

Ang dilim

Ang sakit pala

"Sa totoo lang, hindi ko na din alam" malungkot kong tugon sa tanong nya.

Naalala ko yung mga panahon na palagi akong napapadaan sa bahay nila, yung aayain ko sya kumain sa labas, magkwekwento ng kung ano ano at mag aasaran.

____

(flashback)

[Ah, ganun pala]

Napangiti na agad ako kasi pagkabasa ko pa lang sa chat nya alam kong may mali na agad.

[Problema mo nanamang panget ka?] habang nag iintay ako ng reply nya. Iniisip ko na yung mga posibilidad na pwede nyang maging problema o kaya mga pwedeng sabihin ko. Nag reready na rin akong umalis kasi baka kailangan nya ng kasama/karamay o makakausap, tamad pa naman yun mag chachat.

Sobrang gusto ko na nga ata sya na kahit maliliit na bagay napapansin ko na. Tagal din naming naging magkaibigan. Tumagal rin pala ako sa pagiging kaibigan nya ni hindi ko na napansin pa.

----

Tumayo sya at unti unti akong tinalikuran, di nag tagal

naglakad na rin sya papalayo. Gusto ko syang sundan, gusto ko syang ihatid, at gusto kong-
gusto ko pa syang makasama at makausap ng matagal.

Ginusto ko ba to? Nagsisi ba ako? Worth it ba? Bakit ganto? Alam kong masaya sya iba at masaya ako para sakanya. Ginusto ko lang naman na malaman nya yung nararamdaman ko kahit alam kong mali. Makasarili ba ako? Hindi naman ako naghahangad na ibalik nya yung nararamdaman ko. Bakit ganto? Kilala ko naman sya pero hindi ganto yung nakita kong mangyayare. Unti unti nya akong nilayuan. Wala na ba? Okay lang naman saking makita syang masaya sa iba. Tanggap ko naman ah.

Nagsisisi ba ako? oo.

Sakit pala

Mas masakit palang layuan mo kesa hindi mo napapansin nararamdaman ko.

Tangina wrong moved.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ConRegWhere stories live. Discover now