~ Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw~
"Ano ba naman Titan?! Leche hindi kana natigil sa pesteng pagkanta mo!! Paulit-ulit lang naman?! Buti sa kung kagandahan yang boses mo eh, hindi naman. Boses palaka ka naman!!" At ang walanghiyang bakla tinakpan lang ang tenga. At nag-patuloy lang sa pag-kanta.
"Titan ano ba?! Rinding-rindi na ako sayo at sa kanta mo, maawa naman sa tenga ko!!" Bigla nga siyang tumigil at tumingin sa akin.
"Girl, ano ka ba naman ang ganda naman kaya nung kantang 'to! Bakit ayaw mo?"
"Oo nga ang ganda ng kanta kaso nabahiran ng kapangitan dahil jan sa boses mo!"
"Aray!! Oo makapang-lait, parang regla oh?! TAGOS!!"
Pinandilatan ko lang siya. Kaasar eh, bakit di na lang manahimik!
"Akin na nga yang cellphone mo at I-bluetooth ko yung kanta sayo..." Sabay kuha niya ng cellphone kong hawak ko lang.
"A-ayoko ko peste!!" Sabi ko.
"Arte mo ipapasa ko lang naman, ganiyan ka na ba ngayon? 'yan ba ang tinuro ng mama mo sayo ha? Hindi tama yan ikaw talaga bata ka! Pasaway-"
"Oo na suko na ako, akin na yang cellphone ko at ipasa mo sa akin yang kantang yan... Para matapos na."
Yun nga pinindot ko yung;
*Menu
*Setting
*Connectivity
*On
*Visible
"Oh yan pasa mo na bakla...Ano yung device name mo?"
"TITAN-ic^.~"
"Anong klase!!"
"Pake mo pati device name pinapansin."
ACCEPT DEVICE TITAN-ic^.~
| 1%
|||||||||| 17%
||||||||||||||||| 49%
||||||||||||||||||||||||| 65%
||||||||||||||||||||||||||||||||||||| 89%
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||| 99%
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||| 100%
[Receive File] Ikaw- Yeng Constantino.
"Oh... Ayan masaya kana ba?"
"Oh, Yes! Dear..."
"Nasan na ba yung teacher natin at hanggang ngayon wala parin 15 minutes na siyang late."
"Sana nga 'di na siya dumating." Singit ni pa ni bakla.
"Ilang araw na siyang 'di pumapasok, sabihin niya lang kung ayaw na niya mag-turo hindi yung ganito pinaghihitay niya yung mga estudyante niya..." At tumingin ako sa paligid, dito sa class room.
-May nagce-cellphone
-May nababatuhan ng papel
-May naglalabingang mag-syota (na hindi naman dapat sa school)