Hayy po thank you very much sa ibang sumuporta sa unang shot ko thanks po nang marami . This is an another shot.sana po suportahan nyo rin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ranz's POV
hayy pasukan nanaman ,langya aga ko nanaman gigising wala naman akong napapala dun eh , taon taon kasi lumilipat ako nang school o kaya nakikick-out ako kaya di ako nagkakaroon nang maraming kaibigan , hayy.
Ako nga pala si Ranz Clark Domingo isang taong walang direksyon sa buhay pero sabi naman nang magulang ko "highschool ka pa lang kaya mo pang ayusin ang buhay mo, anak" yan ang lagi nilang sinasabi pero di yun ang nangyayari pakiramdam ko patapon na ako.
Eto na to papasok na ako sa bagong school na pinag enrollan nang magulang ko. Hayy
Pagpasok ko sa room ang dami ng tao may nagtatawanan at nagkwekwentuhan pero dahil bago lang ako mahiyain pa ako , mayroon naman na lumapit at nagpakilala sa akin at yung iba naging close ko agad.
RECESS......
Nasa cafeteria na kami nang mga bago kong kaibigan para bumili nang pagkain , nasa table na kami nang may makita akong babae , nag-iisa lang sya sa table nagbabasa nang tahimik. Kahit nakasalamin sya nagagandahan pa rin ako sa kanya ,parang ito yung tinatawag nilang love at first sight?
Tapos nang malaman ko na classmate ko sya natuwa ako kac lagi ko syang makikita at nalaman ko rin na Trixie Manansala ang pangalan nya, kaya rin pala di ko sya nakita kanina kasi tahimik lang sya sa likod at di nakikigulo sa amin.
Nakuntento ako na magnakaw nang tingin mula sa kanya nakuntento akong minamahal sya mula sa malayo, oo mahal ko na sya.
Isang Araw.........
"Ok class dahil mag sisimula nanaman ang bagong grading maglilipatan na tayo nang upuan" sabi nang adviser ko.
Ibig sabihin bagong seatmate na naman to
, sino kaya magiging seat mate ko?
"Ranz Domingo please be seated beside Trixie Manansala" sabi nang adviser namin.
"Uy, tabi sila" sabi ni gab sa akin na kabarkada ko rin.
"Oo nga malaheaven na raw ang buhay nya, hahahaahh" sabi ni alex na kabarkada ko rin.
Ngumiti na lang ako at umupo sa tabi ni trixie, syempre nagdaan ang mga araw nag uusap, nagkwekwentuhan at nagtatawanan minsan nga partner kami sa mga activities at report ,Friends na nga kami eh, nagsasabihan kami nang sikreto, syempre di ko sinasabi na may nararamdaman ako sa kanya , baka yung friendship namin mawala pa hayy
Makalipas ang ilang buwan.....
Mas lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya , ewan ko lang yung kanya pero lumalakas ang loob ko na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Hanggang isang araw ..........
Heto na magtatapat na ako nag ayos pa ako , sana naman magustuhan nya to.
Hinihintay ko syang pumasok pero wala eh mukhang di sya papasok bakit kaya?
Lumipas ang ilang linggo di pa rin sya pumapasok nag aalala na ako sa kanya hayy.
"Ok class may sasabihin ako sa inyo"nandyan na pala yung adviser namin ,ano kaya ang sasabihin ni ma'am
"Tungkol to kay Trixie Manansala"hala ano kaya yun parang kinakabahan ako.
"Si Trixie ay............." parang mas lalo bumilis ang tibok nang puso ko.
"Si Trixie ay di na makakapasok nang muli dahil ........ hayy ,
Dahil patay na sya "
Parang nanlumo ako dun ang sakit na di ko man lang nasabi sa kanya ang nararamdaman ko.
"Si Trixie ay may sakit sa puso at kailangan nang operahan ngunit di na kinaya nang katawan kaya namatay sya pero bago iyon gumawa sya nang sulat para sa iyo, Ranz."
Sabay abot sa akin nang papel na may sulat ni Trixie.
Binasa ko ito , di ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa sarili ko
Sabi dito:
Dear Ranz,
sorry kung di ko sinabi sa iyo na may sakit ako ayaw ko lang naman na masaktan ka dahil sa akin , gusto ko ring magpasalamat dahil kahit papano napasaya at naparamdam mo sa akin na di ako nag iisa, pero saabihin ko na rin to sa iyo Mahal kita , unang araw palang nang makita kita alam kong gusto na kita hanggang lumalim at naging Mahal na kita nang ,maging magkatabi naman tayo natuwa ako kasi yung mahal ko eto abot kamay ko na, ayaw kong sabihin sa iyo kasi natatakot akong masaktan at ayaw ko rin naman mawala ang nag iisang nag uugnay sa atin . Dito ko na lang sasabihin sa iyo ang nararamdaman ko pero pag nakasurvive ako sasabihin ko ulit to sa iyo nang personal para makita ko ang reaksyon mo , at mag aral ka nang mabuti ha makapagtapos ka sana nang pag aaral mo , alam kong di maganda ang naging direkson nang buhay mo pero kaya pa yang ayusin tiwala lang lagi akong nasa tabi mo.wag kangmagalala irereto kita sa iba pag wala pa rin ako dyan malakas ako kay lord no hahaha
Nagmamahal,
TrixieYan yung nakasulat
May nararamdaman din pala sya sa akin at pareh rin ang aming iniisip pero bakit ganito ? Bakit di man lang nya ako hinintay na sabihin din sa kanya ang nararamdaman ko? Bakit?
Hinalo ako ng adviser at mga barkada ko, ang sakit nang nararamdaman ko ang bigat din nang pakiramdam ko.
Makalipas ang ilang taon......
Graduate na ako nang Highschool at ako pa ang salutatorian , oh diba ang talino ko na .
Pagkatapos nang graduation namin nagpaalam ako sa magulang ko na may pupuntahan lang ako.
Papunta na ako sa kanya sa mahal ko,
Kahit lumipas na ang ilang taon mahal ko pa rin sya.
"Hi, kamusta ka na ? Ako? Ok lang ito nga yung medal ko oh at yung diploma ko na alay ko sa iyo . Tinupad ko na ang pangako ko sa iyo. Wala na akong atraso sa iyo" sabi ko sa puntod ni trixie.
Oo, dito ako pumupunta kapag may hinanakit ako sa magulang ko
O kaya pag may problema ako .pero andito ako para tumupad sa pangako.
"Uy yung pangako mo ha" pangako nya kasi sa akin nung buhay pa sya na irereto nya ako sa ibang babae .
"Ahm hi kilala mo ba si trixie?" Tanong nang isang babae na kakadating lang.
"Ah ,oo classmate nya ako. Ako nga pla si Ranz. Ranz Domingo." Pakilala ko
"Ah ako naman ang pinsan nya, Ella. Ella Rivera." Pakilala nya sa akin sabay ngiti.
Wow ang ganda nya , bigla akong napatingin sa langit at nagpasalamat oo nga ang lakas nga ni trixie kay lord hahaha , salamat sa iyo . Dahil sa iyo agbago buhay ko at nakapag simula ulit salamat
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Yes tapos na ang pangalawa kong shot thank you sa mga nagtyaga at sumuporta kahit may mga typos sya thank you po talaga.
God bless to all.
BINABASA MO ANG
classmate (One-shot story)
Teen Fictionclassmate, yan yung mga taong mas madalas natin nakakasama pero minsan sila rin yung ating nakakatuluyan . isang ordinaryong pangyayari na base sa totoong buhay.