Lalake/

11.3K 577 21
                                    

"D'yan lang naman ako."

Yan ang sabi mo.

Nang ika'y tanungin ko kung ano ang sinasakyan mo.

Napakamot na lang ako dahil akala ko sumasakay ka pa ng kung ano.

Eh sasabay sana ako kasi hindi ko pa talaga saulo ang pasikot-sikot dito.

At dahil ayokong makaabala sa'yo, tumango na lang ako at hinayaan kang makalayo.

Pero hindi ka umalis at tinanong kung san ba ako tutungo.

Hindi ko napigilang mapakagat sa labi dahil sa tuwang naramdaman ko.

Ayokong nga lang mahalata mo kaya ako'y nagkunwaring may kinukuha sa bag ko.

Halos kalkalin ko na nga 'yung bag ko sa kakaisip ng sasabihin sa'yo.

Hanggang sa nakaisip ako at sinabi sa'yo na nakalimutan ko 'yung address pero alam ko ang hitsura nuon.

Napatawa ka at tinanong ako kung paano naman ako makakapunta duon.

Napatawa rin ako at sinabing susundin ko lang ang puso ko at makakarating din ako doon.

Napatingin ka sa'kin kaya tiningan rin kita gaya ng pagtingin ko sa'yo noon.

Ayoko sanang mag-isip ng ano pero parang posibleng gusto mo rin ako dahil kumikislap din ang 'yong mga mata.

Bumilis ang puso ko at naramdaman kong ito na ang pinakamagandang tyempo para sabihing gusto pa rin kita.

(Short Story) Yan ang sabi mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon