KABANATA 24

27 2 0
                                    

KABABATA 24

"Kakausapin ko ulit si Jamie. I'll make sure to fix this. I'm sorry, Thalia. Hindi ko akalain na kukunin ni Jamie iyon sa kwarto ko" paliwanag ni Isaiah nang huminto ang sasakyan niya sa harap ng bahay namin.

"Gustong magsampa ng kaso ng magulang ko. At sa totoo lang ay gusto ko rin na gawin iyon. My publishing company in New York is now withdrawing my contract with them because of the issue. And people are calling me manggagaya at magnanakaw!" Paglilinaw ko upang malaman niya kung gaano kalaking bagay ang ginawa sa akin ng girlfriend niya.

Sumulyap siya at nakitaan ko siya ng pagsisisi sa kanyang mga mata.

"I'm sorry" he murmured.

Umiling ako, "Hindi ikaw ang dapat na mag sorry. Ang girlfriend mo ang dapat na mag sorry sa akin" mapait kong tugon sa kanya.

Kumunot ang noo siya sa sinabi ko. Bakit? May mali ba akong sinabi? Tama naman na dapat si Jamie ang mag sorry at hindi siya.

"Hindi ko alam kung saan mo narinig ang balitang girlfriend ko si Jamie. Walang kami ni Jamie. She's not my girlfriend, Thalia" mahinahon niyang sambit habang mariing nakatingin sa mata ko.

"W-What? Don't fool me, Isaiah. May nabasa kaming article ni Alissa na nagsasabing girlfriend mo si Jamie Gonzalez" giit ko rito pero may bahagi sa puso ko ang nagdiriwang sa kaalaman na walang relasyon si Isaiah at Jamie. Pero kaagad napapalitan ng pait ang ang nararandaman ko dahil pumapasok sa utak ko na nagkasama sila sa kwarto niya! Ano ang ginawa ni Jamie at Isaiah sa iisang kwarto? Naglaro? Anong klaseng laro? Bahay-bahayan? O baka naman nagdasal? Yung tipong nakaluhod? Sino ang lumuhod? Si Jamie o si Isaiah? Shit!

Napapikit na lang ako sa mga ideyang pumapasok sa utak ko.

"May tiwala ka parin sa mga article na lumalabas ngayon, after what happened to you?" Kunot noo niyang sambit habang nakatingin sa akin ng seryoso.

"Hindi mo talaga girlfriend si Jamie?" Paninigurado kong tanong. Baka kasi niloloko lang niya ako.

"You think na tutulungan kita kung may girlfriend pala ako? You know me, Thalia. I'm always loyal and considerate when I'm in a relationship. Never akong tumingin sa ibang babae noong tayo pa" he stated.

Natahimik ako sa sinabi niya. Oo nga. Hindi kami kailanman nagkaroon ng problema noon tungkol sa mga babae kahit na alam kong madaming babae ang pinagpapantasyahan siya. He was so loyal to me kaya naman sobrang hirap niya talagang kalimutan.

"Susunduin ulit kita bukas? May meeting ako bukas kasama si Mr. Gonzalez, kailangan niyang malaman ang ginawa ng anak niya. Sasamahan narin kitang magsampa ng kaso bukas" mungkahi niya.

Napakurap ako sa sinabi niya, "Pero kaya ko naman na mag-isa"

"Gusto kong samahan ka, Thalia"

"Hindi naman kailangan. Kaya ko silang harapin mag-isa"

"Pero hindi mo naman kailangan na mag-isa kung kaya naman kitang samahan" pilit niya.

"Ayokong maka istorbo sa'yo Isaiah"

"Hindi ka kailanman magiging istorbo sa akin, Thalia" he assured me.

Napa buntong hininga na lang ako. Mukhang wala na akong magagawa kung hindi ang pumayag na samahan niya ako

Pagpasok ko sa bahay ay naghahanda na ng hapunan si mama habang si papa naman ay nanonood ng tv sa sala. Pareho silang napatingin sa akin ng makapasok ako sa loob ng bahay.

"Saan ka galing?" Si mama ang nagtanong. Oo nga pala at hindi ako nakapag paalam kanina.

"May inasikaso lang po ako" tugon ko habang humahalik ako sa pisngi nila, pagkatapos ay umakyat narin agad ako sa kwarto ko upang makapag-palit na ng damit.

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon