KULAM
Xiomara
Naniniwala ba kayo sa mga engkanto? Sa maligno? Sa multo? Sa aswang o di kaya'y sa mga tiktik at tikbalang? Naniniwala ba kayo sa mga elementong hindi natin nakikita? Paano kung ang pag uusapan ay kulam, naniniwala ka ba? Kasi kung ako ang tatanongin ay HINDI.
Maraming tao ang nag kwekwento na totoo ang barang o kulam. Ilan sakanila ay may pinapangalanan pang naging biktima nito. Marami ring nag sasabi na mga matatanda na ito'y gawa ng isang tao na sumasamba sa diyablo at kasali sa isang kulto. Ang sino man na makipag-kasundo sakanila upang ipahamak ang isang tao ay nagkaka-totoo ngunit ito ay may kapalit na parusa kung sakaling mabulilyaso ang orasyon bago mamatay ang biktima—inshort ito ay kung sakaling nagawang labanan ng isa pang albularyo ang kulam.
Sa mga ganitong usapan ay hindi ako interesado sapagkat naniniwala ako na walang ginawa ang Diyos na mga ganitong uring likha at kung maniniwala man ako ay kung ako mismo ang makaranas o makakita ng mga ito.
Ako si Xiomara Evangelista, isang high school student na mag tatapos ngayong taon. Balak ko kumuha ng kursong engineering dahil pagkabata pa lamang ay ito na ang gusto kong propesiyon.Isang tipikal na mag-aaral, palaging nauuna sa ranking ng klase at marami-rami rin akong achievements na natatanggap sa aming paaralan at sa patimpalak na aking nasasalihan. Isa rin ako sa opisyal ng school government namin na kinabibilangan rin ng isa kong kaibagan na si Lauxrielle. Bukod sa pagiging huwarang kaklase o magaaral, isang mabuting bata rin ako pag dating sa aking magulang. Lahat ng gusto ng mga ito ay sinusunod ko.
Kung meron man akong kinakatakutan ay hindi ito multo o kahit ano pamang lamang lupa, kundi ang madismaya ang mga magulang ko sakin. Since elementary ay consistent honnor student na ako kaya't nakasanayan ko ng pag igihan ang pagaaral ko kung hindi ay makakagalitan ako. When your parents has expectation to you map-pressure ka talagang mag-aral ng mabuti. You'll strive harder in learning just to prevent other people to be disappointed on you, mas mataas pa sa grades ko ang mga expectations ng mga ito.
Araw ng lunes ngayon kaya't maaga akong pumasok sa University na pinapasukan ko, walking distance lamang ito kaya hindi na ako nag abala na sumakay pa ng habal-habal. Alas siyete palang ng umaga at marami-rami ang mga estudyanteng naglalakad rin ngayon. Hindi kalayuan ay nakita ko na ang isang bulto ng babae na alam kong ako ang hinihintay.
“Hey”sigaw ko. Hindi alintana ang paglingon ng ilang tao na siguro ay nabulabog sa lakas ng boses ko. Kumaway ito sakin at malapad na ngumiti.
“Goodmorning,Xio.“bati nito ng maka lapit ako.
“Goodmorning,Laux.“bati ko pabalik.
Si Lauxrielle ay kaibigan ko, rank 2 ito sa klase kaya't naging close kami dahil palagi kaming magkasama kung mayroong paligsahan sa school. Kung ihahambing ang pisikal na aspeto naming dalawa ay wala akong panama rito. Balingkinitan ang pangangatawan nito at may mala porselanang balat na akala mo'y lumaklak ng glutathione. Mahaba rin ang maiitim nitong buhok na lalong nag patingkad sa kagandahan niya.
“Di'ba ikaw ang representative ng school sa press-con?“tanong nito. Muntik ko ng makalimutan na ngayong darating na huwebes pala ang ang press-con kung saan isa ako sa lalahok.
“Sh*t! Oo nga pala buti nalang pinaalala mo, may quiz bee pa akong inaaral para next week. Ikaw akala ko may assigned ka rin sa MTAP?“ saad ko.