Unedited...
Matapos ilibing sina Skyler at Kimberly ay pinag-usapan na ang kasal pero hindi pa rin nawawala ang kalungkutan sa buong pamilya at habambuhay nilang damdamin ang pagkawala ng mag-asawa.
"H-Huwag na lang kayang ituloy ang kasal?" ani Fuchsia at pinahidan ang mga luha.
"Masaya na sina Lolo Skyler at Lola Kim at mas sasaya sila kapag nakita ka nilang ikinakasal," sabi ni White sa anak matapos tabihan ito sa kama.
"A-Ang daya, hindi man lang nila pinatapos ang kasal ko."
"Hmm? Ganoon talaga. At least nasaksihan nila ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng buhay mo. Alam nina Lolo na nasa tamang tao ka na bago pa nila lisanin ang mundo." Nasasaktan din siya lalo na't mas marami siyang naging karanasan kina Skyler at Kimberly. Ito pa ang nag-alaga sa kanila at tigapunas ng puwet nila noon. Sa lahat ng magkapatid, si Skyler at pinakaastigin at maloko pero pagdating sa pag-aalaga ng mga anak at apo ay hands-on ito. Naalala nga niyang kaag may lakad ang ama niya at mga tiyuhin at tiyahin ay iniiwan silang magpinsan sa lolo nila. Kumbaga hayahay ang mga magulang nila pero ang lolo ang naging yayo nila. Tinuruan din silang maging hands-on sa pag-aalaga ng mga anak kahit mga lalaki pa sila. Parusa raw iyon sa kanila para naman swerte ang asawa nila sa mga lalaking Villafuerte.
"If only they could live for million years," hiling ng dalaga.
"If only . . . " pagsang-ayon ng ama at tumayo. "Lumabas ka na, nasa baba na ang susukat para sa wedding gown mo."
Mas pinili niyang simple celebration lang ang gagawin at very private ang kasal. Hindi na nila isinapubliko dahil nagluluksa pa ang lahat. Simple garden wedding lang dito sa Nueva Ecija at lahat ng kamag-anak lang ang imbitado kaya parang secret wedding. Kapag may magtanong, aaminin nila pero kapag wala, okay lang. Hindi na kailangang ipangalandakan pang ikakasal na sila.
Bumaba si Fuchsia. Nandito na si Ismael na nagpapasukat sa tailor nila.
"Hi, babygirl," bati nito at hinalikan siya sa noo. "Umiyak ka na naman."
"Hindi maiwasan, kuya..."
Tumawa ang mga kapatid niya.
"Kuya pa rin, ate?" tanong ni Purple.
"Naku, mag-iingat na tayo sa mga tumatawag sa atin na kuya, mga bro!" sabi ni Neon sa ka-quadruplets.
"Kapag may tumawag sa atin na kuya, alam na mga bro!" segunda ni Peach at sabay na tumawa ang quadruplets.
"Daddy ang quadruplets oh!" nakasimangot na sumbong ni Fuchsia.
"Hoy kayong apat, tumigil na kayo!" saway ni White. "Doon nga kayo sa labas!"
"Tara, magdilig tayo ng mga bulaklak," yaya ni Indigo.
"Tara, mabuti pa nga!" nakangising pagsang-ayon ni Neon.
"Kayong apat," tawag ni White nang nakatalikod na ang apat. "Tigilan ninyo ang halaman ko ha! Mga punyeta kayo! Kaya pala namamatay ang ibang halaman ko eh nalulunod na sa tubig sa kakadilig ninyo! Huwag ninyong pakialaman ang halaman at bulaklak ko!" Napapansin niyang basang-basa ang lupa e sakto naman ang pagkakadilig niya sa umaga.
"Flowers na lang ng kapitbahay ang didiligan namin, Tatay!" sabi ni Torquoise pero mabilis na tumakbo nang makitang gigil na gigil na ang ama.
"Kumain ka na?" tanong ni Fuchsia sa binata.
"Hindi pa. Sabay na tayo. May dala akong sinabawang isda," sagot ni Ismael na pinagmasdan ang magandang mukha ng mapapangasawa.
"Sige, after na lang. Naggatas ako kanina eh," sagot ni Fuchsia at nagpasukat na muna. Habang napatingin sa disenyo ng wedding gown na gawa ng ama, hindi niya mapigilan ang ma-excite. Simple lang ang gown pero sigurado siyang kapag isuot niya iyon ay siya ang magiging pinakamagandang babae sa araw na iyon.
BINABASA MO ANG
Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)
RomantizmBata: Kuya? Gawan mo po ako ng saranggola tapos sabay ulit tayong magpapalipad. Kuya: Basta ipangako mo na hindi mo bibitiwan ang pisi, okay? Bata: Kaya ko lang naman po binitiwan kahapon dahil malakas ang hangin at sobrang sakit na po ang mga kamay...