Nakakangilabot na kidlat ang pumirmi sa kalangitan galit nanaman si San Pedro; siguro'y masyado nang makasalan ang mga tao. Magpagayunpaman isa na din ako rito; 'yung nawawalan na ng pananampalataya at paniniwala sa Diyos.
Agad kong nang pinatay ang aking cellphone binaba ang mga blinds. Sinakluban ang sarili ng pagkakapal kapal na kumot. Kalaunan ay nakaramdam ng pagod.
"Huwag kang mag-alala mababaw lang ohh" sabay taas ng kanyang mga kamay.
Di ko siya kilala, di ko din mamukhaan pero parang nagkita na kami dati, parang matagal na kaming magkakilala.
"Halika na, sasagipin naman kita huwag kang mag-alala" mahinahon niyang saad saakin.
"Pasensya na di talaga pwede; baka pagalitan ako sa bahay" mahiya-hiya kong sagot.
Well, gusto ko na nga din tumalon duon ang linaw ng buhaw-berde na kulay ng tubig at kumikislap-kislap pa ito
pero di talaga ako marunong lumangoy at pag-umuwi akong basa baka mapapagalitan ako.
There's something with him that I don't understand. It seems like I've been with him for a long time. Those smiles.
"Ano ba yan ang kj mo naman, dali na masaya to promise, anlamig pa ng tubig " pamimilit niya sabay saboy sakin ng tubig.
"Oo na Eto na! Saluhin mo ko ha" Sigaw ko sakanya. Bahala na
Ngiti lang ang naging sagot niya.
Mula sa bangin tumalon ako mula rito paibaba sa kanya sa tubig.
Pagkababa ko rito bigla akong naipunta paibaba tatlong katao pala ang lalim nito at di ako marunong lumangoy pilit ko siyang tinatanaw ngunit naglaho na siya. Ginawa ko ang lahat para sumigaw at gumalaw ng gumalaw nagbabakasakaling lumutang ako ngunit ako'y bigo,nakaramdam ako ng pagod at madami na din akong mainom. Masakit na din ang aking ilong at mata. Di ako makahinga.
Isang masakit na sabunot ang aking naramdaman paitaas at Isang malalim na paghinga ang aking hininga paloob.
"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo siraulo ka!"
"Putangina ka"
"Sinayang mo lang ang tubig ang Mahal pa naman ng singil ngayon"
"Palamunin kana nga akala mo ba pag namatay ka magiging ok na lahat! Wala kang utak san kami kukuha ng pambili ng ataul mo!"
Isang nag-aalab na sampal ang tinapon saaking Mukha. Pinaulanan din ako Ng mga suntok at pakiwari ko'y puno na ng pasa ang aking katawan; ngunit wala akong maramdaman marahil sanay na ako sa gantong mga scenario.
Mula pagkabata nasanay ako sa palo, suntok, mura at mga sampal; mga paraan nila para ipakitang mahal nila ako kung gayon masasabi kong mahal na mahal nga nila ako dahil di lang isang beses kundi apat na beses na akong muntikang patayin. Pero sana nga pinatay nalang ako. Galit saakin ang mundo siguro dahil nabuo lang ako ng dahil sa isang kasalanan at dahil duon maraming tao ang nasaktan ko; marami ang galit dahil sa presensiya ko; at lalong lalo na ang mga magulang ko.
Patuloy padin ang mga mura saakin ng aking kuya di ko alam kung galit ba siya dahil balak kong magpakamatay o dahil sa Isang drum na tubig na aking pinaglubluban ng aking sarili at Mahal din kase ang tubig; isa lang ang nasisiguro ko mahal niya ako.
Ngunit magiging kasalanan ko bang naging ganto ako; di ko na din alam nangyayari saakin. Di ko din kilala sarili ko, mga nakagawian ko dati pagbabasa ng libro, at magsulat ng mga tula/kanta ay parang nawalan na ako ng gana para isagawa. Nakalimutan ko ng maging masaya, di ko na din ang pakiramdam ng yakap ng isang magulang.
"Kumain kana jan, at pagkatapos mag hugas ka, maglinis ka ng bahay huwag ka puro cellphone ha!", sigaw ni mama saaking Mukha.
Habang abala siya sa pag-aayos
"Mamamalengke lang ako, huwag mo na ulit subukang magpakamatay ha!, Saglit lang ako",mga linya niyang kay sarap pakingan.
"Pagpasensyahan mo na si kuya mo, pagod lang yun, tyaka Mahal ka nun", sabay tapik saaking balikat.
"Di man niya sabihin pero alam kong nag-aalala lang yun sayo, alam mo na pagod lang sa trabaho", sabay sindi ni mama ng sigarilyo.
Tumango nalang ako bilang sagot at ngumiti, ang sarap sa pakiramdam. Sabi ko Naman ehh mahal niya talaga ako.
Namulat akong si kuya at mama na ang kasama ko sa buhay, galit si kuya saakin dahil nabuo ako dahil ginahasa lang si mama ng tatay kong rapist nuong nag tratrabaho siya bilang OFW sa Dubai na kapwa pinoy daw niya, sabi ng lola ko muntik na din daw niya akong ipalaglag nuod ngunit salamat sa lola ko at pinigilan siya nito.At dahil din duon naatake sa puso ang tatay niya kaya't saakin sinisini ni kuya ang lahat; dahil sa existence ko, nasira ko ang magandang buhay niya, napabayaan nila ang mga water refilling stations nila, nasira ang masayang pamilya nila at higit sa lahat namatay ang kanyang papa.
Nagligpit na ako ng kinainan ko at naghugas ng pinagkainan, pagkatapos nag-agiw muna ako, nag punas ng mga kagamitan at bintana tyaka nagwalis. Ayan maaliwalas na ang bahay sabay pamewang ko.
Sa wakas makakapagpahinga na din, nilublub ko ang sarili ko sa Isang timba, ngunit wala akong balak na magpakamatay ha, parang may ano lang na nag uudyok sakin na gawin at masarap din kase sa pakiramdam.
Naubo ako at may tumatapik saaking likod. "Ba't mo'ko iniwan kanina", tanong ko sakanya.
"Sam~antha hindi Kita iniwan, hindi ko yun magagawa sayoo,hinding-hinde", ani niya.
May kung anong parang kumurot sa puso ko, pati ang boses niyang kay tamis pakingan.
Ngunit Samantha? Tama ba narinig ko, tinawag niya ako sa pangalan ng Isang babae? Ngunit bakit? Pano, oo bisexual ako pero lalaki naman ako manamit ahh.
"Ja a aa co ob", mautal- utal kong sabi.
Saglit anong nangyayare sakin. Bat kilala ko siya? Di ko na kokontrol ang sarili ko.
Sino si Samantha? Sino ako? Bakit ko siya Kilala? Kilala ko ba talaga ang sarili ko. Anong nangyayare?
Bigla akong natauhan at umahon na sa tubig. Pinihit ko na ang gripo at nilinis ang katawan. Saka sinuot ang paborito kong boxer shorts; kulay green na may dinasaurs designs na maliliit na kulay orange, blue at pink. Komportable ako pag suot ko ito.
Hiniga ko na ang aking sarili saaking kama at unti-unting nilamon ng kadiliman ang aking paningin.
YOU ARE READING
UNREAL : An Unrevealed Story || : west_lei_deib
Teen Fictionengulfed in darkness... drowned in thoughts.. he kill, he died... ---- I can feel his cold scent. I heard his footsteps getting louder as he comes close to me. I'm pretty sure he's here. My bed move a bit. He heats my back placing himself into spoo...