Nasa isang napakaganda at tahimik na isla si Dominique habang umiiyak at nakaupo sa may harapan ng dalampasigan. Tinutungga niya ang isang bote ng beer na hawak habang kinakausap ang kan'yang sarili."Ano pa bang kulang sakin? bakit kailangan niya akong iwanan at ipagpalit sa mukhang puw*t niyang ex-girlfriend?" Nakangusong sabi niya sa sarili habang walang patid ang pagtulo ng kan'yang mga luha sa magkabilang pisngi "Hindi hamak na mas maganda naman ako at sexy sa babaeng 'yon!" Himutok pa niya.
Nang subukan niyang tumayo ay mabilis siyang napabalik mula sa pagkakaupo."Dahil ba hindi ko pa naisusuko sa kanya ang pagkababae ko ay iiwanan na niya ako ng ganoon-ganoon na lang?!"
"Ganoon na lang ba niya kadaling itapon 'yong ilang taon na pinagsamahan namin?! 'yon lang ba talaga ang sukatan ng pagmamahal? O katawan lang talaga ang gusto niya sa akin sa simula pa lamang?" Sabay gulo sa buhok. Para na siya'ng baliw habang kinakausap ang sarili.
"Hindi ko matanggap, sobrang sakit!" Sigaw niya sa sarili sabay lagok ng alak habang humahagulgol ng iyak.
Darating din ang araw and I swear, you will beg for me to come back to you! Bulong pa niya sa sarili pagkatapos ay mabilis na hinagis ang bote ng alak na hawak kung saan.
Flashback
Her name is Dominique Perez, 26 years of age, mayroong taas na 5'8, mala-porselana ang kutis, may hanggang balikat na haba ng buhok, balingkinitan ang katawan, mapupungay at may mahahabang pilik mata. Kaya naman madalas ay napagkakamalan siyang modelo dahil sa kan'yang mga physical features. She's one perfect goddess, kaya naman marami din ang nai-inggit sa kan'yang angking ganda. And of course hindi maitatanggi na madami din ang mga kalalakihang nahuhumaling sa kanya.
"Malapit na pala ang fifth-anniversary namin ni Rob, Ano kaya ang magandang ibigay na regalo!?" Tila naguguluhang tanong ni Dominique sa sarili.
"Ah! magpapatulong na lang kaya ako kay Trixie sa pagbili ng regalo." Sabay kuha ng cellphone at idi-nial ang numero ng kan'yang best friend na si Trixie.
"Hello, Bessy! Samahan mo naman ako bumili ng ireregalo ko kay Rob, fifth-anniversary kasi namin this coming saturday eh! Balak ko sana siyang I-surprise." Excited na bungad ni Dominique sa bestfriend niyang si Trixie.
"Ano ba 'yan! kay aga nambubulahaw ka! Mag-almusal ka muna kaya kaysa ano-ano ang pinagkaka-abalahan mo ano!
natutulog pa ko eh!" Antok na antok na sambit ni Trixie.
"Girl alam mo ba na alas-singko pa lang ng umaga!? di halatang super excited ka ha!" Inis na sabi ni Trixie sa kanya na nasa kabilang linya ng telepono.
"Ikaw naman bessy intindihin mo na ang bes mo, Gusto ko lang kasi siya bigyan ng gift na talagang magugustuhan niya." Halatang kinikilig na sambit ni Dom.
"Halos hindi na nga ako nakatulog kakaisip ano ang ibibigay ko sa kanya eh! Huwag ka nang mainis at ililibre na lang kita mamaya sa mall, name it! Samahan mo na ako, please? " Pakiusap na bulalas ni Dom sa kaibigan.
"Oo na! sige na! As If naman na may magagawa ako, hindi ba? baka maghapon mo na naman akong kulitin kapag di kita sinamahan, o siya! magkita na lang tayo at antok na antok pa ako." Wika ni Trixie na halatang antok na antok talaga.
"Yehey! Salamat Bessy, You're the best! See you later. Love you!" Sabay baba ng telepono.
Tumayo si Dominique sa kinauupuan at nagtungo sa maliit na kusina ng kan'yang apartment upang magluto ng almusal. Egg omelette and hotdog ang kan'yang napiling i-luto at t'yaka siya nagtimpla ng hot chocolate.
YOU ARE READING
The Billionaires Club: Sebastian (SPG)
RomanceMabilis na hinalikan ng binata si Dominique. Noong una ay nagpupumiglas si Dominique sa ginagawang paghalik ni Sebastian sakan'ya, kalaunan ay nagugustuhan na nito ang kan'yang ginagawang paghalik sakan'ya at unti-unting sumasabay sa galaw ng labi n...