CHAPTER 15

107 6 0
                                    


Sa isang liblib at masukal na parte ng baryo ng San Roque ay may matatagpuan na isang barangay.

Malayo ito sa mga kalapit na Sitio.

Ito ay mahirap puntahan dahil sa magubat na daan kaya hindi dinadayuhan ng mga tao.

Masasabi natin na ito ang BLACK SHEEP ng masayang probinsya ng San Allegre sa taglay netong maitim at malagim na reputasyon at kwento.

Galit na galit na umuwi ang tatlong inatasan na magmasid sa kalapit na baryo ng San Pascual.

"BWEEEESSSSSSSIIIT NA MGA MAGSASAKA YON!!!"

Sabay hagis sa hawak na baso at tumama sa isang lamesa na gawa sa kawayan upang ito ay magpirapiraso.

"Densio"

"... DENSIO!"

Pilit na tinatawag ang atensyon ng kasamang niyang nakasuot ng pulang T-Shirt ang malaki at nakakatakot na si Densio"

"Wag mong sirain ang pamamahay ko".

Yayakapin na sana ni Vicente ang pangalan ng lalaking nakapula ang nagwawala na katribu bago pa man dumami ang liligpitin na kalat sa ginagawa netong pagdadabug.

Nang biglang binunot ni Densio ang dalang nakasuksuk na ITAK.

"PARANG MGA KABOTENG NAGSISULPUTAN"

iniangat ni Densio ang itak sa ibabaw ng kanyang ulo upang tagain ang isang poste na nagsisilbing haligi ng kubo ni Vicente nang may humawak sa kanyang kamay nung ibabaksak na niya ito.

"Tama na yan nakakairita ka ng tignan".

May pumatak na dugo sa braso ni Densio.

Pagtingin niya sa kamay na nakahawak sa kanya ay nakita niya ang maitim at malansang balahibo nakapalibot dito.

Dali dali niyang pumiglas sa pagkakahawak nang maramdaman niya para nasusunog ang kanyang pulso.

Namalayan ni Dencio na kanya pala ang tumutulong dugo gawa ng matatalas na kuko ng ikatlong nilang kasamang si Erwin.

"TUMAHIK KA!"

itinulak ni Densio ang mas maliit na si Erwin kasabay ang pagbabagong anyo nito.

"AHHHHHHH!"

Naduwende ni Densio si Erwin dahil halos isang talampakan ang laki neto sa kanya.

"MGA INUTIL"

Mas malaki at mas nakakatakot.

Buo na ang pagbabagong anyo ni Densio bilang isang ganap na ASWANG.

Kala mo isang taong lobo ito dahil sa likas na haba ng kanyang buhok at mas malagong balahibo sa katawan.

"GRRRRRRR!"

Ganti naman ni Erwin na kahit na siyang pinaka maliit sa tatlo ay di naman pahuhuli ang talas ng kanyang pangil na inilabas niya laban sa karibal na si Densio.

Nagpormahan ang dalawang aswang kala mo ay dalawang boxero sa ring.

o mas magandang paglalarawan ay dalawang pang sabong na manok na may matatalas na tarik.

"KUNG GANYAN SANA GINAWA MO KANINA BATA AY NAPATAY NA NATIN YON ANIM NA PAKIALAMERO!"

pagkukutya ni Densio sa mas maliit at mas batang si Erwin.

Nang meron nagsalita papasok ng bahay kubo.

"ANO SINABI MO DENSIO!"

ang kanyang boses nagsilbing pamatay sunog sa dalawa.

Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon