Parang mata ng isang dragon.
Yan ang itsura kung ipalalarawan mo ang pagbabago sa mga mata ni Esperanza.
Masasabi natin na siya ay espesyal.
Sa kadahilan na siya ay anak ng isang Aswang na nakalunon ng mahiwagang bato.
Taglay niya ang mas mabilis at mas malakas na lahi ng aswang dahil sa kanyang maharlikang dugo.
Ang mahiwagang BATO NG ASWANG na kung sino man ang pasahan nito ay magtataglay na kakayahan na gumawa ng panibagong aswang sa pagsasalin ng kamandag na maisasalin mula sa kagat.
Sa kadahilan ito ay ang mahiwagang bato ay dapat na maibigay sa pinakamalakas o kaya sa pinaka matalinong aswang sa isang tribu na siya ang magiging pinuno.
At sa sikat na kwento nakasanayan natin.
Hindi mamatay ang aswang kung hindi maipapasa ang mahiwagang bato sa iba.
"ANO MAGAGAWA MO DENSIO!"
Nagkaharap sa mata sa mata sina Esperanza at Densio.
"Sa iniwan mong impresyon sa mga nakabanga mong mga pulis pano mo sila matiktikan".
Di maikakaila tama ang sinabi ng dalagang Aswang.
Kahit sabihin mong mapusok at mainitin ang ulo ng halimaw na si Densio ay di naman niya kokontrahin kung naramdaman niya na nasa tama ka.
Sa madaling salita marunong ito makinig at tumanggap ng pagkakamali.
Huminga ng malalim si Densio at humarap sa kinatatayuan ni Erwin at Vicente.
"Sa pagkakataon na meron ngang nalalaman ang mga pulis ay akin lang yung isang palangiti."
Ang tinutukoy niya ay si Rogelio dahil sa ito lamang ang tanging tao na hindi nagpakita ng takot sa kanya na siya niyang kinairitahan.
Lumabas na ng kubo si Densio at sinundan naman ng kanyang kababatang kapatid na si Erwin.
Huminto ito sa tapat ng pinuno.
"Mauna na kami supremo ..... Esperanza"
tanging si Erwin ang nagpaalam na sa kanilang pinuno.
Wari'y gusto nito magkaroon ng magandang impresyon sa ama ng kanyang sekretong iniibig.
Nakatingin naman ang pinuno sa kanyang anak at sa mukha nito ay mahahalata na tuwang tuwa si Jamie Racman sa anak na si Esperanza.
Alam niya darating ang araw na maipapasa niya ang mahiwagang bato sa anak kaya dinudulog niya ang mga payo nito.
"Magpahinga ka na kaibigan."
Sabi ni Jamie Racman kay Vicente tanda ng pagbigay galang sa naging kontribusyon niya di lang sa araw na ito kundi sa matagal na niyang ginawa sa buong tribu.
Lumabas na rin ng kubo si Jamie Racman kasunod ang kanya anak.
Pero bago lumabas ng kubo si Esperanza ay binigyan muna niya ng makahulugan na tingin si Vicente na alam na ng matanda kung ano ang ibig ipahiwatig ni Esperanza.
Ito kaya dahil alam ni Vicente na sila ni Dencio ang magtutunggali sa papasahan ni Jamie Racman ng kinaiingatan at pinaka itinatagong sekreto ng mga lahi ng aswang ang
MAHIWAGANG BATO!
Samantala sa bayan ng San Allegre:
"MAHIWAGANG BATO!?"
Ito ang naging bukang bibig ni Rogelio.
Sa isang kalsada nagbabay ang dalawang magkaibigan pauwi sa Baryo ng San Allegre.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)
HorrorBumalik sa baryo San Allegre si Father John upang maglingkod bilang pangunahin pari. Kasama nito ay ang bitbit niyang masamang karanasan sa misteryong lugar. Hindi lang pagbibigay ng misa sa simbahan ang pakay ni Father John. kasama na din dito an...