Little Miss Stalker
-One Shot Story-
By OnlineChoco
*blink*blink*blink*
=_o
o_=
O_O
Teka nasaan na ba ako huh?
Grubeh lang lang. Ang dilim. Wala nga halos akong makita. Aalalahanin ko muna kung bakit ako nasa tabi ng isang puno. Walang ilaw eh tanging makikita mo lang yung ilaw sa malayong poste.
“Pre, san tayo gigimik?”
“Kahit saan wag lang sa bahay” sabi niya.
Narinig ko yung boses na yun. Ang boses na lagi kong hinahanahanap. Hehehe. +_+ Target found. Nakatulog pala ako dito sa tabi ng puno.
“Kaya nga gigimik eh. Hindi magkukulong sa bahay. Hahaha” at ayun umalis na sila. Hindi ko na muna sinundan kasi alam ko naman yung ‘kahit saan’ nila.
Time check: 8:32 pm
Nilabas ko yung tickler ko at nagsulat na.
*8:32 pm – nagyaya na namang gumimik si Drake.
Scan muli sa aking tickler at viola! Informationssss
l
l
l
v
Drake Roger Mendoza
- 16 years old
- Classmate at bestfriend ng aking target
- May girlfriend na ang pangalan ay Sheen Napoles
- Bumibisita sa bahay ng aking target tuwing Sabado.
- Pumupunta siya doon palagi ng 6:00 pm
Tss. Magkasama na naman sila. Makasunod na nga lang. Tara sugod!